\'Simpleng manunulat, hindi sikat ngunit nagsisikap magsulat ng magsulat hanggang maabot ang pangarap\'
A writer-slash-artist-slash-singer...
Writer since 2011.
I hope you love my stories and the characters.
I\'m still learning and learning and learning so please bear with me.
My stories here:
When Fates Collide (COMPLETED)(VIP)
In the Hands of Fate(COMPLETED)(VIP)
The Twist of Fate (ONGOING)
Until (ONGOING)
A Broken Woman\'s Revenge(ONGOING)
TENZIN (ONGOING)
Taste Of You (ONGOING)
If you want to read more of my stories, just go to my watty account:
https://www.wattpad.com/user/fernzdel
Follow me on social media:
Insta: https://www.instagram.com/fernzdel/
Twitter: https://twitter.com/fernzdel
Fb: https://www.facebook.com/fernz.delaven
Ytube: https://m.youtube.com/channel/UCFfun8R3bT-QnkhfqOFnNJw
R18/SPG/MATURE CONTENT
Read at your own risk.
Bryce Kent Monreal Nishimura is a half-Japanese, 1/4 American and 1/4 Filipino.
He's the COO, not Child of Owner, but the Chief Operaton Officer, of their company which is NISHIMURA INC., a clothing company that is one of the highest selling brand in the Philippines and also for exports.
He has only one brother, and that is Lucas Brent, he's the eldest so he automatically do his part in that company.
Si Brent? He don't know. He don't even know what's really Brent's plan for his life. He's just busy partying and f*cking random girls.
Dahil din sa dito nalagay siya sa alanganin. Isang beses siyang nalasing ng husto. Sa puntong hindi na niya alam ang ginagawa niya. He just found out that he had sex with a stranger.
Ilang buwan ang lumipas. Akala niya ay wala na siyang magiging problema. Until a woman approaches him just to say she's pregnant, and he's the father.
Bryce is an ambitious man, hindi pa niya nakukuha ang gusto niyang goal at iniisip niyang ang babaeng ito ang sisira ng lahat kaya ginawa niya ang lahat para maitaboy ito.
Lumipas ang maraming taon. Hindi niya inaasahan ang bigating anunsiyo ng kanyang ina.
Isang challenge para sa kanilang magkapatid. Ang challenge? Ang bigyan ito ng apo kapalit ng pwesto ng pagiging CEO.
Kung sino ang mauuna ay mapapasakanya ang posisyon.
Go na go ang kapatid niyang si Brent. Habang siya ay hindi alam ang gagawin.
Pero sadyang desidido siyang mapasakamay ang titulo. Kaya naman isiniwalat na niya ang kanyang sekreto.
Malapit na siya sa pagkapanalo. Iyon nga lang, kailangan niya pang hanapin ang babae at suyuin ito.
Papayag naman kaya ang babae? Sa kabila ng galit nito sa kanya?
WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT, VIOLENCE AND STRONG LANGUAGE. READ AT YOUR OWN RISK.
Ang aksidenteng pagkakabungguan nina Lance at Catalina ay naging hudyat din ng kanilang pagkadisgusto sa isa't isa. Dagdag pa ang kaalamang magkaklase sila at magkakompetensya.
Si Lance Alvarez ay tahimik, matalino at medyo suplado, at si Catalina Santiago naman ay maingay, matalino at masiyahin. Halos lahat sa kanila ay opposite pero sa katalinuhan naman ay nagpapaligsahan. Kaya naman talagang wala silang pinagkakasunduan.
Ngunit dahil sa walang kamatayang kasabihang "the more you hate, the more you love", natagpuan nalang nila ang mga sariling nahuhulog na sa isa't isa.
Maraming pagsubok man ang kanilang pinagdaanan, pag-ibig ang nagbuklod sa kanila upang manatili sa piling ng isa't isa.
Ngunit ang sumunod na pangyayari ay hindi nila kailanman inasahan. Pareho silang nalagay sa kapahamakan. Ngunit ang pagliligtas ni Lance sa kanya ang naging sanhi ng muntik na nitong ikinalagay sa kamatayan.
Nagising siyang wala na si Lance sa kanyang tabi. Nalaman nalang niyang nasa America ito at na-coma.
Matagal siyang naghintay sa muling paggising nito. At nang mangyari iyon ay abot langit ang kanyang tuwa at agad na pinuntahan ito.
Sa muli nilang pagkikita, blangko at nagtatakang itsura nito ang kanyang nabungaran.
"Who are you?"
Walang kasing sakit ang marinig iyon. Ngunit wala na yatang mas sasakit pa sa kaalamang hindi siya nito maalala. At dinoble niyon ang sakit nang sa sandaling iyon ay maling babae ang hinahanap nito.
Umuwi siyang luhaan at durog ang puso. Sinubukang maghintay nang maghintay.
Lumipas ang ilang taon, walang Lance na nagpakita sa kanya.
Sa paglipas muli ng mga panahon, kung kailan tanggap na niyang wala na talaga, saka naman ito muling nagpakita.
Para ano? Para muli nitong iparamdam sa kanya ang sakit na ngayon ay naghihilom na sana?
[R-18]
Welcome to PROSTO ACADEMY, kung saan ang pakikipagtalik ay pinag-aaralan, kung saan ang prostitusyon ay legal at ang yaman ay madali lang, kung ibebenta mo ang iyong katawan.
Si Ligaya ay isang simple at mapagmahal na anak ng mag-asawang magsasaka ng tubuhan sa Hacienda Fuentebella. Hindi siya nakapag-aral ng kolehiyo dahil sa kahirapan at tumutulong nalang sa kanyang mga magulang sa pagtutubo.
Dumating mula sa Amerika ang bunsong anak ng mga Fuentebella, si Avelino. Agad na humanga si Ligaya sa kakisigan nito. Naalala ang mga sandali na magkalaro sila noong mga bata pa sila nito.
Sa pananatili ni Avel sa Hacienda upang pamahalaan ang ipinamanang lupain na kung saan nagtatrabaho ang pamilya ni Ligaya, unti unti silang nagkakamabutihan hanggang sa magkaroon ng espesyal na pagtingin sa isa't isa.
Sapagkat alam nilang magiging tutol ang kanilang pamilya sa kanilang relasyon, inilihim nila iyon at palaging nagkikita sa gitna ng tubuhan upang doon makasama ang isa't isa.
Maraming pagsubok ang dumating upang subukin ang katatagan ng kanilang pag-iibigan. Mga taong hadlang sa kanilang relasyon na pinangungunahan ng ama ni Avel.
Dumating naman ang pinakamalaking dagok sa buhay ni Ligaya. Ginahasa siya ng kanyang kababatang si Anton na noon pa man ay may gusto na sa kanya.
Doon ay tuluyang nawasak ang pag-iibigan nila ni Avel. Lalo na nang mabuntis siya at pinaratangang si Anton ang ama ng kanyang pinagbubuntis.
Kahit mahirap ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pinagbubuntis dahil para sa kanya, kay Avel ang batang nasa sinapupunan niya.
Iniluwal niya at inalagaan ang kanyang anak nang mag-isa. Doon din nagsimula ang kanyang kalbaryo mula sa kalupitan ni Don Roman, ang ama ni Avelino.
Natuklasan ng ama ni Ligaya ang ilegal na drogang ipinupuslit ng don sa hacienda at natunghayan din nito ang karumal dumal na pagpatay ng don sa isang empleyadong nagtangkang isiwalat ang lihim nito.
Bago pa man sila makaalis ay naabutan sila ng mga tauhan ni Don Roman at agad na pinatay ang kanyang mga magulang.
Nagising na lamang siyang nasa itaas ng bundok kung saan may matarik na bangin. Ginawang pain ni Don Roman ang kanyang anak upang makuha sa kanya ang mahalagang pakay nito.
Ngunit nagkamali siya nang inakala niyang bubuhayin sila nito matapos niyang isuko ang bagay na iyon kapalit ng kanyang anak.
Pagulong siyang nahulog sa paanan ng bundok karga ang kanyang anak.
Nagising siyang wala na sa kanyang bisig ang kanyang sanggol. Hinanap niya ito ngunit duguang lampin nito ang kanyang nakita.
Nabaliw si Ligaya sa pagdaramdam ng pagkawala ng kanyang anak. Sa kanyang pagtawid sa kalsada ay nabundol siya ng isang sasakyan.
Si Sebastian, ang taong nakabangga sa kanya. Tinulungan niyang gumaling si Ligaya hindi lang sa mga sugat niya kundi ang kanyang sarili. Tinulungan siya nitong bumangon at magkaroon ng panibagong buhay.
Sa muling pagbabalik ni Ligaya, dala niya ang matinding paghihiganti laban sa pamilyang sumira ng buhay niya.
"SHIT!!" Napamura si maverick nang marinig at maramdaman ang pag bangga sa likuran ng kanyang kotse.
Sino kayang kutong lupa ang malas na bumangga ng kotse ko? The heck! Humanda ka!
Agad niyang binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan at pinuntahan ang may ari ng kotse nakabangga.
Ang tanga naman nito na di man lang tiningnan ang traffic light.
Ngunit sa laki ng pagtataka niya ay kung bakit di man lang ito lumalabas o kumikibo. He knew it's a lady. Narinig niya ang pagtili nito.
Agad niyang kinompronta ang babae. "Hoy! Ikaw! Lumabas ka nga riyan at tingnan mo ang ginawa mo sa kotse ko! Sigaw niya rito sabay turo sa likuran ng kanyang sasakyan.
Napakunot noo siya nang hindi man lang tumitingin sa kanya ang babae. Nakatingin lang ito ng deretso sa harapan habang siya ay parang tangang dumadakdak doon. Bakas sa mukha nito ang parang may pinagdadaanan itong masakit.
"Hey! Ano bang---" Naputol ang pagsasalita niya nang tumaas ang kamay nito pero diretso pa rin ang tingin.
Napangiwi ito. "Hemmn!! Help me..." Pangingiyak nito na sobrang pinagtakhan niya.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. " At ikaw pa itong may ganang---."
Gumalaw muli ang kamay nito. Itinuro ang sariling leeg.
"What do you mean?" Kunot noo niyang sabi dahil di niya ito ma-intindihan.
weird...
"Wag ka na nga lang magdinaldal diyan! Tulungan mo na lang kaya ako. Dalhin mo ko sa ospital!" Asik pa nito.
At ikaw pa ang galit? WTF!
"At bakit naman kita dadalhin sa ospital?"
"Grr! Are you deaf? Bulag ka ba?" Singhal nito na nakapagpaatras sa kinatatayuan niya. "Nakita mo na ngang di ko maigalaw ang leeg ko, daldal ka ng daldal dyan!" Sigaw pa nito. "Ouch!!Hemmn!!" Maya maya ay hiyaw nito sabay himas sa sariling leeg.
Ano daw? Deaf, bulag? Hahaha, bobo!
Saglit pa siyang natigilan sa ka-werduhan ng babae.
Nakalimutan pala niyang tulungan ito. Kaya naman pala di man lang pinansin ang kanyang kagwapuhan, masakit pala ang leeg at di pa mailingon.
No choice!
Bumuntong hininga siya bago mapagpasyahang buksan ang pinto ng sasakyan nito.
"A-Ano bang gagawin ko sayo?" Nalilito niyang tanong habang kamot ang batok.
Badtrip!
May klase pa siya. Patay, late na ako!
"Ano pa, edi kargahin mo ko papuntang ospital!" Mataray na sabi nito na ikinainis niya.
"What?"
Napatili na naman ito na kanyang ikinabigla. Nataranta tuloy siya.
"Okay, okay.Relax. I'll help you.." Napabuntong hininga siya saka nagmadaling kargahin ito palabas at akmang dadalhin sa kanyang kotse nang magpababa ito. "Akala ko ba kakargahin kita?" Inis niyang sabi. At mas lalo pa siyang nainis nang marinig ang mga busina ng mga sasakyang hindi makaasod gawa nila.
"A-Ako nalang.." Biglang sabi nito na parang nailang bigla. Saka pano ang kotse ko?" Tinuro niya pa ang kanyang sasakyan na sa tingin niya ay dapat nang nagpapahinga sa junk shop.
"Okay wait, itatabi ko nalang muna. Balikan mo nalang mamaya.." Nagpipigil inis niyang sabi. " Malapit lang naman ang hospital dito." Aniya pa saka tinulak nalang basta ang maliit nitong kotse patabi sa kalsada.
Malabong manakaw ang kotse niya. Walang mag-iinteres sa isang patapong sasakyan.
Nahiya nalang siya nang makitang nakatingin na ang mga tao sa kanila.
Haysss!! Malas talaga!
"Let's go. Sakay na." Utos niya rito. Iginiya niya ito papasok sa kanyang kotse saka nagmamadaling sumakay narin at pinaandar ang sasakyan.
Tahimik lang ito sa biyahe. Nang lingunin niya ito ay himas himas parin nito ang leeg. Muntikan na siyang matawa nang mapansin ang nagkalat nitong lipstick sa labi hanggang sa pisngi.
She's pretty, pero hanggang doon lang. Walang ka-class class ang dating. Not sophisticated na siyang hinahanap niya sa isang babae. Gusto rin niya ang disente. At ang babaeng to ay wala sa tipo niya. Sexy ito dahil sa lalim ba naman ng suot nitong spagetti blouse at sa ma-eksi nitong short. Pero mukha siyang nagtatrabho sa bar.
Walang espesyal sa mukha nitong hugis puso. Normal na itim na mga matang mahahaba ang pilik. May katangusan din naman ang ilong, ang labi ay pwede na rin, di niya lang siguro matantya kung maganda ba ang korte gawa ng nagkalat na lipstick.
Mas lalo naman siyang nagdudang baka nga sa bar ito nagtatrabaho dahil sa asul na highlight ng maitim nitong buhok.
After the decades of continuous support, obedience and loyalty of the people to the Kingdom, isinilang ang natatanging mandirigma na siyang pupukaw sa mga natutulog na damdamin ng karamihan.
Bata pa lamang ay natutunan na niya ang pakikipaglaban, sunod sa batas ng kaharian. Tutol man ngunit kinamulatan ang pagiging tikom ang bibig pagdating sa kautusan ng mga namumuno ng bansa. Sapilitang pag-eensayo upang makapasa sa kakaibang pagsusulit na sa halip na papel at panulat, armas ang kanilang hawak. Upang makapasa, kinailangan nilang pasukin at makalabas ng buhay sa gubat na kung saan mga gutom na nilalang ang nagaabang.
Lumaking matapang at mas makisig pa sa kalalakihan, kaya naman itinakdang Punong Pazap o nakatataas na babaeng sundalo ng bansa.
Ngunit nang mamatay ang kanyang minamahal na hindi niya kailanman malilimutan, nabuhay ang puot at galit sa puso niya at tanging paghihiganti lamang ang rason ng kanyang pananatiling buhay.
Siya si Lham Tenzin, mula sa pagiging maamong kuting, magiging tila naghuhurumentadong leon ang kanyang tapang. Sa kanyang espadang kahit hibla ng buhok ay kayang hatiin, mga pana niyang kasing bilis pa ng hangin.
Sa pamamagitan ni prinsipe Dojin, maisasagawa niya ang kanyang plano. Ang nais niya ay ang maging reyna, hindi dahil gusto niya ang korona o maging pinuno ng bansa, kundi dahil sa natatangi niyang layunin para sa lahat ng kabataan.
Siya na ba ang makapagpapabago ng batas ng bansang Bhutan? O ang siyang magpapabagsak sa mga namumuno dito dahil sa lihim niyang paghihiganti.
FATE series #3
The Twist Of Fate
WARNING:
This story contains mature themes and strong language that are not suitable for very young audiences. Read at your own risk.
"Our lives are just controlled by our fates."
Sa realidad, meron kayang katulad ni Cinderella?
Kung meron man, hindi nalalayo ang buhay ni Myla sa kanya.
Dating nag-iisang prinsesa ng mayamang mag-asawa.
Nang dahil sa aksidente, kasabay ng pagkawala ng kanyang mga magulang ay ang pagkawala rin ng lahat ng meron siya.
Sa tingin ng marami, swerte siya sapagkat kinupkop siya ng kanyang tiyuhin, inalagaan at pinag-aral. Subalit lingid sa kaalaman ng marami, lalo na ng kanyang tiyuhin, inaabuso siya at sinasaktan ng kanyang tiyahin at ng anak nito na kanyang pinsan.
Nang dahil din sa pagmamaltrato ng mga ito sa kanya ay naging mitsa iyon ng pag-aaway ng kanyang tiyahin at tiyuhin. Sa kasamaang palad, inatake sa puso ang tiyuhin niyang kaisa-isang kakampi niya.
Doon ay gumuho ang mundo niya, sumuko at umabot pa iyon sa pagkitil niya sa sariling buhay.
Nakalampas man siya sa kamatayan, parang walang pinagkaiba iyon sa kanyang sunod na naranasan. Impyerno ang lahat ng kanyang kinatatayuan. Una, sa bahay ng kanyang tiyahin at pinsan na parati siyang sinasaktan. Pangalawa, sa paaralan na walang patid ang pangbu-bully sa kanya ng mga kapwa niya estudyante.
Pero katulad ni Cinderella, hindi mawawala ang prinsipe.
Si Latrell Joshua Alvarez, apo ng chairman ng kanilang unibersidad. Ito ang naging 'Knight in shining armor' niya sa tuwing inaapi siya ng mga bully.
Palagi siya nitong inililigtas na nagbunga ng kuryosidad nito na makilala siya ng husto.
Sa ilang araw na palagi silang magkasama, unti unting simibol ang kakaibang damdamin niya rito, na para sa kanya ay dapat niyang pigilan habang maaga pa.
WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT, VIOLENCE AND STRONG LANGUAGE THAT AREN'T SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES.READ AT YOUR OWN RISK.