Chapter One
Childhood Sweetheart
Chapter one
AUTHOR'S NOTE: I WROTE THIS 10 YEARS AGO, SO THE PLACE AND EVENTS WERE IN 2012 ERA.
THREE years ang nakaraan mula nang umalis ako upang mag-aral ng kolehiyo sa Maynila. At ngayon, nagbabalik ako sa aming probinsya, sa Quezon.
Nakakamiss talaga ang lugar na iyon.
Nang matapos kong bayaran ang manong driver ng tricycle ay napangiti ako nang agad kung malanghap ang sariwang hangin na sumalubong sa akin. Sobrang sarap at presko sa pakiramdam hindi tulad sa Maynila na puro usok ang aking nalalanghap.
Hindi ganoon kalaki ang pagbabago ng lugar. May mga nadagdag na mga bahay ngunit maganda parin ang tanawin at masarap parin langhapin ang hangin.
Habang naglalakad patungo sa aming bahay bitbit ang maliit kung travelling bag ay marami akong napag-isipan.
Kung ano ano pa kaya ang pinagbago ng lugar na iyon, lalo na sa mga tao. At sa isang taong matagal ko nang pilit kinalimutan.
Napaisip tuloy ako at tinanong ang sarili kong kung nakalimutan ko na nga ba siya?
"I hope so..." bulong ko.
Saka ko lang napansing may mga taong nadadaanan ko at mukhang tuwang tuwa pagkakita sa akin.
Alam kong mga kapit bahay ko sila at ang ilan sa kanila ay siguradong ang iba ay mga naging kalaro ko pa noon.
Pero nagi-guilty ako dahil hindi ko sila mapamilyaran. Dahil kabilang sila sa mga kinalimutan ko na may kaugnayan sa lalaking sinaktan ako.
"Hi, Julia. Ang ganda mo na ah." Sabi ng isang lalaking nakatambay sa tindahang nadaan ko.
Mukhang isa siya sa mga kababata ko at may dalawa pa siyang kasamang nakatambay doon. Ngumiti ako para hindi niya mahulaang nakalimutan ko kung anong pangalan nila.
Hindi rin nakalapas sakin ang mga pagbati ng mga taong nakatira malapit sa bahay naming.
"Abay, kagandang dalaga mo na, Julia. Kamusta ka?" mawiling sabi ng ale.
"Ayos lang po ako, salamat po." Nakangiting sagot ko saka naglakad papasok sa intrada ng aming bahay.
Napabuntong hininga ako. Buti pa sila, hindi nila ako nakalimutan. Samantalang ako, nakalimutan ko sila dahil sa pagsi-senti ko at pagfocus sap ag-aaral ko.
Kahit kasi may contact ako kila mama ay hindi ko tinatanong kung ano anong nangyayari doon at hindi narin siya nag-aabalang magkwento ng mga nangyayari doon dahil alam niyang hindi ko gustong malaman ang tungkol sa lugar na iyon lalo na sa mga tao doon.
Nang makita ko ang bahay naming ay nanibago ako dahil noong umalis ako ay wala pa iyong second floor, ngayon ay ginagawa na iyon.
"Ate!!!"
Sinalubong ako ng dalawa kong kapatid na nasorpresa sap ag-uwi ko. Hindi kasi ako nagpaalam na uuwi at plinano talagang sorpresahin sila.
"Sino ba iyang dumating?" narinig kong sabi ni mama. Mukhang nasa kusina siya.
Nang lumabas siya agad siyang nagulat pagkakita sa akin.
"Julia, anak. Ba't di ka man lang nagsabing uuwi ka?" aniya pa pagkatapos akong yakapin.
"Surprise!" natatawang sabi ko nalang.
"Mabuti naman at naisipan mo nang umuwi anak. Ilang taon din tayong hindi nagkita. Masaya akong makita ka ulit, anak." Mangiyak ngiyak pang sabi ni mama. Napangiti lang ako. "Look at you, dalagang dalaga ka na."
"Oo nga ate, ang ganda ganda mo na rin." Sabi naman ng isa kong kapatid na si Jonathan, sunod siya sakin.
"Bakit noon ba hindi?" masungit na tanong ko at natawa naman siya.
"Hindi eh." Seryoso ang mukha niya kaya naman sumimangot ako.
"Joke lang ate." Ngumisi ito. "Pasalubong ko?"
"Bago ang pasalubong, ikaw kumusta ang pag-aaral? Baka mamaya may girlfriend kana ha?"
"Wala no, pag-aaral lang ang nasa utak ko, ate."
"Good." Sabi ko saka bumaling sa bunso naming kapatid. "Ikaw, Janella? May boyfriend ka na ba?"
Napanguso agad ito. "Ate naman, ten years old palang kaya ako."
Natawa na lang ako saka itinabi ang mga gamit ko.
"Tama na yan. Mananghalian na muna tayo." Singit ni mama.
Agad akong sumunod sa kanya sa kusina para kumain dahil nagugutom narin ako.