bc

THE MAFIA'S TEMPTATION (SPG)

book_age18+
69
FOLLOW
1K
READ
dark
HE
playboy
badboy
mafia
gangster
drama
bxg
serious
cruel
like
intro-logo
Blurb

She entered his world with a mission. She stayed because she fell.

And that was her biggest mistake.

Sa mata ng lahat, si Nathalia Reyes ay isang simple pero matalinong financial consultant—calm, composed, at laging may kontrol sa bawat galaw. Isang babaeng madaling pagkatiwalaan.

Pero ang hindi nila alam, may isa pa siyang identity.

Isang lihim na buhay na itinago niya sa loob ng maraming taon.

Isang misyon na nagsimula dahil sa isang paghihiganti.

Ang target niya: Don Rafael De la Cruz—isang respetadong negosyante sa umaga, at isang makapangyarihang mafia boss sa dilim.

Ang susi para makalapit sa kanya: Lloyd Miguel De la Cruz, ang anak niyang cold, dominante, at mapanganib.

Si Lloyd ay isang lalaking sanay magkontrol, mapa negosyo, ng mga tao, at ng sarili niyang emosyon. Hindi siya nagtitiwala. Hindi siya basta nahuhulog. At lalong hindi siya nagpapapasok ng babae sa mundo niya.

Hanggang dumating si Nathalia.

Habang mas lumalalim ang papel niya sa pamilya De la Cruz, mas nagiging delikado ang bawat hakbang. Ang bawat titig ni Lloyd ay may tanong. Ang bawat haplos ay may banta. At ang bawat sandaling magkasama sila ay parang paglalakad sa linya sa pagitan ng katotohanan at kasinungalingan.

Sa gitna ng mafia wars, lihim na operasyon, at mga desisyong may kapalit na buhay, unti-unting nagiging komplikado ang lahat—dahil ang kaaway ay nagiging kanlungan, at ang misyon ay nagiging personal.

Pero paano kung ang lalaking minahal mo ay anak ng taong pumatay sa mga magulang mo?

At paano kung ang paghihiganti na matagal mong pinlano… ay sisira rin sa puso mong natutong magmahal?

Sa mundong puno ng kasinungalingan, baril, at dugo—

may puwang pa ba ang pag-ibig?

O isa lang ba itong kahinaan na kailangang puksain?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Walong taon ako noong gabing iyon. Walong taon. Inosenteng bata na ang alam lang ay maglaro, kumain ng ice cream, at manood ng cartoons tuwing Sabado. Pero ang gabing iyon, nawala lahat ng iyon. Gabi ng Agosto. Umuulan. Malakas. Ang hangin ay umuugong sa labas ng bahay namin sa Quezon City. Gising pa ako kasi may assignment akong kailangan tapusin. Math. Ayoko ng math, pero sabi ni Mama, kailangan kong matuto. Nakaupo ako sa study table ko, hawak ang lapis, sinusubukang sagutin ang mga math problem. Pero hindi ako makapag-focus. May naririnig akong boses sa baba. Malakas. Galit. Si Papa. "I already told you, I can't do it anymore!" sigaw niya. Hindi siya yung tipo na sumisigaw. Laging kalmado si Papa. Laging nakangiti. Pero ngayon, iba ang boses niya. May takot. Bumaba ako. Dahan-dahan. Nagtago sa sulok ng hagdan. Nakita ko si Papa sa sala. Nakatayo. Nanginginig. At sa harap niya ay tatlong lalaki. Naka-itim lahat. May hawak na baril. Ang isa ay nakaupo sa sofa namin. Parang bahay niya lang. Parang wala siyang pakialam. "Mr. Sandoval," sabi ng nakaupo. Mababa ang boses niya. Kalmado. Pero mas nakakatakot kaysa sigawan. "You signed a contract. You can't just walk away." "I didn't know what I was signing!" sagot ni Papa. "Akala ko legitimate business. Hindi ko alam na--" "That you were laundering money for us?" putol ng lalaki. Tumawa ito, nanunuya. "Ignorance is not an excuse." Nakita ko si Mama na lumabas mula sa kusina. Ang mukha niya ay putla. Nanginginig ang mga kamay niya. "Please," pakiusap niya. Lumapit kay Papa. Hinawakan ang braso niya. "May anak kami. We'll do anything. Just please, don't hurt us." Tumingin ang lalaki kay Mama. Matagal. Parang sinusukat. "You have a daughter, correct?" tanong niya. Tumango si Mama. "Yes. She's only eight. Please, she has nothing to do with this." "I know," sagot ng lalaki. Tumayo siya. Lumapit. "That's why I'm giving you a choice. You continue working for us. Or your daughter grows up without parents." Nanlamig ang buong katawan ko. "You can't do this," sabi ni Papa. "I'll go to the police. I'll--." BANG! Bumagsak si Papa. Sumigaw si Mama. Tumakbo papunta kay Papa. Yumakap sa kanya. "No! No! Please!" Pero hindi na siya gumagalaw. Ang mata ni Papa ay nakabukas pa. Pero walang buhay. Ang dugo ay dumadaloy mula sa dibdib niya. Unti-unti ay umaagos sa sahig at kumalat. Pula. Sobrang pula. "Clean this up," utos ng lalaki sa mga kasama niya. Parang walang nangyari. Parang hindi niya lang pinatay ang tatay ko. "Please," sabi ni Mama. Umiiyak. Yakap pa rin si Papa. "Please, don't kill me. My daughter. She needs me. Please." Tumingin sa kanya ang lalaki. "I'm sorry, Mrs. Sandoval. But you're a witness now. And we don't leave witnesses." "Wait!" sigaw ni Mama. "My daughter! Please, don't hurt her!" Tumingin ang lalaki sa hagdan. Diretso sa akin. Nakita niya ako. Ang mga mata niya ay itim. Walang emosyon. Walang awa. Parang nakatingin lang siya sa isang bagay. Hindi tao. "Run, Rosslyn!" sigaw ni Mama. "Run!" Tumayo ako. Tumakbo. Pero narinig ko pa rin ang putok. BANG! Tumakbo ako papunta sa kwarto ko. Sinara ang pinto. Nag-lock. Pero alam kong hindi sapat iyon. Hindi ako ligtas. Lumapit ako sa bintana at binuksan iyon. Pero masyadong mataas ang babagsakan ko. Narinig ko ang mga yapak sa hagdan. Papalapit ng papalapit. Patakbong pumasok ako sa closet. Nagtago sa pinakaloob ng mga damit. Pilit kong pinipigilan ang hikbi. Ayokong marinig nila ako. Ayokong mamatay. Bumukas ang pinto ng kwarto. "Check everywhere," sabi ng lalaki. Ang boses niya ay malapit na. "Find the girl." Pigil ang hininga ko nang marinig kong binuksan nila ang closet. Ilang segundong naririnig kong naghahawi ang mga ito ng mga damit doon. "She's not here, boss," sabi ng isa. "Bukas ang mga bintana. Baka nakatakas." Tahimik ang ilang segundo. "It doesn't matter. She's just a child. No one will believe her even if she talks." Narinig ko ang yapak. Papalayo na. Bumababa na ng hagdan. Pero bago tuluyang mawala ang boses niya, narinig ko pa ang huling salita niya. "Burn the house. Make it look like an accident." At doon ko naramdaman ang tunay na takot. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makaiyak. Parang namatay na rin ako kasama nila Mama at Papa. Pero ilang minuto ang lumipas ay may nag-bukas ng closet. Sumigaw ako. Pero ang bumungad sa akin ay hindi ang mga lalaki. Si Tito Marco. Ang kaibigan ni Papa. Isang pulis. "Rosslyn," sabi niya. Hinawakan niya ako. Inilabas sa closet. "We need to go. Now." "Si Mama," sabi ko. Umiiyak na. "Si Papa. They're---" "I know," putol niya. Ang boses niya ay nanginginig. "I know, baby. But we need to leave. Before they come back." Dinala niya ako palabas. Pero dumaan kami sa sala kung saan makikitang nasusunog na ang kusina. Ang mga kurtina sa sala. At nakita ko sila. Si Papa. Si Mama. Nakahiga sa sahig. Dugo sa paligid. Walang buhay. Sumigaw ako. Tumakbo papunta sa kanila. Pero hinawakan ako ni Tito Marco. "Don't look," sabi niya. Tinakpan niya ang mga mata ko. "Don't look, Rosslyn." Pero huli na. Nakita ko na. At hindi ko na makakalimutan iyon. Kahit kailan. Dinala niya ako palabas. Sinakay sa sasakyan. Tumakbo. Lumayo sa bahay. At habang tumatakbo, tumingin ako sa likod. Tuluyan nang nasusunog ang bahay namin. Unti-unti. Tanging iyak na lang ang nagawa ko sa sandaling iyon. EIGHTEEN YEARS LATER Nakatayo ako sa harap ng salamin. Naka-corporate attire. Elegante. Professional. Ang buhok ko ay naka-bun. Ang makeup ko ay minimal. Ang mukha ko ay walang emosyon. Ito na ako ngayon. Hindi na ako ang batang nagtago sa closet. Ako ngayon ay si Agent Rosslyn Sandoval. Undercover operative ng Philippine Intelligence Bureau. At ngayon, mayroon na akong lead. Don Rafael De la Cruz. Ang lalaking pumatay sa mga magulang ko. MALAMIG ang briefing room. Hindi dahil sa aircon, kundi dahil sa katahimikan ng mga taong nakaupo sa loob nito. Isang mahaba at itim na mesa ang nasa gitna. Sa dulo, si Chief Regaldo. Sa magkabilang gilid, mga analyst, operations officers, at tactical heads na hindi basta-basta nagpapakita sa field agents. Ako lang ang nakatayo. Sa harap ko, isang malaking screen ang dahan-dahang umilaw. PHILIPPINE INTELLIGENCE BUREAU BLACK OPERATIONS DIVISION PROJECT LOTUS “Sit down, Agent Sandoval,” sabi ng Chief. Umupo ako, tuwid ang likod, steady ang paghinga. Hindi ito ordinaryong mission briefing. Ramdam ko sa bigat ng hangin. Nag-click ang tech analyst. Lumabas sa screen ang aerial view ng isang distrito sa Maynila—mga warehouse, private docks, high-rise commercial buildings. “Target territory,” sabi niya. “Unofficially known as De la Cruz Holdings.” Nag-zoom in ang mapa. “Legally, it’s a mix of logistics companies, import-export firms, foundations, and shell corporations.” Nagbago ang slide. “Illegally,” dagdag niya, “arms trafficking, human smuggling, money laundering, and political bribery.” Walang nagsalita. Hindi ako kumurap. Lumabas ang mukha ni Don Rafael De la Cruz sa screen—nakangiti sa isang charity gala. Clean image. Respetadong negosyante. “Public persona,” sabi ng operations head. “But intelligence confirms he controls the largest organized crime network in Luzon.” Nag-slide ulit. Isang mas batang lalaki ang lumitaw. Mas seryoso. Mas tahimik ang aura. LLOYD MIGUEL DE LA CRUZ. “Successor,” sabi ng analyst. “He handles independent operations. Financial oversight. Internal discipline.” Internal discipline. Alam ko kung ano ang ibig sabihin noon. “Eliminate threats?” tanong ko, neutral ang tono. The room went quiet. “Among other things,” sagot ng tactical chief. Nag-lean forward si Chief Regaldo. “This mission is infiltration. Hindi tayo papasok para mag-raid. Hindi tayo papasok para mag-ingay. We need access.” Lumabas ang bagong slide. COVER IDENTITY: NATHALIA REYES Private Financial Consultant Specialization: Corporate restructuring & offshore asset management “You’re not going in as bait,” dagdag ng Chief. “You’re going in as value.” Nagtaas ng kamay si Senior Agent Aguirre mula sa kabilang side ng mesa. Sa kanya orihinal na ibinigay ang project pero nagmakaawa ako kay Chief Regaldo na sakin nalang dahil pagkakataon ko na iyon. “With all due respect, Chief,” malamig ang tono niya, “she’s a rookie. Mafia infiltration requires layered deception. Psychological endurance. Long-term immersion. Hindi ito classroom simulation.” Hindi ako nagsalita. Hinayaan kong magsalita siya. “She hasn’t even handled a live syndicate embed,” dagdag niya. “If she slips, she dies. And we lose the only clean access we have.” Tumahimik ang kwarto. Lahat nakatingin kay Chief. At si Chief… nakatingin sa akin. “Agent Sandoval,” sabi niya. “Explain to the room why you should lead this mission.” Walang emosyon ang tanong. Huminga ako nang dahan-dahan. “Because I won’t hesitate,” sagot ko. “But rage is useless if you show it,” dagdag ko. “I won’t go in there emotional. I’ll go in calculated.” Lumipat ang slide. Psychological risk assessment. “You will be isolated,” sabi ng bureau psychologist. “No regular contact. No extraction guarantee. If you’re compromised, the Bureau will deny your existence.” Alam ko na iyon. “We cannot protect you once you cross into their territory,” dagdag ng tactical head. “If they suspect you—” “They won’t,” sagot ko. Hindi ako nagyabang. Hindi rin ako nag-defensive. Fact lang. Nagpalit ang slide. MISSION OBJECTIVES: Gain financial access to De la Cruz shell companies. Identify illegal transaction channels. Confirm chain-of-command structure. Build proximity to primary targets. “Primary targets,” ulit ng analyst. Nag-zoom in sa dalawang mukha. Don Rafael. Lloyd Miguel. “Don Rafael is the head,” sabi ng Chief. “But Lloyd is the gate.” Tumingin ako sa screen. Mas tumagal ang tingin ko sa anak kaysa sa ama. “He doesn’t trust easily,” dagdag ng psychologist. “High intelligence. Observant. Reads micro-expressions.” Nag-scroll siya ng notes. “History of decisive violence. But controlled. Not impulsive.” Mas delikado. “Your biggest threat isn’t Don Rafael,” sabi ng tactical chief. “It’s Lloyd Miguel.” Tahimik ang kwarto. Narinig ko ang t***k ng puso ko. Hindi sa takot. Sa anticipation. “Ano ang protocol kung ma-develop ang personal attachment?” tanong ng psychologist, diretso sa akin. Napatigil ako. “Terminate proximity,” sagot ko agad. “Emotionally?” “Emotionally first.” “And if that fails?” Tumingin ako sa kanya. “Then I choose the mission.” Hindi ako nag-atubili. Pero may kung anong kumirot sa dibdib ko—isang bahagi ng sarili kong alam kong hindi ko pa kilala. Nagpalit ulit ang slide. FIELD RULES: No personal devices. No unscheduled contact. No external traceable transactions. No improvisation beyond financial scope. Nag-lean forward si Chief. “This is Black Operations. Walang medalya. Walang recognition. If you succeed, the country benefits. If you fail, you disappear.” Tumango ako. Nagpatay ang ilaw. Nanatiling naka-on ang screen. Lloyd Miguel’s face filled the room. Mas malinaw ngayon. Mas detalyado. Cold eyes. Controlled expression. “He’s your unpredictable variable,” sabi ng psychologist. Hindi ako kumurap. “I’ll account for him.” Nagkatinginan ang mga opisyal. Nagbuntong-hininga si Chief. “Deployment is in forty-eight hours.” Isinara niya ang folder sa harap niya. “Once you step into their world, Agent Sandoval—” “I won’t be Agent Sandoval anymore,” putol ko. Tahimik ang sandali. “You’ll be Nathalia Reyes,” sabi niya. Tumayo ako. “Yes, sir.” Habang naglalakad ako palabas ng briefing room, ramdam ko ang mga mata nila sa likod ko. Hindi dahil sa pagdududa. Kundi dahil alam nilang may posibilidad na iyon na ang huling pagkakataon na makikita nila ako bilang isa sa kanila. Paglabas ko ng pinto, saglit akong tumigil sa hallway. Nakahawak ang kamay ko sa bagong identity folder. Nathalia Reyes. Consultant. Infiltrator. Weapon. Sa loob ng briefing room, nagsimula ang operasyon. Pero sa loob ko— Nagsimula ang digmaan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.3K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook