Chapter 20

1091 Words
Alexandra’s POV It’s my first day in an all girls school. Hindi ako yung tipo na nakikipaghalubilo sa iba at ayoko sa lahat ay ang iniistorbo ako. I closed myself to everyone even to my parents since I’ve overcome my trauma nine years ago. Cherry Blossom All Girls High School ay ang paaralan para sa lahat ng mga mayayamang anak na babae ng mga businessmen, politicians, at ng lahat ng uri ng mayayaman. Sa isang prestigious school din ako nag-aral noong nasa grade school ako pero ang pinagkaiba ay hindi yon all girls school. Maraming lalaki ang nagbibigay sakin ng kung ano ano pero kahit ni minsan ay hindi ako tumanggap. I can’t smile, I can’t laugh, hindi sa kahit kailan ay hindi ko naranasan ang mga yan pero parang sariling katawan ko na mismo ang nakalimot kung paano maging masaya. Some girls also confess their love to me but I choose to ignore. Hindi ako interesado sa both gender, I just want to be alone in my entire life. I don’t need someone who’ll accompany me. Naglakad na ako papasok ng gate pagkaalis pa lang ng kotse ni dad. My parents loves me so much, hindi sila sumuko na pangitiin ako pero every time na I see their smile, wala akong maramdaman kundi purong lungkot dahil alam kong hindi totoo ang ngiti na pinapakita nila sakin. Pati ang mga babae na gusto akong maging kaibigan ay hindi din totoo. Lahat sila, walang totoo sa kanila. Kahit isa. Napapikit na lang ako ng may tumamang likido sa kaliwang pisngi ko, tinignan ko ang mga babaeng tadtad ng makakapal na make up sa mukha habang pinaglalaruan nila sa putik ang isang kawawang babae. “Oh makatingin ka ah? Ang arte mo naman, putik lang yang nasa pisngi mo. Papalag ka ba?” mayabang na tanong nya pero tinignan ko lang sya at lumakad na paalis. Hindi ako makikipag-away sa simpleng bagay lang. I heard them laughed but I just ignored them. Pumasok ako sa isang hallway at sinundan ang nakasulat sa mapa kung nasan ang principal’s office para makapag-enroll ako even though two weeks na since nagstart ang klase. Habang naglalakad ay pansin ko na may cautions na nagsasabing wet paint at may mga ladder pa sa gilid. Nagbukas ang school na hindi pa tapos ang pagpipintura? Tsk, paano kung may maaksidente? “Watch out!” nagulat na lang ako ng may yumakap sakin at dumulas kami sa sahig at kasabay nito ay ang pagbagsak ng isang hagdan sa dadaanan ko sana at may pintura pang kasama na tumapon na ngayon sa sahig. Nagulat ako sa nangyari pero for the first time.. I feel safe. She’s holding me tightly at the back of my head and waist na para bang ayaw nya akong masaktan. Her scent.. her soft and warm body that embraces me and the sound of our pounding chest. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Ito ang unang beses ko na makaramdam ng ganito sa isang tao. The next thing I knew is nakatayo na kami at winewave na nya ang kamay nya sa harap ko. “Miss? Miss? Nabagok ka ba? May pilay ka? May masakit ba sayo? Dadalhin na ba kita sa clinic?” sumalubong sakin ang nag-aalala nyang mukha habang chinecheck ang kabuuhan ko. A girl with long and silky reddish brown hair and a pair of brown eyes with full of life. Mayroon syang may kakapalan na pares ng kilay, matangos na ilong at manipis pero kulay rosas na mga labi. I stunned and I felt something that tickles my heart. She’s so beautiful.. “Miss? Bakit may putik ka sa mukha? Itong panyo ko na lang natitirang malinis sakin so pupunasan ko na lang din yang putik sa pisngi mo ha?” at kahit wala pa akong sinasabi ay pinunasan nya ang putik sa pisngi ko sabay ngiti. Her smile.. it’s so genuine. “Here, sayo na lang ang panyo ko may stock pa naman ako pero bakit di ka nagsasalita? Pipe ka ba?” tapos kumunot noo pa sya. She looks like a kid.. “CLEAN! GAGO KA! PAG NAABUTAN KITA IHAHAGIS KITA SA CANAL!” at umalingawngaw sa hallway ang isang malakas na boses ang nagpabalik sakin sa reyalidad. “Miss sorry! Mauuna na ako!” then she left while running. Sinundan ko sya ng tingin at ngayon ko lang napansin na sobrang dumi nga ng uniform nya. Chineck ko naman ang uniform ko kung madumi pero hindi.. Binuklat ko ang panyo na binigay nya sakin at nasa isang tupi ang putik na pinahid nya then the rest is kulay brown na. Maybe she used her handkerchief on my uniform while I’m in my deepest thoughts. Clean? Is that her name? /// “Okay class. Two straight lines then head to the auditorium.” Pumila ako sa pinakang dulo at sumunod sa mga kaklase ko. General assembly for freshmen kung kailan August na? Seriously? “Miss Xandra. Tayo daw po ang magcover ng buong General Assembly sabi ni president.” Hinihingal na sabi ng isa sa senior ko, I don’t even know her name. “Okay.” Sabi ko at agad na nagpaalam kay Miss at sumama sa kanya. Pumwesto kami dito sa pinakadulo para makita ang kabuohan ng auditorium. “Miss Xandra. Don lang po ako sa side na yon.” Tumango lang ako, I don’t mind being alone her presence annoys me big time. Ng malaman ng lahat na isa akong Sison ay nilagyan na nila ng Miss ang simula ng pangalan ko. I also heard humors na binansagan akong Ice Princess ng CBAGHS. It sucks but I didn’t complain not even once. They can always do what they want to do. Basta wag lang nila akong guguluhin. Gusto ko lang ng katahimikan. Ng magsimula ang program ay sunod sunod na ang pagtype ko dito sa tablet habang nakikinig at pinagmamasdan ang paligid. Anyway, may iba namang naka-aasign para sa photography. “Palakpakan naman para sa mga member ng ating Dance Club!” sigaw ng emcee at mas lalo pang dumami ang tao sa loob kasabay ng hiyawan ng lahat. Pumasok sa stage ang labing dalawang babae na nakadress up ng hip hop. But the girl in the middle caught my attention.. She’s smiling widely while looking at the crowd. That genuine smile.. Bakit ngayon ko lang ulit sya nakita?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD