Chapter 15

1143 Words
Pagkita pa lang sakin ni kuyang guard nila ay pinapasok na agad ako. Even maids ay binabati ako. Kilala na kasi ako dito lalo na nung bakasyon, nagstay ako dito dahil sumama si mom sa isang research nung bakasyon at sakto namang busy din si dad sa business. Sobrang layo ng simpleng bahay namin sa mansion nila Stella, when I say mansion, mansion talaga! Yung may malaking chandelier, hagdan na gawa sa glass tapos napakaraming maids. Umakyat agad ako ng second floor at kinatok ang nag-iisang pulang pintuan. Ng walang sumagot ay pinihit ko na ito at pumasok sabay lock. At sa kalagitnaan ng king size bed nya ay nakaupo sya habang umiiyak na may yakap na picture frame. “Clean.” Nanginginig na tawag nya sa pangalan ko. Ngumiti naman ako ng matipid at agad na tinanggal ang sapatos ko at lumapit sa kanya. Ang weird diba? Nakapantulog na ako na terno tapos naka sneakers ako. Yumakap agad sya sakin at sumubsub sa balikat ko. Niyakap ko din sya habang hinahaplos ang buhok nya. “Ano ba yan hanggang ngayon Stella baby ka pa din.” Di sya sumagot at lumakas lang ng lumakas ang pag-iyak nya. Hindi naman siguro mag-aalala sila mom? Besides nag-iwan ako ng note sa mismong pintuan nila tapos dala ko din naman ang phone ko. Ng humupa ang iyak nya ay pareho na kaming nahiga sa kama nya. “Anong araw ngayon?” tanong nya sakin. “September 20. At mamaya lang ay 21 na, kaya naman pala.” Sabi ko sabay kuha ng picture frame na hawak nya. Napangiti ako ng maalala ko ang event na to. Ako sa kanan, sa gitna namin ang mas batang kapatid ni Stella tapos sya sa kaliwa. Ang full name ni Stella ay Maria Stella Joy Allister while yung kapatid nya na mas bata ay si Maria Stellaine Smile Allister. Kung si Stella ay super hyper at kulit nung bata, yung kapatid naman nya ay literal na smile, as in smiley face. Super cute at bibo din ng kapatid nya paano ay super idol nya ang ate nya at talagang super saya nila tignan. “Clean.. up until now ay namimiss ko pa din sya. Diba, masaya na sya? At least hindi na sya nahihirapan.” Naiiyak nanaman na sabi nya. Isang oras na lang ay September 21 na which is ninth death anniversary na ni Stellaine. Mas matanda lang kami ng isang taon sa kanya. Three years old pa lang ay magkakakilala na kami samantalang two years old naman yung kapatid nya, lagi kaming magkakasamang tatlo noon. Pero nung kaperehong araw ng birthday ni Stellaine ay nadiscover namin na may tumor pala sya sa utak. After magblow ng candle ni Stellaine ay nahimatay sya pero good thing dahil nasa likod nya kami kaya nasalo namin sya bago pa sya bumagsak at ng isugod sa hospital ay napag-alaman na may brain tumor sya. “Kaya pala.. kaya pala lagi syang tulog. Kaya pala masakit lagi ang ulo nya, kaya pala gusto nya laging masaya lang kami para di nya nararamdaman. Yun pala, all this time ay tinatago na nya. Ang bata nya pa diba Clean?” kwento pa ni Stella sabay hagulgol nanaman. Mula non ay sa hospital na tumira si Stellaine pero kahit isang araw ay hindi sy iniwan ni Stella, bumibisita ako sa kanila araw araw pero minsan lang akong nakakapagsleepover para masamahan sila kasi tinuturuan ako nila mom and dad. Nagpalagay pa nga ng extra na kama ang parents nila para sa don na matulog si Stella eh. Minsan pagdarating ako ay umiiyak si Stella habang tinitignan nyang natutulog si Stellaine. Nung nag six months na ay naoverheard namin ang usapan ng mga doctor na walang pag-asa si Stellaine na gumaling dahil masyado daw kumplikado ang tumor nya. Kung aalisin naman daw ay baka ma-comatose ang bata at di na magising. Even si mom na neurosurgeon ay umiiyak gabi gabi dahil wala din syang magawa dahil sa sobrang baba ng chance, good thing dahil andyan si daddy at di sya iniiwan. “Umiiyak sya nung isang gabi tapos ang sabi nya sakin masakit daw sobra. Wala akong magawa non kundi ang yakapin lang sya. Ang sabi pa nga nya ay gusto nya daw lagi akong masaya, dapat daw pag maaalala ko sya ay ngingiti daw dapat ako lagi kasi malulungkot daw sya kung iiyak lang daw ako pag maaalala ko sya.” Kwento pa ni Stella. Kahit ako di ko na mapigilan ang luha ko at sunod sunod na din itong pumapatak. Tahimik akong umiiyak sa tabi ni Stella habang sya ay humahagugol talaga. Lumaban si Stellaine ng isang taon at pinilit nya talaga na makipaglaro at pasayahin kami sa isang taon na yun. Pero alam bago nya kami iwan ay may sinabi sya.. “Sana po, gaya ng name ko. Kapag naaalala nyo ay lagi kayong smile. Wala po sanang lungkot ha? I’m always with you all po! And I love you so much all! Nakakatuwa naman po ang daming nandito. Next time po ulit ha? See you!” Sinabi nya yan na parang wala syang nararamdaman, sinabi nya yan na sobrang saya at bibo. Sinabi nya yan na para talagang makakasama pa namin sya. And when the sun rise, kasabay ng pagtama ng sinag ng araw sa mukha nya ay ang pagpikit nya dahan dahan na may ngiti sa mga labi. At after non ay napuno na ng iyakan ang buong room, nakayakap kami ni Stella kay Stellaine habang parehong magkakayakap ang parents namin at lahat kami ay uymiiyak. Nagpunas na ako ng luha at agad na niyakap si Stella. “Oy Stella baby, magtatampo si Stellaine nito eh. Yung bilin nya baka nakakalimutan mo, ngiti ngiti din.” Pagsabi ko non ay automatic na napangiti sya. Tahimik lang kami ngayon na nakatingin sa kisame na tadtad na glow in the dark na stars, Stellaine’s favorite shape. “Nasan sila tita?” tanong ko kay Stella na ngayon ay hinahagis hagis ang unan nya. “Aba malay ko, kinasal silang pareho sa trabaho diba?” Mula kasi ng umalis si Stellaine ay naging triple ang pagkabusy ng parents nya sa trabaho at naiwang mag-isa si Stella, siguro yun ang paraan nila para makalimot pero sobrang unfair kasi may Stella pa naman sila. “Sus andito naman ako Stella baby di kita iiwan.” Sabi ko sabay ngiti sa kanya ng matamis. “Hoy kanina mo pa ko tinatawag na Stella baby ah! Pinagbibigyan ka na abusado ka pa?!” at bumalik na po ulit sya. “Bakit?! Para ka pa din namang bata ah?!” balik ko sa kanya. “Ah ganon?!” sabay hampas nya sakin ng unan. “Hindi ako magpapatalo sayo!” sigaw ko at eto na po. Ang aming gabi ay nauwi sa isang napakabayolenteng pillow fight!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD