Ilang minuto din ang lumipas bago ako nakabuo ng lakas ng loob na basagin ang katahimikang bumalot sa pagitan namin. Ang mga mata niya ay nakatuon pa rin sa akin, at ang tension sa kwarto ay sobrang bigat, parang may invisible na pader na naghihiwalay sa amin pero sabay na nag-uudyok na lumapit kami sa isa't isa. "Pakawalan mo ako, Lloyd," sabi ko. "Tanggalin mo na 'tong posas." Umiling siya, at ang ekspresyon sa mukha niya ay naging seryoso. "No. Not now." "And why?" tanong ko, at tumaas ang boses ko dahil sa inis. "Bakit hindi mo ako pakakawalan?" "Because I said so," sagot niya lang, at ang simpleng sagot na iyon ay mas lalo akong naiinis. "Hindi mo ako pwedeng ikulong na lang dito, Lloyd," sabi ko, at naramdaman kong umiinit ang mukha ko sa galit. "Hindi ako hayop na pwede mong ip

