Chapter 19

906 Words
Gabi na at andito kami sa likod ng villa habang nakahiga sa duyan at nakatingin sa maulap na langit. “Uulan ba?” tanong ko sa sarili ko. “Maybe.” Sagot ni Xandra na nakaupo sa kabilang duyan habang umiinom ng kape nya. Pareho kaming nakasweat pants at tshirt ngayon ang kaibahan lang ay gray sakin tapos white sa kanya tapos pareho kaming nakawhite tshirt pero ang sakin ay vneck. “Nag-eenjoy ka ba?” tanong ko sa kanya. Tumingin naman sya sakin tapos sa kape. “Oo naman.” Flat na sagot nya, sana nga nag-eenjoy talaga sya kasi ako nag-eenjoy ako eh. Bigla na lang akong napangiti. “Clean? Iha?” napaupo naman ako ng marinig ko ang tawag ni nay Ising. “Kabisado mo pa ba sa gubat malapit sa maisan?” tanong ni nay na ipinagtaka ko. “Bakit po?” “Andon kasi ang tay Pedro mo, inaayos nya yung isang traktora ang kaso eh nawalan daw ng kuryente don at di sya makaalis. Baka pwedeng pakisundo naman si tay mo? Nag-aalala na kasi ako.” Worried na sabi ni nay. Lumapit naman ako kay nay at niyakap sya. “Sige po ako na ang bahala, mangangabayo na lang po ako.” Sagot ko at kinuha ang inabot ni nay na flashlight. “Clean, sasama ako.” Narinig kong sabi ni Xandra. “Sure ka ba dyan? Madilim don.” Pananakot ko sa kanya. “Ano ako? Bata?” naiinis na sabi nya na ikinatawa ko. “Wag na kayong magtalo. Sige na Clean isama mo na sya. Mag-iingat kayo sa daan ha?” paalala ni nay bago kami umalis. “Oy Xandra. Di ka ba nilalamig?” tanong ko sa kanya dahil binilisan ko ang pagpapatakbo. “Hindi naman, para ka na din kasing nakayakap sakin.” Sagot nya tapos tumingin pa sakin. Ang mata nya.. hindi na ganon kaitim kagaya nung first year kami. “Clean sa daan ang tingin.” “Sorry.” Sagot ko sabay balik ng tingin sa daan. Pa-epal na Xandra to! Kung ayaw nyang tinitignan sya edi wag! Binuksan ko agad ang flashlight pagkababa namin dito sa bodega. “Dito ka lang ba sa labas?” tanong ko kay Xandra. Nag-aalala kasi ako, sobrang dilim tapos mukhang uulan pa. “Yes, I’ll be fine. Hanapin mo na si tay Pedro.” Sagot nya sakin pero hindi ako natinag at nakatingin lang sa kanya. “Clean dalian mo baka umulan na.” “Dito ka lang ha.” Mabigat man sa loob ko ay iniwan ko sya sa labas at pumasok sa loob para hanapin si tay Pedro. “Tay ano pong nangyari?” nakita ko si tay na nakasandal at nakahawak sa binti nya, buti matalas pandinig ko. Ano ba naman kasing ganap?! Nagiging horror na itong story sa setting na ganito ah? Sa gitna ng madilim na gubat, isang malaking bodega na lagayan ng mga ginagamit sa bukid tapos hinahanap si tay Pedro at naiwan ang isang tao sa labas na naghihintay sakin. Ugh! “Hindi ako makalakad parang namamanhid na itong tuhod ko eh. Buti dumating ka baka nag-aalala na si nay mo.” Lumapit agad ako kay tay at inakbay sakin ang isa nyang braso at inakay sya dahan dahan. “Kaya mo ba ako?” “Oo naman po. Nag-aalala na nga po si nay kayo naman po kasi, dapat po sa mas batang mangagagwa nyo na po ipinapagawa yan.” Nag-aalalang sabi ko. “Eh pasensya ka na, nakasanayan na eh.” Nakalabas kami ni tay habang akay ko sya, lumapit ako kung san ko iniwang nakatali ang kabayo. “Xandra?”  tawag ko pero walang sumagot. “Kasama mo ang kaibigan mo?” tanong ni tay kaya tinanguhan ko na lang. s**t nasan ka ba!? Sabi ko dito ka lang eh! Inalalayan ko si tay pasakay sa kabayo. “Tay mauna na po kayo sa villa. Kapag wala pa ho kami ng dalawang oras ay balikan nyo na po kami.” Nag-aalalang sabi ko. Dammit! Nasan ka na ba Alexandra Sison?! “Pero anak – “ “Tay sige na po, mas mag-aalala po si nay kung tatlo po tayong di babalik doon. Mauna na po kayo susunod na kami.” Nakangiting sabi ko kay tay at wala na syang nagawa kundi ang mauna na pabalik sa villa.  “Xandra! Nasan ka?!” sigaw ko habang ginagala ang flashlight sa paligid. “Alexandra!!” sigaw ko pa habang patuloy na naglalakad. Hindi maganda to, baka abutin pa kami ng ulan dito, ang plano ko pa naman ay umuwi mamayang alas nuebe. “Alexandra Sison!!” this time ay nilakasan ko pa dahil nararamdaman ko na ang mahinang pag-ambon. Argh! Nasan ba nagsuot iyon?! Sobrang nag-aalala na ako! Ang pakiramdam na to ang pinaka ayoko sa lahat! Huli akong nakaramdam ng ganito nung nalaman namin na may brain tumor si Stellaine. Shit naman! Mas mahihirapan akong maghanap kung uulan! “Alexandraaa!” kasabay ng sigaw ko ay ang malakas na pagkulog at matinding buhos ng ulan. “Xandra!!” sumigaw ulit ako habang tumatakbo at pilit na hinahanap sya sa pagitan ng mga puno. Nasan ka ba?! Bumalik ako sa bodega at chineck ang perimeter pero wala sya. Okay dito naman sa kabilang direksyon. “Xandra!!” “Alexandra Sison!! Nasan ka?!” helpless na sigaw ko. Fudge, Xandra bakit mo ba ako pinag-aalala ng ganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD