kabanata 1

1035 Words
Sinimulan kong kuskusin ang mga malalaking kaldero. Patuloy ang pag patak ng luha ko. Ni hindi ko alam kung paano ko ito patitigilin. Masyadong masakit ang mga salitang iyon. "Pinag initan ka na naman ni Bernie?" Tanong ni Ate Mona. Habang kinuha nito ang isa pang steel wool. Naupo ito sa lapag at nag simulang kunin ang mga kaldero sa aking gilid. Mas lalo akong na luha sa ginawa niya. "A-ako na ate.. mamahinga kana lang. Pagod ka rin sa trabaho mo." Nanginginig ang boses na sabi ko. Pakiramdam ko ay kinakain ko ang bawat salitang lumabas sa aking bibig. Dahil sa matinding pag pipigil ng luha. "Ano kaba! Madali lang naman ito. Kaya tutulungan na kita." Aniya. Pinunasan ko ang aking mga mata. Dahil nanlalabo ito. Hindi ko na rin maaninag ang kaldero na iniisis ko. Pero pag tingin ko sa maliit na salamin sa di kalayuan. Tumamabad ang imahe ko ruon. Puno ng uling ang mukha ko. "A-ano ba ito!" Ani ko at kaagad na nag hilamos. Rinig ko ang bahagyang pag tawa ni Ate Mona. Nang mairita ako sa mukha ko na may uling. "Ikaw talaga bata ka, oo nga pala. Nag tira ako ng ulam at kanin para sainyo ni Tita Marciela at Coby." Aniya. Mas lalo lang nalukot ang labi ko sa narinig ko sa kanya. Mas matanda sa akin si Ate Mona. Kaya't parang isa pang Ina ang turing ko sa kanya. Siya ang cook ng kalinderya. At sa tuwing hapon. Nag titira siya ng ulam at kanin para ipauwi niya sa akin. "Salamat talaga Ate Mona, lagi mo na lang itong ginagawa sa amin. Nakakahiya na ito dahil sobra sobra na." Ako. Talaga naman nakakahiya na. Dahil halos araw-araw iyon. "Naku, wala yan. Sa isang linggo pa ang sweldo natin. Kanina kapa problemado pag pasok mo pa lang kaninang umaga, napansin ko na kaagad ang problema mo." Aniya. At pinag patuloy ang pag iisis ng kawali. "Salamat talaga Ate Mona, kanina ko parin pinoproblema ang ulam, dahil ayaw na kaming pautangin sa tindahan. Sa dami nang balance na naiwan ko ruon nung nakaraan linggo." Problemado kong sabi. "At ikaw. Yung mga problema na iyan huwag mong masyadong iniisip. Bata kapa Lana... At para sa katulad mong bente anyos. Masyadong mabigat ang lahat ng ito sa iyo, kaya naman ako'y naaawa talaga sayo." Puno ng awang sabi nito. Napangiti na lang ako kag Ate. Problema na lang ata ito na may kaonting buhay. Pag natapos ang isa kong problema may papasok na naman na panibago. Kaya't kahit anong gawin ko ay walang pababago. Pakiramdam ko pinag kakait na sa akin ang kasiyahan. Na kahit pag ngiti ay hindi ko na magawa. Kinse anyos ako ng mamulat at mabatak ako sa trabaho. Pag titinda sa palengke ang una kong ginagawa. Ngunit ang may ari na lalaki sa tindahan ay madalas akong bastusin at hipuan. Kaya't nag pasya ako umalis na lang. Nang mag seventeen ako ay nag tungo ako ng Manila. Umuwi rin ako sa Calorta, dahil nang mamasukan akong masahista ay muntik na akong gahasain ng dalawang lalaking nag book sa akin. Wala akong pinag sabihan ng lahat ng iyon. Kinimkim ko iyon sa aking sarili. Dahil ayokong bigyan pa ng problema si Inay. Kaya't pinilit kong kinakalimutan na lang ang lahat ng maruming alaala na yun. "Gusto ko na rin Ate Mona, ibenta ang maliit na bahay namin. Dahil tingin ko malala na ang sakit ni Inay." Ako. Habang tinatahak namin ang sakayan. "Kung ibebenta mo iyon saan naman kayo titira?" Si Ate Mona. "Yun nga rin. Hindi ko rin alam Ate, yun nalang ang natitirang paraan ko. Yung kalahati kung kasaling maibeneta ko, ibabayad ko iyon kay Mam Bernie." Ako. "Hindi parin iyan sasapat Lana. Bukod sa mawawalan kayo ng bahay at titirahan tingin ko ay di papayag ang Bernie na iyon na kalahati lang ang ibigay mo sa kanya." Si Ate Mona. May utang kami kay Mam Bernie. Utang pa iyon ni Tatay, bago siya makulong. Nalulong ito sa casino nuon. Kaya't nag hirap ang buhay namin. Hindi naman kami kahirapan nuon. Katulad nang nangyayari ngayon. Ngunit ng makulong si Itay at nalulong sa sigal. Nangutang siya sa kapatid niya na si Tita Bernie. Malaking halaga ang nautang niya. Umabot iyon milyon, kaya't gustohin ko man na umalis sa trabaho. Kaylanman ay hindi ko iyon magagawa. Dahil ang buhay ko ay nakatali na sa kanya. Lutang ako habang tinatahak ang pauwi sa bahay. Huminto muna ako sa tapat at bumili nang tinapay at tubig. Dahil kung kakain pa ako ay tiyak hindi mag kakasya ang ulam na ito, mabigat naman sa tiyan ang tinapay kaya ayos na iyon sa akin. Kikain ko na ang tinapay bago pa ako makarating sa pinto ng bahay. Pero pag hawak ko sa sinilyador ng pinto. Niluwa nito si Coby na nag wawalis. Gabing gabi na. "Huwag mong nang ilabas ang kalat Coby, malas yan." Ako. Habang nakatayo sa hamba. "Malas naman tayo kahit ilabas ko hindi ko ilabas. Ilabas ko na baka kaya tayo minamalas nag iipon tayo nang basura sa loob nang bahay." Anito. At pinasadahan ang lahat ng basura palabas. "Buweset ka talaga!" Singhal ko at kinuha ko walis upang ipukpok sana sa ulo niya. Ngunit kaagad itong nakatakbo. "Ginabi ka ata Anak." Tanong ni Inay. Habang unti-unti itong bumabanga. Kaagad naman tinulungan ni Coby. "Medyo marami po kasing kumain nung hapon. Kaya medyo nag tagal ang pag lilinis ko ng mga pinggan at kusina." "Kumain na po ba kayo ni Coby? May dalawa po ako ulam at kanin." Ako. At nakangiting tinataas ko ang plastic na may laman na ulam. "Ate, pumunta rito si Kuya Pio kanina hinahanap ka nga eh, may dalang mga bulaklak at chocolate. Sayang lang at wala ka. Hindi tuloy ibinigay lahat." Si Coby. Lumapit ito sa akin at kinuha ang plastic na hawak ko upang ilagay sa pinggan. Manliligaw ko si Pio. Ngunit ilang beses ko na itong tinanggihan dala ng ayaw ng Mommy niya sa akin. Ang mismong nanay pa niya ang nag punta sa akin upang sabihing hindi nababagay ang anak niya sa basurang katulad ko. Kaya't sa ilang beses nitong pag tatangka. Ganun beses ko na rin siyang tinanggihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD