Chapter 8

1275 Words
Kamot ulo kaming lumabas ni Stella mula sa guidance office. Shet may nakahuli pala samin kahapon sa mall? Hay nako! “Sabi kasi sayo wag ka magtambay sa NBS eh!” sabi ko kay Stella. “Sorry naman ha?! Ang cute kasi ng sticky notes eh!” “Sa sobrang cute tinitigan mo lang at wala kang binili!” sabi ko sabay hampas sa kanya. “Wag ka ngang bayolente!” sita nya sakin na ikinasimangot ko. “Hoy – “ sasagot pa sana ako kaso natigilan ako at napaatras ng mabunggo ako ng isang babae at nagkalat lahat ng dala nya mula sa libro hanggang sa mga ball point pen nya. Lumingon ako sa gilid ko para sana yayain na tulungan ako ni Stella kaso nakita ko syang tumatakbo na sa kabilang hallway. Akala nya siguro hahampasin ko nanaman sya. Lumingon ako sa paligid at ng wala akong makitang tao ay lumuhod na ako at tinulungan sya. Ng maligpit ko na ang lahat ay inabot ko na sa kanya kaso ng maramdaman kong di pa nya kinukuha ay tinignan ko na sya. Anghel?! May anghel dito sa school namin?! Kulay blue ang mga mata nya tapos parang grayish na blonde ang buhok nya, woah! Ang ganda nya! Napakunot noo na ako ng nakatitig pa din sya sakin at nakanganga pa. “Miss?” tawag pansin ko sa kanya. “Miss – Miss Clean! Ikaw po pala yan! Pasensya na po!” sabi nya sabay hablot ng mga gamit nya at kumaripas ng takbo na halos masubsob na. Problema non ni ate? Napa shrug off na lang ako at naglakad na lang ulit. Ang tatlong yon iniwan ako! Until now hindi pa din pumapasok si Kyla, well sabi nga nila walang sikretong di mabubuking kaya ayon, napagalitan na ni nanay. “Miss Logan?” napalingon ako sa kaliwa ko. “Hello po Miss Cruz.” Sabay ngiti ko ng matamis, don’t get me wrong ha? Sya yung teacher na kina-tting-an namin kahapon. Wooh buti di ako namukhaan! “Since tapos naman na ang mga klase, pwede mo bang ihatid ‘tong papers kay Miss Alexandra Sison ng Journalist Club? Kailangan na kasi itong mapagpilian bago pa mag-end ang month.” Napalunok ako at wala sa sariling napatango tango. “Salamat Miss Logan. May importante talaga kasi akong lalakarin eh.” Tumango tango na lang ako hanggang sa makaalis si Miss Cruz, ang malas ko naman! Since andito na ako sa hallway na to edi dineretso ko na tapos sa kaliwa nito ay ang Journalist Club. Around five pm na din baka wala ng masyadong tao. Sakto pag liko ko ay may nakasalubong akong limang estudyanteng nagkekwentuhan tungkol sa news paper na ilalabas ngayong month. Gumilid naman ako para di nila ako mapansin. Paglagpas nila ay dineretso ko na ang hallway at ng makita ko ang pintuan ng Journalist Club ay walang katok katok akong pumasok. “Hindi ka ba marunong kumatok?” walang tingin tingin na sita sakin ni Xandra sabay pasok sa loob ng isa pang kwarto dito, maybe yun ang office nya. Since pasaway ako ay pumasok ako ulit don without knocking. “Hindi bat ang sabi ko –“ di na nya natuloy ang sasabihin nya ng makita nyang ako ang nakatayo sa harapan nya. Kumunot noo pa nga eh, well.. ano nga naman ba ang gagawin ng isang gaya ko sa club na ‘to diba? Tsk. Lumapit na ako sa table nya at inilapag ang mga papel na ibinigay sakin ni Miss Cruz kanina. “Para saan yang mga yan?” tanong nya. Umupo ako sa couch at binuklat buklat ang ilang news papers na nakalagay sa table. “Those are the papers that Miss Cruz gave to me; nakisuyo sya na ako na ang magdala dito dahil may importante daw syang gagawin.” Nag de-qautro ako ng mahanap ko ang comic section. “Is that so? Okay thank you.” Sabi nya tapos lumabas ng office nya. San naman pupunta yun? After a couple of miutes ay may lumapag na kape sa harap ko tapos sa katapat na couch ko sya naupo. “May kailangan ka pa ba?” tanong pa nya. Huminga ako ng malalim at sinara na ang newspaper. “Ikaw na lang ba ang nandito?” tanong ko sa kanya sabay higop ng kape. “Yes, kakatapos ko lang din na ayusin ang mga papers then after that ay uuwi na din ako.” Sabi nya. Inilapag ko na ang tasa at tumingin sa kanya. “May boyfriend ka?” tanong ko sa kanya. Napatingin agad sya sakin, I think I catch her attention. “Bakit mo natanong?” tanong pa nya. “Hmm, eh sino yung lalaking kahalikan mo kagabi sa tapat ng bahay?” natahimik sya sa tanong ko sabay tingin sa malayo. “That is none of your business.” Sagot nya sabay lakad at tinignan ang malawak na bintana sa likod ng swivel chair nya. “Uso pala talaga yung ganon? Nakikipaghalikan kahit walang relasyon?” tinignan nya ako ng matalim pero ngumiti lang ako sa kanya ng matipid, yeah, sa sobrang uso ay pati sakin ina-apply nya. “Kung hindi mo sya boyfriend.. fiancé then?” taas kilay kong tanong sa kanya. Alam kong mukha kaming stupid ng mga kaibigan ko sa mata ng lahat pero hindi kami bobo, lalo na ako. “Shut up!” napasmirk ako ng sumigaw sya at hinampas pa ang table nya. Pasaway ako diba? “Hindi lang business ang dahilan kung bakit umalis ang mga magulang mo at hindi ka sumama, its about your marriage right? Nag-away kayo ng parents mo pero dahil mahal ka nila ay nakisuyo sila kila daddy na samin ka muna tumira dahil ayaw ka – “ Hindi ko na tapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong itulak pahiga sa couch sabay upo sa tyan ko. Hindi pa ako nakakabawi ng hawakan nya ako ng mahigpit sa mga pala-pulsuhan ko sabay taas non sa ibabaw ng ulo ko. “Hoy anong – ?!” di ko na natuloy ang sasabihin ko ng halikan nya ako ng sobrang sakit ngayon. s**t! This time ay pumapalag na talaga ako at iniiwas ang labi ko sa kanya. This kiss is the most hurtful one! Damn! Habang tumatagal ay nalalasahan ko na ang lasang kalawang at hapdi sa lower lip ko. Ng mabawi ko ang kanang kamay ko ay walang ano ano ay sinampal ko sya ng buong lakas na ikinahinto nya. Naka-upo lang sya sa tyan ko habang nakahawak sa pisngi nya na ngayo ay namumula habang pareho kaming habol hininga. Umupo agad ako at tinulak sya para makaalis ako sa ilalim nya at makatayo ng maayos. Ramdam na ramdam ko ang hapdi sa labi ko habang patuloy ang pagdurugo nito, s**t mukhang napalalim ah? Tumingin sya sakin at kitang kita ko ngayon sa mata nya ang pagsisisi, wow ang Ice Princess may emotions din pala? Di ko pinahid ang dugo na umaagos at hinayaan lang ito. “Alam mo, kung ayaw mo. Pwede ka namang umayaw, hindi yung hinahayaan mong gamitin ka nung lalaki.” Sabi ko at sinalubong ang mata nya. “By the way, may kaanuhan yung fiance mo, tingin ko ginagamit ka lang nya para yumaman.” Dagdag ko pa. “Alam ko.” Sagot nya sakin na ikinatawa ko ng sarcastic. “Akala ko pa man din matalino ang Ice Princess, pati pala ang ayaw nya ay di nya magawan ng paraan.” Sabi ko at nagmadali ng umalis sa club na yon. Ang tanga mo Xandra. Bukas pa ba yung clinic? Mukha na akong vampire.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD