bc

TENZIN

book_age16+
30
FOLLOW
1K
READ
adventure
revenge
brave
warrior
drama
tragedy
bxg
swordsman/swordswoman
royal
kingdom building
like
intro-logo
Blurb

After the decades of continuous support, obedience and loyalty of the people to the Kingdom, isinilang ang natatanging mandirigma na siyang pupukaw sa mga natutulog na damdamin ng karamihan.

Bata pa lamang ay natutunan na niya ang pakikipaglaban, sunod sa batas ng kaharian. Tutol man ngunit kinamulatan ang pagiging tikom ang bibig pagdating sa kautusan ng mga namumuno ng bansa. Sapilitang pag-eensayo upang makapasa sa kakaibang pagsusulit na sa halip na papel at panulat, armas ang kanilang hawak. Upang makapasa, kinailangan nilang pasukin at makalabas ng buhay sa gubat na kung saan mga gutom na nilalang ang nagaabang.

Lumaking matapang at mas makisig pa sa kalalakihan, kaya naman itinakdang Punong Pazap o nakatataas na babaeng sundalo ng bansa.

Ngunit nang mamatay ang kanyang minamahal na hindi niya kailanman malilimutan, nabuhay ang puot at galit sa puso niya at tanging paghihiganti lamang ang rason ng kanyang pananatiling buhay.

Siya si Lham Tenzin, mula sa pagiging maamong kuting, magiging tila naghuhurumentadong leon ang kanyang tapang. Sa kanyang espadang kahit hibla ng buhok ay kayang hatiin, mga pana niyang kasing bilis pa ng hangin.

Sa pamamagitan ni prinsipe Dojin, maisasagawa niya ang kanyang plano. Ang nais niya ay ang maging reyna, hindi dahil gusto niya ang korona o maging pinuno ng bansa, kundi dahil sa natatangi niyang layunin para sa lahat ng kabataan.

Siya na ba ang makapagpapabago ng batas ng bansang Bhutan? O ang siyang magpapabagsak sa mga namumuno dito dahil sa lihim niyang paghihiganti.

chap-preview
Free preview
PROLOGO
MALAPIT nang lumubog ang araw ngunit tila wala sa bukabolaryo ng dalagang si Lham ang pagod sa pagsisiyasat sa kabuuan ng bayan ng Paro. Hinalughog niya ang lahat ng bahagi ng bayan lalo na ang kung saan nakatira ang namatay na punong ministro. Kasama niya ang tatlo sa kapwa niya Pazap sa paghahanap ng mga bakas na makatutulong upang kaniyang matuklasan ang tunay na may sala. Kailangan niyang makahanap ng ibedensya na makapagpapatunay na walang kinalaman ang Punong Pazap sa pagkamatay ng punong ministro. Ilang araw na siyang hindi umuuwi sa Templo ng mga Tenzin sapagkat ayaw niyang masayang ang mga araw nang hindi nabibigyang linaw ang mga nangyari sa Palasyo. Hindi na niya kayang nakikitang pinahihirapan sa bilangguan ang kanyang mahal lalo na't sa tingin niya ay kasalanan niya ang nangyari dito. Natagpuang patay ang punong ministro sa silid nito na duguan at wala nang buhay. Nakatarak pa ang punyal na ibinigay sa kanya ng Punong Pazap bilang regalo sa kanyang kaarawan. Meron iyong tatak na araw na katumbas ng pangalan nitong Surya na ang ibig ding sabihin ay 'Araw'. Sa una ay siya ang ipinadakip ng reyna sapagkat ang akala nila ay siya ang nagmamay-ari ng punyal na iyon. Ngunit inako ni Surya ang punyal na iyon dahilan para ito ang dakpin at parusahan. Sa halip na sa Parliyamento ng Thimphu ito litisin ay iniutos ng reyna na ikulong at pahirapan ito sa piitan ng palasyo sapagkat ayon sa reyna, taga-palasyo ang napaslang kaya nararapat lang daw na siya ang mag-litis sa Punong Pazap. Nalalapit na ang parusang kamatayan nito at bago pa man iyon mangyari ay kailangan niya nang malaman ang totoo. Nagdududa siya sa reyna. Batid niyang ito ang nasa likod ng karumal-dumal na pangyayari at nais nitong siya ang lumabas na may sala ngunit hindi ito nag-tagumpay sapagkat inako ng Punong Pazap ang kanyang kasalanan na alam nilang pareho na hindi nila magagawa ang bagay na iyon at napagbintangan lamang. Ang ipinagtataka lamang niya ay kung talaga bang kayang patayin ng reyna ang punong ministro gayong ang alam niya'y magkasundo ang mga ito sa maraming bagay. Mas lumaki ang galit sa kanya ng reyna nang maging isa siya sa tagapagbantay sa itinakdang prinsipe. Noon pa man ay marami nang ibinalak na masama ang reyna sa itinakdang prinsipe. Ang reyna ay hindi kayang magsilang ng tagapagmana kaya nag-asawang muli ang hari at tagumpay namang nag-silang ng prinsipe ang babae ng hari. Hindi nagtagal ang buhay ng babae ng hari dahil sa sakit nito. May usap usapan sa labas ng palasyo na paunti-unting nilalason ng reyna ang ikalawang asawa ng hari upang masiguro nitong hindi maagaw ang kanyang trono. Nang mamatay ang ina ng itinakdang prinsipe, ang reyna ang nag-alaga rito na siyang sinadya niya upang muling manumbalik ang tingin ng hari sa kanya na noon ay naibaling nito sa babae nito. Lingid sa kaalaman ng hari, ilang beses pagtangkaan ng masama ng reyna ang prinsipe. Di naglaon ay nag-utos ang hari na kunin siya kasama ang Punong Pazap bilang tagapagbantay at kawal ng itinakdang prinsipe upang mailigtas ito sa anumang panganib. Gusto ng hari na ang anak niya sa kanyang babae ang sumunod sa kanyang trono na siyang lihim na tinututulan ng reyna. At upang mailayo si Lham sa prinsipe, maraming beses siyang sinubukang pabagsakin ng reyna. At nitong huli lang ay muntikan na siya nitong makanti. Alam ng reyna na hindi maganda ang naging pag-uusap niya at ng ministro. May lihim na pagnanasa sa kanya ang punong ministro at minsan na niya itong muntikang saktan dahil sa pagtangka nitong pagsamantalahan siya. Buti nalang at nariyan si Surya para maprotektahan siya. Iyon din ang ginamit ng reyna upang mas lalong maipit ang Punong Pazap dahil minsan na nitong nasaktan ang punong ministro upang maligtas lang ang dalaga sa binabalak nitong masama. Sa palagay niya'y tuso talaga ang reyna sapagkat handa itong isakripisyo ang kanyang nasasakupan, mapabagsak lamang ang isa sa mga myembro ng pamilya Tenzin. Kaya hindi na siya magtataka kung talagang ito ang nasa likod ng pagkamatay ng punong ministro. Nang makarating sila sa bahay ng ministro ay malinis na iyon kaya naman nahirapan silang suriin ang loob niyon. Tila sinadya upang wala kaming makuhang ibidensiya. Nanlulumo siyang lumabas ng bahay na iyon. "Azhim!!!" (Older Sister) Natigilan siya at napalingon sa paparating na babaeng Pazap. Mabilis itong bumaba sa sinasakyan nitong kabayo at umiiyak na lumapit sa kanya. "Cahya, bakit ka umiiyak?" Takang tanong niya rito. Napahagulgol ang babae. "Azhim.." "Sabihin mo sakin, ano bang nangyayari?" "Ang Acho..." (Older Brother) Muli itong napahagulgol. Agad naman siyang kinabahan. Ano kayang nangyari sa punong Pazap. "A-Anong nangyari sa kuya mo?" Nag-aalalang tanong niya. "Sabihin mo sakin, anong nangyari kay Surya?" "Iniutos ng reyna na ngayong hapon siya hatulan ng kamatayan. Dinala siya sa labas ng palasyo upang doon bitayin sa harap ng mga tao." Wala itong tigil sa pag-iyak. Siya naman ay parang tinambol ang puso sa kaba at takot para kay Surya. "Azhim, anong gagawin natin? Hindi pwedeng mamatay ang kuya ko!!." "Hindi mangyayari yon, hindi ko hahayaan yon." galit na sabi niya. Agad siyang lumapit sa kanyang kabayo at palundag na sumakay rito. Agad niyang pinalo ang katawan ng kabayo dahilan para tumakbo ito ng mabilis. Nakasunod naman si Cahya sa kanya at halos hindi siya nito maabutan sa bilis ng kanyang pagpapatakbo. Kailangan niyang maabutan at mapigilan ang pagbitay sa punong Pazap. Hindi maaaring mamatay ang pinakakamamahal niya. Tuloy ay sinisisi niya ang sarili sa nangyari. Siya ang puntirya ng reyna ngunit ito ang nag-ako ng bintang. "Yah!" Sigaw niya sa kabayo kasabay ng pagpalo sa katawan nito para mas bilisan pa nito ang takbo. Halos mapuno ng alikabok ang daang madaraanan niya. Ang kabayo niya ang pangalawa sa pinakamabilis sa bansang iyon at ang kabayo naman ng kanyang ina ang nangunguna at wala pang nakakatalo sa bilis ng kabayong iyon. Sa ilang saglit lang ay narating na niya ang labas ng palasyo ng Dechencholing. Agad niyang nakita ang mga taong pinanonood ang paghatol. Humigpit ang kapit niya sa tali ng kabayo nang makita ang Punong Pazap. Napatiim bagang siya nang makita ang tali sa leeg nito na nakakabit sa kahoy na nasa ulunan nito. Kapag nabuksan ang pinto na inaapakan nito ay tuluyan itong mabibigti. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit ay mabilis niyang kinuha mula sa kanyang likod ang kanyang pana at palaso. Akma nang bubuksan ng mga ito ang pintong inaapakan ng punong Pazap nang agad siyang patalon na bumaba sa kanyang kabayo kasunod ng kanyang paggulong at pagtayo saka mabilis na pinakawalan ang palaso. Agad iyong tumama sa taling nakakabit sa kahoy at naputol dahilan para bumagsak at makawala ang Punong Pazap. Agad na napalingon ang mga tao sa kanya. Ang reyna naman ay galit na napatayo at sinundan ang kinaroroonan ng palasong iyon. Habang ang hari ay salubong lamang ang kilay. "Sinong lapastangan ang gumawa niyan?!!" Galit na sigaw nito. Nagtama ang kanilang paningin nang tuluyan siyang makapasok sa kumpulan ng mga tao. Agad na nanlisik ang mga mata ng reyna. "Ikaw? Wala ka talagang pinagkaiba sa iyong ina! Pareho kayong mga lapastangan at walang paggalang sa akin na inyong reyna!" Hindi siya natinag sa galit ng reyna. Bagkus ay sinulyapan niya ang kanyang mahal na nakahandusay parin sa sahig dahil hindi ito makabangon dulot ng pagkakatali nito sa likuran. Nakatingin narin ito ngayon sa kanya. Umiiling ito na ipinahihiwatig sa kanyang wag siyang makialam. Isinukbit niya ang kanyang pana sa kanyang likod. Iniluhod niya ang isa niyang tuhod at yumuko sa harap ng hari at reyna. "Mahal na reyna, ipagpaumanhin niyo ang aking kabastusan, ngunit nais ko lang na ipakiusap sa inyo na ipagpaliban ang paghatol sa Punong Pazap." Kalmado niyang sabi. "Hinihiling kong bigyan niyo pa ako ng ilang araw upang masiyasat ang buong bayan ng Paro." "At sino ka upang manghimasok at pangunahan ang paghatol na ito?!" Galit na sigaw nito na ikinakuyom ng kanyang kamao. "Tapos na ang paglilitis, napatunayang siya ang pumatay sa punong ministro kaya dapat lang siyang mamatay upang hindi tularan ng mga katulad niyong Pazap!" "Kamahalan!" Hindi niya napigilang pagtaasan ito ng boses. "Walang kasalanan si Pinunong Surya! Alam nating pareho na ito ay isang pagkakamali lamang!" Talagang nanggigitil ang kanyang mga ngipin sa galit sa reyna. "Hindi ko nagugustuhan ang pagtataas mo ng boses sa mahal na reyna, Ikalawang Pazap!" Galit na sigaw ng hari na siyang nagpayuko kay Lham. Kumpara sa reyna, mas ginagalang niya ito. "Nakakalimutan mo na bang siya ang ina ng bansang tinatapakan mo?!" "Patawad mahal na hari..." "Dakpin ang babaeng iyan!" Gulat siyang napatingin sa reyna. "Hinding hindi ko mapapalampas ang ginawa mong pangbabastos sa akin. Hulihin ang babaeng iyan at hatulan ng isang daang hagupit ng latigo!" Muli nalang siyang napatiim bagang at napatayo. Walang kasing sama ang reynang ito. Lubos na ang kasamaan nito at hindi na niya kayang tiisin pa iyon. "Hindi ba ninyo ako narinig? Hulihin niyo sabi ang babaeng iyan!" Sigaw muli ng reyna. Tumalima man ay hindi magawang lumapit ng mga Pazap sa nakakataas sa kanila. May pag-aalinlangan sa mga mukha nito. Natatakot sa mga mata niyang parang isa na ngayong mabangis na leon. Ang kanyang kamay ay naghahandang hugutin ang espadang nasa kanyang beywang. Nang hindi sumunod ang mga pazap ay binalingan ng reyna ang kanyang mga kawal. "Mga kawal, huliin niyo at igapos ang babaeng iyan!" Utos ng reyna at mabilis namang gumalaw ang mga naroong kawal at lumapit sa kanya. Akma siyang lalabanan ang mga ito subalit nagbanta ang reyna. "Sige, subukan mong manlaban sa mga kawal ko, hindi lang latigo ang matitikman mo!" Nagtama ang paningin nila ng Punong Pazap. Nakikiusap ang mga mata nitong umiling. Mahal ko... Naibaba niya ang kanyang mga kamay tanda ng pagsuko. Mabilis namang lumapit ang mga kawal at marahas siyang ginapos mula sa likuran. Pagkatapos siyang talian ay pinaluhod siya ng mga ito. "Ngayon ay panoorin mo ang kamatayan ng iyong mahal!" Nakangisi na ang reyna nang umangat siya ng tingin. "Isagawa niyo na ang pagbitay!" Dumagundong agad ang t***k ng kanyang puso at nag-aalalang tumingin sa Punong Pazap. "Sur!!" Nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata nang makitang marahas na ibinangon ng mga kawal ang Punong Pazap at pinatayo muli sa harap ng panibagong tali. Nakagat niya ng husto ang kanyang ibabang labi nang ilagay na sa leeg nito ang tali. "Sur!!!" Pasigaw na tawag niya rito. Ngunit nakangiti lang ito sa kanya habang ang mga mata ay may luha narin. Tila handa na nitong harapin ang kamatayan. Napahagulgol siya. "Hindi!!" "Kuya!!" Umiiyak na sigaw ni Cahya. Naroon siya sa tabi ng kanyang mga magulang na walang nagawa kundi ang umiyak. Agad niyang hinarap ang reyna at hari at yumukod sa mga ito habang umiiyak. "Mahal na reyna, mahal na hari. Kahabagan niyo ang buhay ng Punong Pazap, wala siyang kasalanan. Hindi siya ang pumatay sa punong ministro!" Napabuntong hininga lang ang hari. Ang reyna naman ay nakataas lang ang isang kilay habang tila natutuwa sa kanyang pagmamakaawa. "Bilisan ninyo at ako ay naiinip na!" Sigaw ng reyna sa mga kawal na naroon kay Surya. Agad namang tumalima ang mga ito. Nataranta siyang tumayo at akmang lalapit kay Surya nang pigilan siya ng mga kawal na katabi niya. "Surya!!" Umiiyak na niyang sigaw. "Hindi! Hindi niyo maaaring gawin to!!!" "Lham!" Tawag sa kanya ni Surya. "Mahal ko.." Nakangiti man ngunit lumuluhang turan nito. Mas lalo siyang nanghina nang marinig niya ang boses nito. "M-Mahal..." Aniyang mas lalong napahagulgol. Mapait na ngumiti ang Ika-unang Pazap. "Patawarin mo ako, hindi na kita masasamahang tuparin ang pangarap mo." S-Sur.." "Pero ipangako mo sakin,." Napahagulgol ito na siyang ikinadurog ng kanyang puso. "..na kahit wala ako, ipagpapatuloy mo paring isakatuparan ang pangako natin sa isa't isa." "Sur. Hindi ko kaya.." Nanlulumong saad niya. Ito ang lakas niya. Ito ang nagsisilbing sandigan niya sa lahat ng pagkakataon at hindi niya kakayaning mawala ito sa piling niya. "Wag mo akong iiwan, mahal ko!" "Kailangan mong magpakatatag, Lham." Nakangiting sabi nito. "Gawin mo ang lahat upang magawa mong baguhin ang bansang ito. Magagawa mo ba iyon Lham?" Umiiling siyang napaiyak. "Alam mong tayong dalawa ang nangakong magkasamang tuparin iyon!" Napabuntong hininga lang ang Punong Pazap. "Saan ka man magpunta, lagi mong tatandaan, palagi akong nasa tabi mo. Mahal na mahal kita, Lham. Nga choe lu ga." (I love you) Umiling siya ng umiling tanda na ayaw niyang mawala ito. Humagulgol siya ng humagulgol na pakiramdam niya ay wala siyang nagawa para tulungan ang kanyang mahal. "Tama na ang inyong pag-uusap!" Galit na sigaw ng reyna at bumaling sa mga kawal. "Bitayin ang kriminal na yan!!" "Hindi!!" Umiiyak na sigaw niya. Nanlaki ang mata niya nang buksan ng kawal ang pinto ng sahig na tinatapakan ni Surya. Tila ang laginit lang ng pagbukas ng pinto ang kanyang narinig pati at pagkabigti ng Punong Pazaps. Ang nahihirapan nitong paghinga ang siyang nagpapakirot ng kanyang puso. "Surya!!!" Tinabig niya ang mga kawal na nakahawak sa kanya at patakbong lumapit kay Surya. Agad siyang hinarangan ng mga kawal at pinigilang umakyat sa kinaroroonan ng kanyang mahal. Pumalahaw siya nang nangingisay na ito sa pagkakabigti. "Surya!!!" Maya maya lang ay nahinto na sa paggalaw si Surya. Dilat man ang mga mata nito ay wala na itong buhay. Tila tumigil ang mundo ni Lham. Napaluhod siya at tiningala ang nakabitin pang katawan ng kanyang mahal. Hindi na niya naririnig ang kanyang paligid kahit ang malakas na pag-iyak ni Cayah ay tila isang bulong nalang. Nakabukas lang ang kanyang bibig. Walang lumalabas na anumang salita mula roon. Di alintana ang silaw dulot ng araw sa itaas ni Surya. Si Surya ang kanyang araw, siya naman ang buwan nito. Sa sandaling iyon ay hindi na niya alam kung kaya niya pang mabuhay gayong para sa kanya, ito ang dahilan kung bakit siya humihinga. Isa isa nang nagsisipag-alisan ang mga tao. Ang reyna ay lumapit naman sa kanya. Matalim siyang tinitigan nito. Nilabanan niya ng masamang tingin ang reyna. Kaya naman umigting ang panga nito. "Bakit ganyan ka tumingin?" Galit na sabi nito saka binalingan ang mga kawal. "Dalhin niyo ang babaeng iyan sa kulungan at parusahan!" Naglakad na ang reyna papunta sa kanyang gama at sumakay na roon. Marahas siyang hinawakan sa magkabilang balikat ng mga ito. Hindi naman siya tumutol at nagpadala nalang sa mga ito. Hindi paman sila nakakailang hakbang nang tumarak ang isang palaso sa harap ng kanilang dinadaanan. Agad silang napalingon sa paparating na taong mabilis ang pagpapatakbo ng kabayo palapit sa kanila. "Bitiwan ninyo ang anak ko ngayon din!" Galit na sigaw ng kanyang ina matapos tumalon mula sa pagkakasakay sa kabayo at hinarap sila. "Ngunit ang reyna ang nag-utos na dakpin siya at par---." "Bibitiwan niyo ba o hindi?" Iniangat ng bahagya ng kanyang ina ang espada nito na handang kitilan ang mga nakahawak sa kanya. Siya naman ay parang walang pakialam sa nangyayari at malayo ang iniisip. Tanging laman ng kanyang utak ay ang pagkawala ng pinakamamahal niyang lalaki. "Ako ang nag-utos na dakpin ang anak mo!" Bumaba ang reyna sa kanyang gama at lumapit sa kanila. "Nanggulo siya kanina sa pagbitay sa kanyang kasintahan. Sinubukan niyang pigilan ang paghatol kaya nararapat lang na siya'y maparusahan." "Ngunit hindi sapat iyon upang kailangan niyo pa siyang parusahan, mahal na reyna." Seryoso at kalmadong sabi ng kanyang ina. "Ako ang reyna ng bansang ito, walang sinuman ang may karapatang tumutol sa utos ko!" "Mahal na reyna!" may diing salita ng kanyang ina. "Huwag ka ngang magpakahangal sa harap ng iyong anak! Hindi ba't ikaw ang nagpataw ng parusang kamatayan sa kasintahan ng anak mo!" Natigilan naman ang dalaga sa narinig. Kunot ang kanyang noong napatingin sa sariling ina. "S-Sayo nanggaling ang parusang kamatayan?" Napabuntong hininga ang kanyang ina. "Lham.." "Sagutin niyo ako!" Galit na tanong niya. "Alam mong wala akong magagawa kundi sundin ang batas. Ako ang nakatataas sa Parliyamento. Sa akin nanggagaling ang hatol na ibibigay sa mga nagkasala. Nakapatay ang Punong Pazap, Lham. Alam mong labag sa bansang ito ang pumatay lalo na kung walang kalaban laban. At bilang nakatataas, responsibilidad kong sundin ang batas sa bansang ito." "Ngunit alam niyong hindi magagawa ni Surya ang pumatay!" "Hindi mo ako naiintindihan Lham." "Oo!" Galit na sigaw niya at natigilan ang kanyang ina. "Kailanman ay hindi ko maiintindihan ang buhay na ibinigay mo sa akin!" "Lham!" Galit at nanunuway na sabi ng kanyang ina. Ngunit malaki ang naging hinanakit niya rito. "Pinilit kong intindihin, yakapin at mahalin ang bansang kinabibilangan mo, pero ngayon, nagsisisi akong dinala mo ako sa bansang to, dahil kung hindi mo ako dinala sa lugar na ito, hindi ko makikilala ang lalaking minahal ko!" Napahagulgol siya ng iyak. "Hindi na sana nangyari to. Nang dahil sakin napahamak si Surya..." Pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili at pinunasan ang sariling mga luha. "Tayo na.." Sabi niya sa mga kawal at humakbang palayo sa kanyang ina. Ang isipin na kabilang ang kanyang ina sa mga humatol at parusahan ang lalaking mahal niya ay sadyang nakakapanlumo. Ang akala niya'y makakatulong ang kanyang ina sa paglaya ni Surya dahil sa mataas na katungkulan nito, ngunit nagkamali siya. Hanggang ngayon ay naaawa parin siya sa sinapit ng Punong Pazap. Wala namang nagawa ang kanyang ina kundi ang sundan nalang siya ng tingin habang isinasakay sa kulungang di-gulong. NANG makarating sila sa palasyo ay agad siyang dinala sa piitan at itinali ang magkabilang kamay nang nakatayo. Doon ay sinimulan siyang hagupitin ng latigo. Sa una ay halos umiyak siya sa sakit at kirot ng bawat latay na ibinibigay ng mga ito sa kanyang likod. Ramdam niya ang mga namumuong sugat sa kanyang katawan at nakakahimatay ang sakit ng mga iyon. Ngunit di nagtagal, tila naging manhid ang kanyang katawan dahil hindi na niya maramdaman ang sakit niyon. Dagdag pa ang galit at puot sa kanyang puso sa pagkawala ng punong Pazap. "Itigil niyo iyan!" Dumagundong ang sigaw na iyon sa loob ng piitan kaya naman nag-angat siya ng tingin. "Kalagan niyo siya ngayon din!" Galit na sigaw nito pagkalapit sa kanila. Agad itong lumapit sa kanya. "Patawarin mo ako kung ngayon lang ako Lham. Ikinulong ako ni ina sa aking silid at ngayon lamang ako nakapuslit." Nakikita niya rito ang matinding pag-aalala. "Mahal na prinsipe, hindi kayo dapat nandito. Magagalit ang mahal na reyna sa inyo." Sambit niyang pilit tumatayo kahit parang nanglalata ang kanyang tuhod. "Umalis na po kayo, kamahalan." "Hindi, narito ako upang ikaw ay tulungan. Hindi mo dapat dinadanas ito." Naluluha siya nitong pinagmasdan. Galit itong bumaling sa mga naroong kawal. "Hindi niyo ba ako naririnig? Ang sabi ko, pakawalan niyo siya!" "Mahigpit na iniutos ng reyna na hindi siya makakalabas rito hanggang hindi natatapos ang kanyang parusa." "Isa kang lapastangan!" Galit na sigaw nito. "Nakakalimutan mo na bang ako ang itinakdang prinisipe? Pupugutan kita ng ulo kapag nagsalita ka pa!" Yumuko lang ito. "Paumanhin, mahal na prinsipe.." "Kamahalan!!!" Biglang pumasok ang eunuko ng prinsipe. Hangos hangos itong lumapit. "Kanina ko pa kayong hinahanap, kailangan niyo nang bumalik sa inyong silid. Hindi ito magugustuhan ng mahal na reyna." "Bumalik ka na roon kung gusto mo, dito lamang ako. Hindi ko maaaring iwan si Lham." "Ngunit mahal na prinsipe---." "Ssshkk!" Singhal ng prinsipe dito. "M-Mahal na prinsipe." Sabi ni Lham. "Bumalik na kayo sa inyong silid. Huwag ninyo akong alalahanin. Ayos lamang ako..." "Pero..." "Prinsipe Dojin!" Napalingon sila sa pagpasok ng reyna at hari. "I-Ina..." Napayuko ang prinsipe. "Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa?!" Galit na sabi nito. "I-Ina, hinihiling kong pakawalan niyo si Lham.." "Hindi maaari! Hindi pa natatapos ang parusa sa kanya!" "Ngunit ikamamatay niya ito..--." "Wala akong pakialam!" "Ina!" "Dojin!" Saway ng hari. "Hindi mo na dapat idinadamay ang iyong sarili sa taong ito! Nakalimutan mo na bang isa kang prinsipe?" "N-Ngunit ama, kaibigan ko si Lham---." PAAKKK!!! Sinampal ng hari ang prinsipe. Bahagyang nanlaki ang mga mata ng nito. Napahawak ito sa sariling pisngi. "A-Ama.." Galit itong tiningnan ng hari. "Paano ko ipagkakatiwala sayo ang aking trono kung ngayon pa lamang ay nakikita ko nang bibiguin mo ako!" Tila napahiya ang prinsipe kaya napatungo na lamang ito. "Bumalik ka na sa iyong silid!" Utos ng hari. Napabuntong hininga ang prinsipe. Bago ito tuluyang lumabas ng piitan ay saglit siyang sinulyapan. Ang mga tingin nitong gustong gusto siyang tulungan ngunit wala itong magawa. "Ipagpatuloy ninyo ang inyong ginagawa!" Utos ng reyna bago umalis kasama ng hari. Muli siyang hinagupit ng latigo ng mga kawal. Walang hinto ang mga ito sa pagpaparusa sa kanya. Hindi na niya mailunok ang sariling laway sa tindi ng uhaw. Naghalo ang pawis at dugo sa kanyang katawan. Sumayad na sa sahig ang kanyang tuhod dahil hindi na niya kayang tumayo dahil sa panghihina ng kanyang tuhod. Ilang hagupit pa ang kanyang natamo hanggang sa umabot na iyon ng isang daan. Tinanggal na ng mga ito ang kanyang pagkakatali. Para siyang lantang gulay na napahandusay sa sahig. "Lham!!" Narinig niyang sigaw ng kanyang ama. Agad itong lumapit at lumuhod sa kanya. "A-Anak.." Halos hindi na niya maimulat ang kanyang mga mata pero naaaninagan niya ang kanyang amang nangilid ang luha pagkakita sa kanya. Naroon narin ang kanyang ina na habag na habag sa kalagayan niya. "I'm sorry anak..." Hagulgol ng kanyang ama. "Ngayon lang ako nakarating.." Dahan dahan siya nitong tinulungang bumangon. "It's my fault kaya ka nandito. Dapat hindi na kita pinayagang mag-stay pa rito. Hindi mo sana naranasan ang lahat ng ito." Hindi naman siya nagsalita. Bagkus ay pinilit niyang tumayo sa kabila ng panghihina. Hindi niya magawang tingnan ang kanyang ina. Pati ito ay ramdam ang pag-iwas niya. Agad namang umalalay ang kanyang ama. "Teka Lham, hindi mo pa kayang maglakad. Magtatawag ako ng bubuhat sayo." "Kaya ko po ang sarili ko.." Malamig na tonong sabi niya na ikinatigil ng kanyang ama. Nagpatiuna siyang maglakad at iniwan ang mga ito. Hindi pa man siya nakakalabas ay napahawak nalang siya sa bakal na rehas nang muling manghina. "Lham.." Agad lumapit ang kanyang mga magulang at inalalayan siya. Tumingin siya sa kamay ng kanyang inang hawak ang kanyang braso. Blanko ang kanyang mukhang tumingin dito. "B-Bitiwan niyo ako.." Nagulat ang kanyang ama sa kanyang inasta. "Lham.." Nananaway na tinig ng kanyang ama. Ang kanyang ina naman ay napabuntong hininga nalang at inalis ang pagkakahawak sa kanya. Bago man siya tuluyang maglakad ay nagsalita siya, para iyon sa kanyang ina. "Bata palang ako, palagi kong tinatanong kung bakit kailangan kong danasin ang mala-impyernong ensayo ng bansang ito." Panimula niya. Muli siyang napaluha. "Unti unti kong niyakap at minahal ang kultura ng bansang ito dahil sa inyo, dahil sinamahan niyo ako at sinuportahan sa mga paghihirap ko." "Lham, anak..." Naiiyak na turan ng kanyang ama. Ang kanyang ina naman ay nasa baba ang tingin. Napabuntong hininga siya. "Pero sa tuwing nakikita ko ang mga kapwa ko Pazap na nahahatulan ng kamatayan dahil lang sa nakapatay ang mga ito ng mga walang kalaban laban kuno na kung tutuusin naman ay masasamang tao." Pinahid niya ang kanyang mga luha at mapait na napangiti. "Salamat kay Surya, dahil sa kanya, nawala ang agam agam ko, ang takot kong magkamali at matulad sa mga taong iyon. Palagi niyang ipinaliliwanag ang kahalagahan ng mga batas ng bansang ito. Nangako kami sa isa't isa na balang araw, mababago namin ang batas. Na kami ang tatapos sa ensayong kinasasadlakan ng mga batang walang kamuwang muwang." Napahagulgol siya. "Pero paano na ngayon?..." "L-Lham, anak.." Lumapit ang kanyang ina at niyakap siya. "Patawarin mo ako anak..." Mapait siyang ngumiti. "Hindi kita sinisisi sa pagkamatay ni Surya, Mommy. Hindi rin ako galit sayo dahil naranasan ko ang lahat ng to sa bansang ito." Napabuntong hininga siya. "Pero hinding hindi ako matutulad sayo Mom..." Natigilang napatingin sa kanya ang kanyang ina. "Hinding hindi ko ipararanas sa aking mga anak at apo ang naranasan ko, natin sa lugar na ito. Gagawin ko ang lahat, ikamatay ko man, mabago lang ang batas ng bansang ito." "L-Lham.." Kumalas siya sa pagkakayakap nito at napatiim bagang. "At kung hindi ko man iyon mabago, sisiguraduhin ko ang pagbagsak ng mga namumuno sa bansang ito..." Naglakad na siya palabas at naiwan ang kanyang mga magulang. Nagkatinginan nalang ang mga ito at nag-aalala sa kalagayan ngayon ng kanilang anak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

Dangerous Spy

read
322.3K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
104.6K
bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
97.5K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.9K
bc

MY MASTER: MAFIA LORD SERIES 11

read
57.9K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook