Hirein's POV
*Tok *tok *tok
Otumatiko ko kung naitulak si Clint palayo sa akin ng may kumatok sa pinto.Agad syang napahiwalay sa akin at umalis sa ibabaw ko.Agad naman akong tumayo at nataranta.
Jusko!Anong ginagawa namin?
*Tok *tok *tok
Aligaga akong tumayo at mabilis na binuksan ang pinto.Tumambad sakin ang boring na pagmumukha ni H€P habang nakahawak sa cellphone nya at animoy may kausap.
"B-bakit?"kinakabahan kong tanong. Itinapat naman nya sa mukha ko yung cellphone.
"Gusto kang makausap ni ZZ3" boring na sagot nito sakin.Agad naman akong nagtaka.
"B-bakit daw?"hindi parin mawala sa akin ang matinding kaba dahil konting konti nalang talaga ay may hindi magandang mangyayari sa amin ni Clint.
Hindi magandang kasama ko sya sa kwarto.
Walang emosyon syang tumingin sa akin.
"Hindi ko alam.Oh"agad nyang inabot sakin ang cellphone nya.
Agad ko naman iyong kinuha at pinaka titigan ang cellphone ni H€P.
"Pumunta ka nalang sa kwarto ko kapag tapos kana"cold na sabi nito bago ngumisi sa akin na lalong ikinalakas ng kabog ng dibdib ko.
A-alam kaya nya?
Nang makaalis na sya ay agad kong sinarado ang pinto at sumandal doon. Tinapat ko sa tenga ko ang cellphone.
"Z-ZZ3?"sagot ko habang nakasandal sa pinto at nakatingin sa sahig.
"[Oh?Anong nangyari?Bati na kayo?]" Tanong nya dahilan para mapatingin ako kay Clint na ngayon ay nakahiga na sa kama ko habang nakangisi.Inirapan ko sya.
"Ah!Oo,salamat"
"[Nasaan kayo ngayon?]"bigla nanaman akong kinabahan sa tanong nya.Wala sa sariling napatingin ako kay Clint na ngayon ay nakangisi parin.Sinamaan ko sya ng tingin.
"N-nasa labas.B-bakit?"tanong ko.
"[Nasa kwarto daw kayo sabi ni H₩ sabi sakin kanina]"seryoso ang boses nito kaya naman wala sa sariling natampal ko nalang ang sarili kong noo.
"N-nasa k-kwarto nga kami"kinakabahan kong sabi.Narinig ko naman ang buntong hininga nya mula sa kabilang linya.
"[Umayos ka,hindi pa ito ang oras para magkapamilya.Marami pa tayong kailangan gawin]"agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"Hindi nga e!Promise!"sabi ko."Promise talaga.Mamatay man yung lalaking kulay ube ang buhok dyan sa kaklase mo!"taranta kong sabi dahilan para tumawa ng malakas si ZZ3.
"[Hahahaha!Gago!]"tawa nito dahilan para mapangiti ako.
"Sabagay.Kung mamamatay ka,baka ikabaliw mona"natigil sya sa pagtawa.
"[Huh?]"napangisi ako.
"Tanggi pa.Gusto mo naman yung Ube mo"nanunukso ang tinig ko.
"[Sira!Hindi kaya!]"tanggi nito.Lumaki ang ngisi ko.
"Tologo?"
"[Oo.Mamatay man yang manliligaw mo!]"biglang nanlaki ang mata ko.
"Napaka sama mo talaga sakin!"rinig ko naman ang malakas nyang halakhak sa kabilang linya.
"[Joke lang.Sige,babye na]"sabi nya.
"San---"
*Tut tut tut
Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng patayan nya ako ng tawag.Napanguso ako habang nakatingin sa cellphone.
Sus!Ayaw nya lang pag-usapan yung ube nya e!
"Clint,lika na.Labas na tayo"pag-aya ko dito.Bigla naman na tumaas ang kilay nito na para bang nagtatanong.
