Ilang minuto rin akong nakatulala sa lalaking itinuring kong kaibigan habang nakikipag barilan ito nang palihim.
Nabalik lang ako sa huwisyo ng may tumamang bala malapit sa aking ulo. Mabilis akong napatingin sa pinanggalingan noon at mabilis na itinutok ang baril sa isa sa mga kalaban bago iyon barilin.
Nang muli kong ibalik ang tingin doon sa lalaking itinuring kong kaibigan ay wala na siya doon. Nagpalinga linga ako para hanapin siya pero wala na, hindi ko na siya makita.
Siguraduhin mo lang na may maganda kang paliwanag sa akin kundi ako mismo ang papatay sa 'yo.
Hindi ko muna sasabihin ang tungkol dito at ililihim ko muna. Kapag nakakuha na ako ng sagot ay tsaka ko na siya tatapusin at sasabihin kay ZZ3 kung sino ang bumaril sa bebe niya.
Mabilis kong tinanggal sa isipin ang lalaking iyon ngunit paulit ulit naman siyang bumabalik din.
Nakakainis!
Mabilis kong ibinato ang baril ko na wala ng bala bago kuhanin ang isa ko pang baril na nasa hita ko at paputukan ang mga men in black. Babarilin ko na sana iyong isa na balak akong barilin nang biglaan iyong matumba. Napatingin ako sa may kagagawan noon.
"Not my girl."
"Clint..." Bulong ko sa pangalan nito. Seryoso niya akong tinignan bago lumapit sa akin. Hindi alitana ang mga nagbabarilan.
"You will explain to me, everything." Sabi niya bago hawakan ang ulo ko at halikan ang aking noo. Walang sabi sabi na umalis siya sa harapan ko bago makipag barilan.
Paano niya nalaman na nandito kami?
Napatingin ako sa may entrance ng university nang may akong mga pamilyar na tao ang pumasok.
The hell! Bakit pati sila ay nandirito?
Agad na pumasok ang ibang Section Eleven na may mga dalang baril. Hindi na ako magugulat kung papatay sila ng walang alinlangan dahil gawain nila iyon.
Mamamatay tao rin.
Kasunod na pumasok nila James ay sila Mickie naman may mga suot na face mask katulad nila ZZ3, mabilis silang dumapa nang paputukan sila. Mabilis kong itinutok ang hawak kong baril doon sa mga nagpaputok sa may entrance bago kalabitin ang gatilyo.
Mabilis akong napaupo sa sahig ng may biglang tumama doon. Pagtingin ko ay mga rumaragasang dugo pababa sa aking paa ang aking nakita.
Mabilis kong sinamaan ng tingin ang lapastangan na iyon bago kuhanin ang aking kutsilyo at ibato iyon sa kaniya dahilan para tumusok iyon sa kaniyang lalamunan sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Sumanda muna ako sa puso bago umupo. Naglabas ako ng panyo at mahigpit na tinalian ang aking binti upang bumagal ang pag-agos ng dugo.
Nang maayos ko na ay muli akong tumayo at bumalik sa pakikipag barilan. Kita ko pa kung paanong pinapagalitan ni ZZ3 ang lalaking may kulay ubeng buhok dahil may tama ng baril ito sa braso. Napapailing ako habang nakangisi.
Sus! Hindi daw maf-fall!
Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Clint na nakikipag barilan sa iba. Mabilis na tumaas ang kilay ko ng may makitang isang men in black ang babaril kay Clint. Mabilis kong itinutok doon ang aking baril bago iyon paputukin. Mabilis na napatingin doon si Clint bago ibaling sa akin ang paningin.
Nginitian ko siya at kinindatan naman niya ako.
Nakita ko naman sa may ibang bahagi ng puno, si James at MJ. Napangiwi ako ng makitang hinila ni James ang braso nito bago halikan sa labi si MJ. Nung una ay pumalag si MJ pero kalaunan ay tumugon din ito sa halik ni James.
Jusko! Dito pa naglandian.
"Putangina! Sana all!" Sigaw ni Demilyn ng makita sila James at MJ. Mabilis naman itong nakatanggap ng gitnang daliri mula kay MJ dahilan para humalakhak ako.
"Walang forever!" Sigaw naman ni Klira. Mabilis naman na sumigaw ang isang lalaki habang nakatingin kay Klira
"Mayroon. Basta kapag tayong dalawa."
Mabilis na nagtawanan ang mga kasama ko habang si Klira ay masama ang tingin doon sa lalaki na ngayon ay nakangisi na.
"Gago!"
"Crush mo naman!"
Kinginang iyan! Mga nakakadiri!
Mabilis namin na kinoberan si ZZ3 at ang ube niya habang papunta kay Demilyn na nagtatago doon sa harang.
