Chapter 14

1208 Words
Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro ngayon dito sa kama ng tumabi sakin si Xandra. “Sino yung babaeng kasasma mo kanina?” tanong nya pero di ko manlang sya nilingon. “Fans ko.” Mayabang na pagkakasabi ko. Tinuloy ko na ang pagbabasa at ng akmang aalis sya ay may bigla na lang din lumabas sa bibig ko na hindi dapat lumabas! Lately tinatraydor na ako ng sarili kong katawan when it comes to Xandra ugh! “Eh sino din yung kasama mo kanina?” “She’s my vice president, Valerie Miller.” Tumango tango naman ako. “Girl mo?” dagdag na tanong ka ba, what girl nya?! Lintik kang libro ka! May nabasa lang ako na girl sayo lumabas din bigla sa bibig ko?! Ugh! Tiniklop ko na ang libro at nilagay sa drawer sa gilid ko. “Girl ko?” umiling iling lang ako. “Never mind, di mo naman kailangan sagutin.” Sabi ko na lang at akmang tatayo na ng pumunta sya sa ibabaw ko. “Oy Xandra, ano nanaman to?” sabi ko sa kanya ng hindi nakatingin. Hinawakan nya ang chin ko at hinarap sa kanya. Nakaharap na ako sa kanya pero di ako nakatingin sa mata nya, belat! “Look at me.” Sabi nya pero di ko sinunod. “Kung hindi – “ “Eto na nakatingin na! Anong kailangan mo?” pinutol ko ang sasabihin nya at tumingin sa kanya. “Are you jealous?” natigilan ako sa tanong nya at napatitig sa mga mata. Jealous? As in selos? “Why would I be, Xandra?” tanong ko sa kanya. “Hindi ako marunong non and pwede ba pakitigilan yang ganyang pagtitig mo?” dagdag ko pa, paano kasi kung makatitig wagas! Eto nanaman bumababa nanaman sya dahan dahan.. Aalis na sana ako sa ilalim nya pero may bigla na lang kumatok. “Girls? Gising pa kayo? Pwedeng pumasok?” rinig kong sabi ni mama. “Ako na.” sabi nya at nagpunta na ng pintuan. Umupo naman ako agad. “Hi ma.” Sabi ko kay mama pagpasok nya. Naupo si mama sa upuan habang kaming dalawa ni Xandra ay magkatabing nakaupo dito sa kama. “Clean, naguidance ka nanaman daw?” napapout ako sa pambungad ni mama, samantalang tumingin lang sakin si Xandra. “Hay bata ka, its your life naman you can always enjoy in your own way right? Just please take care.” Napangiti ako sa sinabi ni mama. Never pa nila ako na bungangaan ng matindi kasi im always responsible naman sa mga acts ko. “Yes mama I will po. Bakit po pala kayo napapunta rito?” tanong ko kay mama at yumakap na sa unan ko. “Ay oo nga pala tungkol don..” pambibitin ni mama tapos tumingin kay Xandra at ngumiti. “Tanda mo yung villa at farm natin sa Pangasinan?” tanong ni mama sakin. Inalala ko naman ng maigi at napasnap na lang ako bigla. “Ahh, yung pinuntahan po natin two years ago?” tanong ko na ikinatango ni mama. “Gusto ko sana this weekend ikaw naman ang umuwi, balikan lang naman tapos magdala ka na din ng mga prutas. Harvest kasi ngayon don eh, nasabihin ko na ang mag-asawa na sila Nay Ising at Tay Pedro, sila na bahala.” Nakangiting paliwanag ni mama. “Ako po magdadrive ma?” excited na sagot ko tapos tumango ng nakangiti si mama. “Yes, but isama mo si Xandra ha? Magdala kayo ng extra na mga damit nyo okay?” Napanganga ako sa huling sinabi ni mama at natauhan na lang ako ng magsara na ang pinto. Badness, si Xandra.. kasama ko.. papuntang Pangasinan. “Can you please come back to your senses? You seem worried.” Sabi nya habang nakatayo sa harapan ko. “Ayaw mo ba akong kasama? Sasabihin ko na lang kay tita and I’ll make some excuse.” Winave ko naman ang kamay ko at agad na umiling. “Hindi naman sa ganon. I mean, we really don’t get along right? Maybe I’m just thinking too much so can we make this trip fun?” nakangiting sabi ko sa kanya. Nagtataka man ay tumango pa din sya. Pinatay na nya ang ilaw nahiga na sa side nya. “Xandra.” Nakaupo pa din ako habang sya ay nakahiga paharap sakin. “Hinahalikan mo ba talaga lahat?” dumilat sya at tumingin sakin na nakakunot noo. “I mean, di tayo close diba as in never, kahit nga sa classroom hindi tayo nag-uusap tapos second night mo dito sa bahay bigla mo na lang akong hinalikan. At ang sakit pa sa labi.” Honest na sabi ko sa kanya. “I really like that honesty of yours.” Sabi nya tapos naupo at sumandal sa headboard. “To tell you honestly, hindi ikaw ang first kiss ko.” Sabi nya na ikinatango tango ko. “Yeah I know. At ikaw ang first kiss ko.” Prangkang pag-amin ko sa kanya na ikinanlaki ng mata nya pero agad din bumalik sa dati. “I feel proud.” Sagot nya na ikinatawa ko. “You shouldn’t.” sabi ko na ikinatingin nya sakin. “Because all you can do is to give me harsh kisses. Honestly, I really don’t like the way you kiss me.” Prangkang sabi ko sa kanya na ikinayuko nya. Then there’s that habbit again, yung hinahawakan ng isang kamay nya ang index finger ng kabilang kamay nya. “I’m sorry.” Napakunot noo naman ako ng marinig ko ang dalawang salitang yun mula sa kanya. “I honestly don’t know how to kiss in a romantic way that every love story knows. Good night.” Ang tonong yun.. malungkot ang pagkakasabi nya. Nagtalukbong sya at maya maya lang ay ramdam ko na ang mabigat na paghinga nya. Matutulog na sana ako kaso naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. From: Stella baby Can’t sleep. :( Natawa naman ako sa text nya. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at buong ingat na nagpunta ng balcony at sinara ang glass door ng dahan dahan. Tinawagan ko agad si Stella at isang ring pa lang ay sinagot na nya. “Clean. Nanaginip nanaman ako. Umiiyak sya, sabi nya.. sabi nya.” Hindi na nya naituloy ang sasabihin nya dahil umiyak na sya ng tuluyan. “Shh.. tahan na papunta na ako. Wait mo ako ha.” Sabi ko at agad ng pinatay ang tawag. Pumasok ulit ako sa kwarto namin at kahit nakapantulog na ako ay kinuha ko ang jacket at susi ng motor. Nilingon ko si Xandra na mahimbing ng natutulog ngayon. Napabuntong hininga ako at agad ng lumabas at dumiretso sa balcony. Tinalon ko mula balcony hanggang sa puno. Safe! Nagpunta ako sa garahe at sa bandang garden ako dumaan. Dito sa garden ay may ginawa kaming gate na motor lang ang makakadaan tapos nahaharangan pa iyon ng mga halaman at makapal na ginupit na elepanteng nakaupo. Me and Stella did this nung parehong nasa business trip sila mom and dad. I always use this when my best friend needs me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD