KABANATA 1

3934 Words
DEMA TENZIN PAGKALAPAG ng aming chopper ay bakas ang paghanga at pagtataka sa mukha ng aming anak na si Lham. Pagkababa namin ay agad niyang inilibot ang kanyang mga mata sa mga tanawing naaabutan ng kanyang paningin. Sa murang edad ay marahil naninibago siya sa klima at tanawin ng lugar. "Mom, are we gonna live here for good?" Tanong niya at nakangiti naman akong tumango. "Medyo matagal tayong mag-i-stay dito anak. Do you like it here?" Tanong ko. Tumango naman siya at sinuyod muli ang lugar. "Diyan po ba tayo titira?" Pagkuway tanong niya muli at itinuro pa ang Templo ng mga Tenzin. Nakangiti muli akong tumango. "Oo, anak, diyan tayo titira. Diyan rin nakatira ang lolo at lola mo.." Namilog ang kanyang bibig sa pagkamangha. "Wahhh...It's like a castle. So, I'm gonna be the princess here." Tuwang tuwa niyang usal. "Let's go anak.." Anyaya ko saka binalingan ang asawa. Tinutulungan nito ang aming tauhan sa pagbaba ng aming mga bagahe. Nagtataka lang ako nang mapansing tila kinakabahan siya. Noon ko lang din napagtanto, alam kong natatakot siya at nag-aalala para sa aming anak. Hindi naman kasi kami pumunta rito para lang magbakasyon. May mahalagang rason kung bakit naroon kami. "Are you okay, hon?" Tinanong ko parin siya. Pilit siyang ngumiti saka napabuntong hininga sinulyapan ang aming anak. "Medyo kinakabahan lang ako.." Lumapit naman ako at hinawakan ang kanyang kamay. "Hon..." "I know..." Aniya saka lumapit sa anak upang haplusin ang pisngi nito. "Noon ay ayos lang sa akin na magkaroon ng anak. May tiwala akong makakayanan niya iyon dahil nasa dugo niya ang pagiging Tenzin, pero ngayong nandito na tayo, I don't know.. Nakakaramdam na ako ng takot." Kunot lang ang noo ni Lham nang nakatingin sa amin. Marahil ay di pa niya maunawaan ang aming pinag-uusapan. Napabuntong hininga nalang ako. "Wala tayong ibang choice kundi ang gabayan, alalayan, samahan at turuan si Lham para sa ikabubuti niya." Napangiti naman siya kahit papano. "Tama ka hon, mapagtatagumpayan niya ang lahat ng iyon dahil sasamahan natin siya." Naglakad na kami papasok sa templo kung saan kami nakatira. "Lolo!" Tuwang sigaw ni Lham nang sumalubong si Daddy sa amin. Naroon din ang Mommy. "Apo!" Magiliw na bati ng kanyang lolo. "I missed you so much apo." Dagdag pa nito nang kargahin ang kanyang apo at halikan sa pisngi. "Me too, lolo.." Masayang sabi naman ni Daddy. "How about lola? No hug for me?" Ani Mommy. Ibinaba naman ni Dad si Lham. Lumuhod si Mommy upang yakapin at halikan ito sa pisngi. "So, how's your flight little princess?" "It's good po lola." Sagot ng bata. "Oh, that's great. Did you miss me also? 'Cause I've missed you so much." "Of course, I've missed you too, Lola." DUMAAN ang ilang araw na pamamalagi namin sa bansang Bhutan at inuunti unti naming inihahanda si Lham. Kailangan namin siyang sanayin sa paghawak ng pana at pati narin sa martial arts. Ilang buwan nalang ay sasabak na siya sa ensayo at ayukong matulad siya sa akin noon na walang kaalam alam sa paghawak ng pana at palaso. "Why are we wearing these, Mom, Dad?" Tanong niya nang pareho kaming nakadamit ng Kira. Ang kanyang ama naman ay nakasuot ng Gho. Obligasyon naming magsuot ng ganoon sapagkat ginawa nang batas ang pagsuot ng mga tradisyonal na kasuutan sa labas ng tahanan. Kapag nasa loob kami ng aming templo ay malaya kaming naisusuot ang aming gustong kasuutan. Ilang dekada narin ang lumipas mula nang ginawang batas iyon ng nagdaang hari. Dahil