Chapter 16

1266 Words
“I can’t believe this. Lumakad tayo without minding our physical appearance?” reklamo ko habang papasok kami sa isang malawak na sementeryo. “Wag ka na magreklamo! Ako nga din di ko napansin eh.” Half five na in the morning at ang get up namin papunta dito? Pajamas with sneakers, cool right? Napailing na lang ako at inilatag ang carpet sabay patong ng basket. Dito kasi namin balak magbreakfast kasama si Stellaine. “Ito ang pinakamaaga nating punta so far.” Sabi ko kay Stella. Tumango tango naman sya. “Yup! Di na ako nakatulog sa sakit ng katawan eh. Halimaw ka ata eh!” sigaw nya sakin. Aba talaga naman! “Hoy! Ikaw kaya ang halimaw dyan?! Baka nakakalimutan mong sumabog yung isang unan dahil sa hampas mo!” balik ko sa kanya. Sasagot pa sana sya pero nakita ko na ang sinag ng araw kaya I motion her to stop. “Mag-usap usap muna tayong tatlo gamit ang isip. Mamaya ka na Stella baby.” Sabi ko sabay belat sa kanya. “Stop calling – “ “Sshh!” napasimangot sya ng sitahin ko sya. Ganito talaga kami kapag bumibisita kami kay Stellaine, tahimk lang habang nakatingin sa pangalan nya tapos maya’t maya tatawa kami na parang tanga. Alam nyo yun, kami lang ang nagkakaintindihan. Even without words ay masaya kami. /// “Salamat sa cream na ito at hindi nahalata ang itim na eyebags natin sa araw na to.” Sabi ko pagtunog ng bell for lunch. For your information guys, pumasok kami! Well, mga butihin kasi kaming mga estudyante eh. Tumango tango naman si Stella. “Oy Clean nanlalagkit na ako.” Narinig kong sabi nya. “Hoy gaga ka. Wag kang maliligo na walang tulog, lagot ka kay mama.” Banta ko sa kanya. “Oo nga pala bawal maligo na walang tulog.” Kamot ulo nyang sabi. Ganito kasi yan, ng matapos kami sa sementeryo ay napagpasyahan naming dumiretso na dito sa school. Good thing dahil tropa namin yung guard na naka-shift kaya nakapasok kami na walang kahirap hirap tapos may stock pa kami ng uniform at sapatos sa locker namin. Girl scout ata kami! “Nagugutom ka ba?” tanong nya, tumingin naman ako sa kanya tapos sabay kaming umiling. “For now, tulog is life. Kaya tara at matulog.” Sabi ko at sabay nga kaming yumuko sa lamesa namin at natulog. Buti ay nagising kami after bell at nakakinig naman kahit papano sa second half, salamat sa power nap na yon. “Mag-iingat pauwi Clean.” Dahil sa wala talaga ako sa mood ay tumango lang ako kay Stella at lumakad na pauwi. Hikab ako ng hikab habang naglalakad na walang pakialam sa paligid. Im so sleepy! Pag akyat ko sa taas ay naabutan ko syang nagtutupi ng mga damit nya tapos inilalagay sa bag. “Clean, nakapag-asikaso ka na ba?” tanong nya pero tumango lang ako. Basta ko na lang hinubad ang bag ko at inilapag lang sa sahig. Shinoot ko naman yung mga medyas ko sa sarili kong basket. At ngayon ay dahan dahan ko ng hinuhubad ang blouse ko. “Clean diba sabi ko – “ I cut her off. “Xandra, please. Sobrang antok na ako, pakigising na lang before dinner. Salamat.” Nanghihinang sabi ko at hinagis na ang blouse ko kung saan. Nagdive agad ako sa side ko na nakasuot lang ng bra at palda. Namiss ko ang kama ko! First time kong walang tulog na naglakbay, hindi na ako uulit grabe! /// “Gosh Xandra! Di mo ako ginising sabi ko before dinner eh.”reklamo ko sa kanya habang binobotones ang white long sleeves na polo ko na tinerno ko sa plain black pants na fitted at white din na sapatos. Doon na lang ako magpapalit ng sapatos kung pupunta ng farm “Clean, I woke you five times pero sobrang himbing ng tulog mo kaya sabi ni tita hayaan ka na lang daw. Dalian mo at malapit na mag four am.” Paalala ni Xandra at nauna ng bumaba kasama ang bag nya. Ugh! Kumuha ako ng tatlong set ng damit tutal may mga damit pa naman ako doon tapos nilagay na din ang mga hygiene ko sa bag tapos tinapon ko na papasok sa loob ang phone ko. Bumaba na ako habang nakasabit sa kanang balikat ko ang itim na backpack ko. Bumeso agad ako kila mama and dad at naupo na sa tabi ni Xandra. “Ang haba ng tulog mo anak ha.” Sabi ni mama. Ngumiti lang ako dahil may subo ako na bread at hotdog. “Dumiretso na ba kayo ng klase?” tumango tango naman ako. “Ahh that explains why kung bakit di ka manlang nagising kagabi. Anak, I told you to take care of yourself right?” crossarms na sabi ni mama. Nilunok ko agad ang pagkain ko at hinawakan ang kamay nya. “Ma, inaalagan ko po ang sarili ko. Sorry ma, di ko talaga maiwan si Stella.” Sabay buntong hininga ko. “Hay may magagawa pa ba ako? Magpapatuyo ka pa ba ng buhok?” ngumiti na si mama sabay squeeze sa kamay ko. Umiling ako at tinapos na ang pagkain ko tapos nagtoothbrush na. Nakita ko naman si Xandra sa likod ko pagkatapos, sinilip ko sila mom and dad na nag-uusap ngayon. “Xandra.” Tawag ko sa kanya. “Hmm?” “Magbabaon pa ba tayo?” tanong ko sa kanya habang nagpupunas ng kamay. “Drive thru na lang.” matipid na sagot nya at nag-asikaso na din. “Anak, handa na yung sasakyan. Nilagay ko na din don yung mga gamit nyo.” Sabi ni dad pagpunta ko ng kusina. Ngumiti naman ako at humalik sa pisngi nila. “ Sige po, don ko na lang po hihintayin si Xandra. Mag-iingat po kayo dito ha?” Pumasok na ako sa sasakyan at inistart na ang engine. Chineck ko naman lahat at okay naman. Ranger pa din talaga gusto ko, buti ito yung pinagamit samin yes! Nag-selfie ako at agad na sinend sa GC naming apat. Tela: Ayan tayo walang pagsabi! Linis: Ang aga mong gising ah? Tela: Dahil nagpapasexy ako nyahaha! El nina: Woy! May nag-aaral dito oh! Inay: SShhh!! Linis: Ang active nyong lahat ah? Send kayo ng pics! Pag send ko ay nagsipagsend nga sila. Tawa ako ng tawa sa pic ni Janina dahil yung eyebags nya nagingitim na, samantalang si Kyla may muta pa at si Stella… Kaming tatlo: PAHINGI NG CHEESECAKE! Linis: Wala na F.O. na biglang nag-out! “Hey.” Muntik ko ng mabitawan ang phone ko dahil sa gulat ko. “Magsabi ka naman na andito ka na.” nakapout na sabi ko at tinago na ang phone ko. “Nice Clean, madali ka lang pa lang nakawan dahil di mo napansin na binuksan ko na ang pintuan.” Nang-aasar ba sya? Di ko na lang sya kinibo at sinuot na ang seat belt ko. Magsisimula na sana akong magdrive kaso hindi nya pa pala nakakabit yung seat belt nya. “Ako na.” sabi ko na ikinalingon nya. Lumapit ako sa kanya at ako na ang nag-ayos ng seat belt nya. Okay? Bakit parang uminit? Tumingin ako sa kanya at sobrang lapit namin tapos mula dito sa pwesto ko ay kitang kita ko ang sinful lips nya.. wait, lips?! Agad akong lumayo ng marealize kong napapatagal na ang titig ko. Wooh! “T-tara na.” sabi ko at nagstart na magdrive. Bakit pakiradam ko, torture ang trip na to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD