Prologue
The sun-drenched classroom was alive with laughter. Yung tawa na hindi mo maririnig sa ibang lugar. Tanging kami lang ‘to.
Jaxen Delos Reyes leaned against a worn desk, arms crossed. There was a mischievous glint in his eyes. Nakakairita yung ngiti niya na para bang laging may binabalak.
"Guys, narinig niyo na ba yung tungkol sa Room 305?" his voice cut through the chatter.
Kael Santos raised an eyebrow. He leaned forward. Curious na naman siya oh, laging ganyan ‘tong si Kael pag may chismis, nauuna pa sa balita. "Ano meron?"
"May nagbigti raw doon," Shania Ortiz whispered. Her voice was barely audible. Pero sa lakas ng katahimikan, parang sigaw.
The room went silent.
Ysabel Torres frowned. She looked out the window. "Kaya pala may mga bulaklak at kandila sa labas," she said softly. Kawawa. Pero bakit ngayon lang?
From the back, Liam Zafiro lifted his head. A faint smirk played on his lips. Walang pake sa mundo, ganyan talaga yan siya. "Sino?"
"Cara," Akira Reyes answered. Her voice was low. Her eyes didn’t leave Liam. Titigan mo, tingnan natin kung kukurap ka.
The room filled with hushed murmurs.
Renzo Villanueva shook his head and smirked. "Baka binasted ni Liam."
The group burst into laughter. Even Liam smiled. Ang kapal nakangiti pa eh no? pero sanay na rin.
"Hindi ko naman alam na ganun kalala," he said with a shrug.
Tyler Abad chuckled. "Tapos nagbigti na lang bigla?"
"Kawawa naman," Hazel Panganiban said quietly. Pero wala namang tumulong nung buhay pa.
Vince Alcantara snorted. "Mas kawawa si Liam. Baka siya next target."
More laughter, the sun streamed through the windows. Ang liwanag ng sikat ng araw pero ang bigat sa pakiramdam.
But Akira’s eyes stayed on Liam. I’m watching you. Every reaction. Every lie.
When the bell rang, they gathered their things. Still laughing. Still teasing.
No one noticed the shadow at the back of the room. Watching. Waiting.
No one suspected that the whispers were just the beginning.
¤¤
The canteen was packed, loud voices. The smell of food. Nakakasakal, pero sanay na.
The moment Liam’s group walked in, eyes followed them.
"Di ba siya yun?" someone whispered.
"Di ba siya yung huling nakausap ni Cara?" Ang bilis nga ng balita. Ang bagal naman ng hustisya.
Liam didn’t react. He just smiled. Master ka talaga magkunwari.
Akira stood beside him, blank face. Pero sa loob ko, nagwawala na.
Then the doors slammed open.
"LIAM ZAFIRO!! Ikaw ang pumatay kay Cara!" The voice echoed. Ang lakas, pero ang duwag pa rin pakinggan.
Silence.
Akira stepped forward. Cold. "Anong pinagsasabi mo, Trisha? Wala kang alam." Tumahimik ka, baka ikaw pa madamay.
Trisha stepped closer, tears falling. "Alam ko! Ikaw ang dahilan! Dahil sa mga salita mo! Dahil sa paglalaro mo sa kanya!"
Akira smiled wider. Finally, someone brave enough to bark.
"Kaya pala ang hina ng loob mo, Trisha. Hindi ka marunong mag-move on. Cara was just a weakling. And you? You’re just a desperate girl clinging to the past." Tama, yan nga masaktan ka.
Gasp, whispers, Trisha’s face crumbled.
"Tinawag mo akong desperada? At least hindi ako pumatay ng kaibigan ko!" She ran out sobbing.
Akira watched her go. Takbo, iyak, ganyan dapat, yan ang nagugusto ko.
Liam touched her shoulder. "Akira, tama na."
She shrugged him off. "Tinaasan lang ako ng boses. Kaya ko ‘yan." Huwag mo akong hawakan.
The noise resumed. The group ate and joked.
But Akira’s eyes stayed cold. Next, sino na naman kaya?
The air grew heavy.
Shania popped a fry into her mouth. She looked Akira up and down. "Bakit ikaw yung sumagot kanina, Aki?" Half-joke, half-serious. "Ang taray mo dun ah, parang ikaw yung binastos." Omg, napapansin na nila.
Jaxen leaned back in his chair. No smile in his eyes. "Oo nga, ang bilis mo. Bakit parang personal mo yung depensa kay Liam?" Naghihinala na yung mga walang alam.