"Argh!" Daing ko ng may maramdaman akong bumaon sa may tiyan ko. Pagtingin ko ay may basang kulay pula ang unti unting kumakalat sa aking uniporme.
Napaupo ako dahilan para mapatingin sa akin si James. Mabilis na nanlaki ang mata nito.
"Princess!" Sigaw nito dahilan para mapatingin sa akin ang iba. "Clint! Si Princess! May tama!" Sigaw ni James, nagpapanic.
"Hac!" Sigaw nila, nag-aalala. Pero nginitian ko lang sila bago magthumbs-up.
Biglang nagsalita si ZZ3.
"Hindi pa mamamatay iyan. Masamang damo iyan." Sabi niya dahilan para mahina akong matawa.
Natahimik lang ako ng sumuka ako ng dugo. Mabilis na tumakbo papalapit sa akin si Clint habang nakikipag barilan at kinokoberan siya ng iba.
Habang papunta sa akin si Clint. Sa hindi kalayuan ay muli kong nakita ang lalaking nakita ko kani-kanina lang. Ganoon pa rin ang suot niya habang nakangisi sa akin. Napatingin ako sa may tagiliran niya ng may isang babae ang lumitaw mula sa kung saan. Nakangisi ito sa akin bago ibaling ang tingin sa iba.
Tangina, Luke! Bakit mo sila pinagkatiwalaan?
Tinanggal nung lalaki ang kaniyang suot na sumbrelo dahilan para makita ang ko ang buong mukha niya.
All this time. Niloloko pala nila si Luke. Humanda sila sa akin dahil hindi nila kilala kung sino ang binabangga niyo.
Tama ang hinala ko na hindi sila mapagkakatiwalaan. Unang kita ko pa lang sa kanila ay masama na ang kutob ko.
Sa bawat tingin nila kay ZZ3 noon ay nakita ko ang galit sa kanilang mata sa hindi ko malamang dahilan.
Bawat galaw nila ay alam ko. Dahil nung nag meet-up kami ay hindi ko na inalis sa kanila ang aking paningin.
Kahina hinala rin ang kanilang mga tinginan at galawan. Lalo na nung nakausap nila si ZZ3. Halatang pinipigilan nila ang kanilang galit at inis sa kanilang boses.
Bawal suot na niyang alahas ay may kakaiba. May hearing devise na nakakabit sa kaniyang tainga noon. Hindi nila napansin ang bagay na iyon dahil sa buhok na nakaharang dito.
Ang kaniyang suot na hikaw naman ay isang hidden camera kung saan pinapanood nila ang bawal galaw namin.
Ang suot naman niyang kuwintas ay isang ginto. Unang kita ko pa lamang sa kuwintas niya ay may kahina hinala na doon, bago pa namin matanggap ang golden bullet.
Palihim kong kinuha ang kaniyang kuwintas at nang pag-aralan ko iyon ay katulad ito ng golden bullet na natanggap ko na may silver mygraine na bihira lamang makita sa bansa at sa buong asya.
Nilihim ko muna ang aking nalalaman dahil mas gusto ko munang alamin kung may mas mataas pa ba sa kanila na sinusunod nila.
Nawala lang ang paningin ko sa kanila ng humarang si Clint. Mabilis niya akong hinila at inihiga sa bisig niya. Puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha habang pinagmamasdan ako. Nginitian ko siya.
"C-Clint..."
"S-Shushh, don't talk, okay? Don't talk."
"I-I love you," Sabi ko bago dahan dahan na abutin ang kaniyang pisngi. Hinawakan naman niya ang kamay ko na nasa pisngi niya bago iyon halikan.
"I-I love you too, please. Don't die. Please, please, please."
Kahit nanlalabo na ang aking paningin ay malinaw sa akin na umiiyak siya dahil sa nagkikislapan sa kaniyang mahal.
"H-Hindi naman ako mamamatay, eh," Nginitian ko siya. "Pakakasalan mo pa 'ko." Tumango tango ako.
"Yes. Yes. Yes. You will marry e, but please. Don't die. I'I can't live without you," Humikbi ito. "You are the most precious girl I've ever meet in my whole life. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng sobra, Hirein. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala ka sa akin." Niyakap ako nito at humikbi nang humikbi. Para siyang bata na naagawan ng lollipop ng kaniyang kaibigan
Bigla ka lamang kaming nakarinig ng humaharurot na sasakyan papasok. Hindi malinaw sa akin ang nakikita at naririnig ko dahil sa putukan at sigawan. Isa lang ang malinaw kong narinig mula sa pinaka espesyal na tao na mundo.
"Mahal kita..... maging sino ka man."
Bulong niya bago ako yakapin ng mahigpit at kasabay noon ay ang pagsabog ng isang bomba. Narinig ko na dumaing si Clint nung hindi na ako nakapagsalita pa.
Everything went in black