Hirein's POV
Lahat ay napatingin kay Clint,kahit si H€P na walang pakialam sa amin kanina pa at si Luke na walang imik ay napatingin narin kay Clint na ngayon ay naka tingin parin sakin hanggang ngayon.
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi nya at sa paraan ng pag titig nya sa akin.Nakikita ko sa mata nya na mahal na mahal nya ako at wala sa sariling napaisip ako na....
Hulog na hulog na ako sa lalaking ito,Ang Clint ko.....
"Tang'na!Penge bebe!"
"May Cris kana,tanga!"
"Ay!Meron na nga pala akong Cris!"
"Penge nga akong Clint!"
"Gago!May Gio kana!"
"Ako'y kinikilig"
"Inggit si Luke!"
"Inggit si H€P!"
"Pano maiinggit yan eh may Dora yan!"
"Stop teasing me,He's not my Dora!"
Ako ang unang nag-iwas ng tingin dahil hindi ko kinaya ang paraan ng pagtitig nya sa akin.Umayos ako ng upo at tinago ang aking labi para magpigil ng pagsilay ng ngiti sa aking labi.
Kengenang banat yan!Nakakaihi!
"I'll do everything just to make her mine"dagdag pa nito dahilan para mapatingin uli sa kanya ang lahat.
"Walang nagtatanong..."sabi ni H€P na nakapag pangiwi sa akin at kay Clint.
Grabe naman!
"BYE!"sabi ko kay Clint matapos ko itong ihatid sa harap ng kotse nya.Hinapit naman nya ang bewang ko bago ako yakapin at niyakap ko rin ito pabalik.
Nang humiwalay ito sa akin ay ngumiti ito."I call you if i there na"sabi nito sa akin na ikinangiti ko.
"Sige...."nakangiti kong sabi,lumapit sya sakin at hinalikan muli ang noo ko."Ingat"
Sabi ko habang papalapit sya sa kotse nya.
Sumakay sya sa kotse nya at pinaandar ang makita.Ngumiti mula sya sa akin at nagwika sya."I love you"he mouthed.
Nginitian ko lamang ito bago kumaway.
___
PAG PASOK ko sa kwarto ko ay biglang....
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"
"HUTEKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK!"
"NAKAKAKILIG KAYOOOOOOOOOO!"
"SANA LAHATTTTTTTTTTTTTTTTTT!"
"KILIKIKIG AKO SENYOOOOOOOOO!"
Bigla silang sumigaw bago ako dambahin sa kama dahilan para matumba kaming lahat sa kama ko.
"A-ang b-bigat nyo--a-ahhh!"daing ko ng bigla kaming talunan ni Demi.
"Demi!"
"Shuta!Yung back bone mo!"
"Demi!Magbawas bawas ka naman ng timbang!"
"Shuta!Mabigat ka pa ata kay ZZ3 eh!"
"Alis na mga baluga!"sigaw ko dahilan para isa-isa silang magsialisan sa ibabaw ko.Napahinga nalang ako ng malalim dahil sa kawalan ng hangin."Bwisit kayo!
Ang bibigat nyo!"singhal ko sa kanila.
"Kinikilig ako!"Sabi ni Demi habang nagtatatalon.Nginiwian lang namin to.
"Anong balak mo?"sabay-sabay kaming napatingin kay H€P ng magtanong ito. Kinunutan ko ito ng noo na may halong pagtataka--lahat kami ay nagtataka.
"Anong,anong balak?"tanong ni Heaven.
Bumuntong hininga ito bago tumingin sa glass window at pinagmasdan ang buong Hacienda.
"Kung ano tayo"seryosong sabi nito. Natahimik naman kami at napaisip."Kung ano talaga ang buo nating pagkatao" dagdag pa nito na lalong nakapag patahimik sa amin.
Paano nga ba?
"H-hindi ko rin alam"sagot ko matapos ang ilang minuto na pananahimik.
"Hindi kaya mas mabuti na putulin mona ang koneksyon mo sa kanya habang maaga pa"agad akong tumayo sa dahil sa sinabi nya.
"Hindi pwede yon!Hindi ako papayag!"
Medyo napataas ang aking boses dahil sa sinabi nya ngunit nakatalikod parin sya samin."Mahal na mahal ko si Clint at hindi ko hahayaan na mangyari yon! Hindi ko gagawin yon!"dagdag ko pa.
"Paano kung isa sya sa mga kalaban? Hindi mo parin gagawin?"tanong nya na muling nakapag patahimik sa akin. Ramdam ko ang tingin ng iba sa akin.
Agad na binasag ni Luke ang katahimikan.
"I think it's not the right time para pag- usapan yan.Hindi tayo kumpleto kaya magkakagulo lang tayo....And ZZ3 is not here"seryosong sabi nito.
"Tawagan kaya natin si ZZ3 at yung iba pa para makapunta na dito."suhestyon ni Demi ngumiti ako at umiling.
"Hindi papayagan si ZZ3 ng Ube nya" agad na nangunot ang noo nila si Luke naman ay tumaas ang kilay.
"Bakit naman?"tanong ni Klira.
Ngumiti ako."Hahalikan daw sya ng Ube nya kapag umalis ito,kaya kahit gusto ni ZZ3 na makasama tayo at hindi naman pwede dahil baka daw manakaw ang kanyang first kiss"naiiling na sabi ko. Lahat kami at natawa kahit si H€P na naiiling.
"Bagay sila"ani ni Shina.Tumango-tango kami.
"Oo nga!"sabay sabay nilang sinabi.
Humarap sa amin si H€P.
"Pag-isipan mo ang sinabi ko,Hirein. Bago pa lumala ang sitwasyon"seryosong sabi nito na nakapag patahimik muli sa amin.
Naglakad na sya at lumabas na ng kwarto ko.
Napatingin naman ako sa kamay ko ng kumuyom ito ng wala sa oras.
Hindi!Hindi ko hahayaan na mangyari iyon!
Hindi ko ilalayo ang distansya naming dalawa.Bukod kay Luke,Jark,at Section Eleven.Si Clint nalang ang lalaking tunay na nagmamahal sa akin.
Hindi ko hahayaan na mangyari iyon!
Bigla akong tumayo at hinarapa ang iba pa."Magbihis kayo"sabi ko na ikinakunot ng noo nila.
"Bakit?"
"Kung hindi makakapunta satin si ZZ3 tayo ang pupunta sa school nila"sabi ko sabay ngiti."Hindi ko hahayaan na lumayo ang pagitan naming dalawa" seryosong sabi ko.
Napangiti naman sila sa akin habang naka tingin.
"Yan ang gusto kong Hirein!Matatag!"
"Walang makakatibag!"
"Strong woman!"
"ClintRein hindi mabubuwag!"
"Kahit walang label!"
Nagtawanan kami sa huling nagsalita.
Masaya ako na nagkaroon ako ng kaibigan na tulad nila!
____
(ZZ3 SCHOOL)
Malayo palang ay naririnig na namin ang sigawan sa dulo nitong Thrid Floor ng classroom nila ZZ3.Parang ganto rin ang building namin,madumi at kami lang ang estudyante na pumapasok sa maduming building.
Grabe pala rin pala ang mga faculties dito.
"Putangina,Ube!Chuckie ko yan!" Natawa kami ng marinig namin ang malutong na mura ni ZZ3,napailing kami.
"Dyan po ako natutuong magmura!"
"Dahil po kay ZZ3 kaya kami natutong magmura!"
"Ganda gandang babae,siga!"
"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
"Don't cuss!"rinig kong sabi ng hindi pamilyar na boses pero lalaki ito.
"Putangina!Putangina!Putangina!Putang ina!Putangina!Putangina!Putangina! Putangina!"rinig naming sunod-sunod na mura ni ZZ3 dahilan para magtawanan ang iba pa nitong kaklase kahit kami ay tumawa narin habang naiiling si Luke.
"One more cuss and i'll kiss you!" Rinig kong sabi nanaman nung lalaki.
"Kiss!Kiss!Kiss!"
"Mura na bili!"
"Magmumura na yan!Magmumura nayan!"
Muli kaming natawa dahil hindi na namin narinig ang malutong na mura nito.
Tsk Tsk Tsk...isang lalaki lang pala na may kulay Ubeng buhok ang makakapag patigil kay ZZ3 sa pagmumura.
"Balik mona kasi Chuckie ko"nasa tapat na kami ng classroom nila ngunit hindi pa kami nagpapakita sa kanila,bukas naman ang pituan.
"Kiss muna!"dinig kong sabi ng lalaki na ikinatawa nilang lahat.Ngayon palang ay naiimagine kona yung nakanguso ngunit salubong na kilay ni ZZ3.
"Ah!Ah!Naman kasi eh!Balik mona sakin yan!"
"Kiss daw nuna,AHIHIHIH!"dinig kong panibagong boses.Mukhang ito yung sinasabi nya na pinaka bata sa kanila.
"Manahimik ka nga dyan punggok!" Dinig kong sabi ni ZZ3 ngunit nakakainis na tawa lang ang sinagot nito.
"May bebe naman.Ikaw?May bebe ka?"
Nang-aasar ang tono nito ng pagtatanong.
Hindi sumagot si ZZ3."Silent mean,Yes!"
Ani nito at humalakhak.
"Kawawa walang bebe!"
"Iyak na!"
"Wawa naman"
"Hanap nyo nga bebe!"
"Nakakahiya na sa iba sa inyo!May bebe kayo?"dinig kong sabi ni ZZ3.
"Wala!"sabay sabay nitong sabi.
"Wala naman pala eh!Shatap nalang kayo dyan!"
"Hey Little Monster!"pagtawag ng lalaki kanina na kanina kopa nabobosesan at sa tingin ay yun yung Ube 'nya'.
"Ano nanaman ba,Ube?"bakas na ang inis sa boses ni ZZ3,mahina kaming natawa.
"Call me Bata in English"dinig kong sabi nito.
"Baby?"patanong na sagot ni ZZ3 na ikina ngisi namin.
Nakarinig ako ng matunog na pagngisi.
"Yes,Baby?"sagot ng Ube ni ZZ3 dahilan para maghiyawan ang iba pang nasa loob.
"BWAHAHAHAHAHAHAHHAHA!"
"BABY!BABY!"
"GAGO KINIKILIG AKO!"
"OYT!KILIG SYA!"
"Gusto mo masampal ng dos por dos?"
Dinig kong tanong ni ZZ3 dahilan para magtawanan ang mga nasa loob.Nakita rin kami.
"Sure,baby.Just your kiss is the replacement!"