Ysabel set her spoon down. Soft voice. But firm. "Kasi... hindi naman ikaw yung kausap ni Cara that time, diba? Bakit parang ikaw yung pinaka-galit?" Tama, bakit nga ba?
Everyone looked at Akira.
Liam was quiet. Playing with his water bottle cap. Feeling mo hindi kita nakikita?
Akira took a sip of juice. Set the glass down slowly. Then she smiled. Sweet, pero may lason.
"Oh? Bawal ba akong dumepensa?"
Renzo opened his mouth. "Hindi naman—"
Akira cut him off. Her voice rose slightly. Still calm. "Kaibigan ko kayo. Ayaw kong may nangbabastos sa inyo ng harap-harapan." Lalo na kung wala kayong alam.
Kael nodded. "Valid naman." Pero hindi siya kumbinsido.
Vince grinned and pointed at her with a fork. "E paano kung... may gusto ka kay Liam kaya ka nagkakaganyan?"
Laughter erupted. "Joke lang! Biro lang Aki, relax!" Mga bobo.
Akira didn’t laugh. She leaned back, arms crossed. "Gusto kay Liam?" She echoed, amused. "Kung gusto ko man siya, problema ba ‘yun? At kung hindi, problema niyo rin ba ‘yun?" Checkmate agad.
Silence again.
Tyler scratched his head. "Grabe, ang lalim."
Liam picked up his burger. Glanced at her first. "Tama na ‘yan. Kumain na tayo." Pinipigilan ako ah?
Akira smiled at him. The kind that didn’t reach her eyes. "Oo nga. Kumain na tayo."
But her fingers gripped the edge of the table. Tight.
Sila na naman. Lahat sila nakatingin.
Lahat sila, pwedeng maging susunod na bangkay. Ako ang pipili.
Habang naglalakad sila papuntang parking lot, may mga estudyanteng nakatambay pa sa hallway. Nag-uusap-usap. Bulungan dito, bulungan doon.
"...kaya pala nagbigti, eh siguro pinagtsismisan nila."
"Grabe naman si Akira, parang walang puso."
"Anong meron kay Liam? Bakit siya yung lagi nilang pinoprotektahan?"
Walang lumingon sa grupo. Tuloy lang sila sa paglakad.
Si Akira walang expression sa mukha, pero lahat ng bulong naririnig niya. Pinoprotektahan? Patawa kayo.
Pagdating sa parking lot, nakaabang na ang mga driver nila. Nakasandal sa mga kotse, naghihintay.
Si Renzo ang unang nagsalita habang binubuksan ang pinto ng kotse niya. Nakangisi ito.
"Liam, ano ba kasi sinabi mo kay Cara para magbigti siya?"
Napalabi si Liam. Halatang naiirita.
"Sinabi ko lang naman na mataba siya. Mukha siyang baboy. Pangit. Mabaho. Yun lang."
May pumalakpak ng tawa.
Si Hazel napahagikgik at tinakpan ang bibig. "Liam!"
Si Jaxen humalakhak. "Hahaha deserving naman! ang oa naman nun eh."
Pero si Shania hindi natawa. Kumunot ang noo niya. "Liam, bakit mo naman sinabi ‘yun?"
Si Vince naman umiling habang tumatawa. "Grabe, Liam. Ang harsh mo."
Sa gitna ng ingay, tahimik lang si Akira. Nakatingin lang kay Liam. Walang pagsisisi ah? walang takot, ganyan dapat.
Si Liam nakangisi pa rin, pero may kakaiba sa mga mata niya. Madilim.
Isa-isa silang nagpaalam.
"Oh, byee na. Andyan na driver ko."
"See you tomorrow, guys."
"Babye, labyu guys."
"Cringe."
"Oa neto."
Si Liam ang huling nagsalita. Tumingin siya kay Akira.
"Hatid na kita?"
Ngumiti si Akira. "No need. Papunta na driver ko."
Nag-umpisang umalis ang iba. Sabay-sabay na nagsarahan ang mga pinto at paandar ng makina. Pero si Akira nanatili pa rin. Nakatayo sa tabi ni Liam. Nakangiti pa rin ito.
Pagkaalis ng huling kotse ng mga kaibigan nila, biglang dumaan ang hangin at bumigat.
Lumapit si Liam. Binaba niya yung boses niya.
"Akira... kailangan natin mag-usap."
Natigil ang ngiti ni Akira. Akala ni Liam lilingon siya. Pero tumalikod lang siya at naglakad papunta sa kotse niya.
"Next time na lang. Andyan na driver ko. Uuwi na ako."