"Why?"nakangisi na tanong nito.Nang- aasar.Napabuntong hininga ako.
"Hindi tayo pwedeng magsama sa iisang kwarto"sabi ko habang nakatingin ng diretso sa kanya.Umayos naman sya ng upo sa kama.
"While i'm courting you,babe.I'm not going to touch you,okay.So,don't worry"
Seryosong sabi nito sabay ngiti nito sa akin at parang sinasabi na hindi ko dapat mag-alala.
"Pero,pano yung kanina?Muntik na tayo don"
"It's just a kiss,babe.Hangga't kaya kong magpigil na hawakan ka.Pipigilan ko, okay?At isa pa,mangyayari ang dapat mangyayari sa atin kapag kasal na tayo"
Seryosong sabi nito sabay ngiti saakin.
Tumayo sya sa kama ko at lumapit sa akin
.Hinawakan nya ang magkabila kong balikat at tinignan nya ako ng diretso sa mata,ganon din ako."Babe,listen.Trust me.I'm not going to touch you.May respeto ako sa mga babae,lalo na sayo.
Mahal kita at alam mo yon.Kaya hindi ko minamadali ang bagay na iyon and besides we need to finished our study for our future.Wala kang dapat ipag- alala.Kung natatakot ka na may mangyari sa atin.Fine.Hindi kita hahalikan hangga't nililigawan kita"
Mahaba nyang sabi na nakapag paluha sa akin.
Hindi ko alam na umiiyak na pala ako habang nakikinig sa sinasabi nya.Inalis nga ang pagkakahawak sa balikat ko at hinawakan nya ang pisngi ko.
Nakatingin sya sa hinlalaki nya habang pinupunasan ang aking luha.
"Shhhh,it's okay,babe.Don't cry." Pagpapatahan nito sa akin bago halikan ang noo ko.Niyakap ko naman sya na ikinabigla nya,gumanti din sya ng yakap sa akin."I love you in 100 language" mahinang bulong nya pero sapat lamang iyon para madinig ko.
Hinigpitan ko ang yakap sa kanya."Mahal din kita...sa isang daang lenggwahe"sabi ko bago muli syang tingalain pero nananatili parin kaming nakayakap sa isa-t isa.
"I love you"sabi nya habang nakatingin sa akin.Ngumiti naman ako ng malaki sa kanya bago sumagot.
"Love you"sabi ko.Hinalikan nya ang noo ko kaya napapikit ako.
*Tok tok tok
"Punyeta kayo!Papatayin nyo ba kami sa gutom?Aba ah!Maawa naman kayo sa amin!"dinig naming sabi ni D5 mula sa labas ng kwarto.
Mahina kaming natawa ni Clint bago maghiwalay mula sa pagkakayakap namin sa isa't isa.
Binuksan ko ang pinto at tumambad sa amin ang nakangusong si D5.
"Ang tagal nyo namang maglandian aba!
Gutom na kami e!"sabi nito bago kami irapan at bumaba na para kumain.
"Pagpasensyahan mona yon.Gutom lang yon kaya yon ganon,pero mabait yon"
Paghingi ko ng pasensya sa kanya habang pababa kami ng hagdan.
"It's okay,babe"sabi nya bago hawakan ang kamay ko.
Hindi nya binibitawan ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa dining area.Agad na napatingin sa amin ang lahat bago bumaba sa kamay naming dalawa ang kanilang paningin.
Napangisi ang iba at ang iba naman ay ang lalaki ng mga ngiti habang naiiling. Ngumisi lamang si Luke pero halatang pinipigilan ang pagngiti nito.
"Ano?tatayo nalang kayo dyan at mang- iinggit?Kasi kayo may lab layp tapos kami wala?"nang-aasar ang tinig ni D5 sa amin kaya naman sinamaan ko ito ng tingin.
"Umupo na kayo at kumain"utos ni Selene sa amin.Agad naman na ngumisi si D5.
"Umupo na kayo at magkainan"naka ngisi nitong sabi na ikinalaki ng mata ko at ikinapula naman ng tenga ni Clint.
"Dem!"nanunuway ang tinig ko pero ang loko ay patay malisyan lang.Inosente syang tumingin sa akin.
"Bakit?"inosenteng tanong nya pero hindi mawawala ang nakakaloko nitong ngiti.
"Bastos ng bunganga mo"suway ko pa dito.Napanguso naman sya samantalang ay nagpipigil naman ng tawa sila Heaven at ang iba pa.
Inosente uli syang tumingin sa akin."Ano bang sinabi ko?"painosenteng tanong nya pero halatang nagpipigil ng tawa.
"Umupo na kayo at magkainan. Bwahahaha!"hagalpak na tawa ni Sunny, Selene at Heaven samantalang pigil naman ang tawa ng iba.Napasapo nalang ako ng noo.Nagpeke naman ng ubo si Clint at halatang nahihiya ito.
Bumaling si Babe saakin
Babe!Ahihihihihi.Kinikilig ako!
"Tara,kain na daw tayo"anyaya nya na lalong ikinalakas ng halakhak ng lahat maliban lang kay Luke na naiiling ay kay H€P na walang pakealam.
Pinanlakihan ko sya ng mata."Magtigil ka"painosente rin syang tumingin sa akin.
"Bakit?Kumain nadaw tayo ah,sabi nila"
Sabi nya.Natigilan ako."Bakit?Ano bang iniisip mo?"hindi ako nakasagot,nakatitig lang sya sakin pero agad din na ngumisi.
Lalo naman na nagtawanan sila.Napailing ako.Ano bang iniisip ko?
Hindi kona sila pinansin at umupo nalang ako sa tabi ni Luke,umupo narin si Clint sa aking kaliwa.
"So,may balak ka bang asawahin ang kaybigan namin?"tanong ni H€P dahilan para ubuhin ako.
*cough
*cough
*cough
*cough
*cough
Natatawa akong binigyan ni Clint ng tubig habang hinahagod ang aking likod.Pigil naman ang tawa ng iba.
"Magtigil ka nga"suway ko kay H€P pero nginisian nya lang ako bago magpatuloy sa pagkain.
"Kung gusto mong asawahin,asawahin mona tutal mahal nyo naman ang isa't isa eh.Gawa narin kayong baby para happy family"sagot naman ni Klira dahilan para manlaki ang aking mata.
"Klira!"
Nilingon nya ako habang natatawa. "What?"natatawa nitong baling sa akin. Pinanlakihan nya lang ako ng mata.
"Parang wala ng makaagaw,diba?" Sabi ni Demilyn sabay baling kay Clint. Natatawa naman na tumango si Clint.
"Yes"sagot ni Clint habang nakangiti sabay baling sakin at kumindat.Inilingan ko lang sila.
"Tigilan nyo nga ako"kunot noong sabi ko habang ngumunguya ng pagkain.
Nagulat nalang ako ng hawakan ni Clint ang magkabilang pisngi ko at iharap sa direksyon nya.Nangunot ang noo ko ng kumuha sya ng table napkin at punasan ang gilid ng aking labi.
"Tsk.Ang tanda mo na ang amos mo pang kumain"seryosong sabi nya habang pinupunasan ang aking labi.
Nakita ko naman ang pasimpleng pagkuha ng picture ni Demi at ni Shi sa amin ni Clint.Pigil naman ang ngiti ng iba habang ang iba naman ay tinatago ang mukha.
"Clint,anong pang habang buhay na hiling mo?"tanong ni Dem habang naka pangalumbaba na nakatingin sa Clint ko.
"Sana ang babaeng mahal ko at nasa tabi ko ang maging asawa ko sa pang habang buhay....."seryosong sabi nito at nilingon ako.