nais nitong ma-preserba o manatili ang kultura ng aming bansa. Ang KINGDOM OF BHUTAN, 'druk' ang ibang tawag sa Bhutan na ang ibig sabihin ay 'thunder dragon'. Tinawag din ang bansa na 'druk yul' na ang ibig sabihin ay 'Land of the Thunder Dragon'. Kabilang sa tinatawag na 'Landlock Country' ang bansang Bhutan, sapagkat wala itong pantalan dahil walang dagat na nakapalibot sa bansang ito. Dahil pinaggigitnaan ito ng bansang Tsina at India. At dahil nga walang lagusan o access papunta sa dagat, wala silang barko at mga bangka na pwedeng gamitin sa paglakbay at pag-import at export ng mga prudukto. Isa rin sa mahihirap na bansa ang Bhutan. At mas lalo silang naghihirap dahil sa higpit ng mga namumuno rito. Kaunti lamang ang mga turistang kanilang pinapapasok sa bansa dahil ayaw ng hari na maipasok ng mga turista ang mga bagay na nagmula sa mga bansa nila at maimpluwensiyahan ang mga naninirahan doon. Kaya naman, tanging pagsasaka at pangingisda sa ilog lamang ang kanilang pinagkukunan ng pagkain. Dahil narin sa nais ng mga dating hari na ma-maintain ang tradisyon at kultura ng Kingdom of Bhutan, ipinagbabawal ang paglabas masok sa bansang iyon nang walang permiso mula sa hari. Maswerte naman kami sapagkat, mataas ang katungkulan ng aking Lola noon na siyang Kataas-taasang hukom sa Parliyamento. Dahil doon ay nakakalabas pasok kami sa aming bansa. Isa naring dahilan ang yaman ng aming pamilya na ipinamamahagi namin sa mamamayan. Nang mamatay ang aking lola ay hinayaan parin kami ng hari na maglagi sa Pilipinas sa isang kondisyon, kailangan naming magbahagi ng aming kayamanan para matulungan ang mamamayan. Kailangan din naming ibahagi ang aming mga propesyon sa bansa. Walang mga malalaking unibersidad sa bansang iyon kaya naman iminungkahi ng aking lola na sa Pilipinas kami mag-aral ng mga mahahalagang kurso na makakatulong narin sa bansa. Mahirap nga ang bansang Bhutan, dahil doon, wala silang tinatawag na airforce at navy. Ngunit upang maproteksyunan ang bansa sa mga nagnanais sakupin at sirain ang bansang iyon, nagtatag ng mga sundalo ang mga nagdaang hari. Sa halip na baril at bomba, ay mga pana, palaso at espada ang hawak ng mga sundalo ng bansa. Pazap, iyan ang tawag sa mga magigiting na mandirigma ng aming bansa. At isa ako sa mga iyon. Katulad nila ay naging Pazap rin ako. Sa murang edad ay mapipilitan ang mga kabataan, babae man o lalaki na magensayo upang maging sundalo ng bansa. Hindi madali ang ensayo, lalo na sa mga kabataan. Mararanasan nila ang mala-empyernong ensayo at pakikipaglaban sa kapwa nila bata. Matatakasan lamang nila ang pagiging Pazap kapag sila ay nag-asawa. Ngunit mahigpit na ipinagbabawal doon ang pag-asawa ng maaga. Kapag sila ay nag-asawa, may karapatan silang mamili ng kanilang trabaho upang mabuhay. Ngunit kapag may digmaan at panganib, tungkulin at obligasyon nilang tumulong at lumaban para sa bansa. Kung kinabahan ako noon sa ensayo ng aking mga kapatid, doble ang kaba ko ngayon para kay Lham dahil isa siyang babae. Dahil pagdating sa ensayo, hindi kinikilala doon ang kasarian, pantay ang kanilang mararanasang hirap. "We're gonna play outside..." Nakangiting sagot ni Mike. "Tsk!" Singhal ko sa kanya. Napabuntong hininga siya. "Hindi natin siya pwedeng biglain, hon..." Aniya. Napabuntong hininga nalang ako. Nang makababa kami ay nakahanda na ang aming mga kagamitan. "Wow!"Bulalas ni Lham pagkakita sa mga armas. Ibinigay ko sa kanya ang maliit na pana at lalagyan na may mga palaso. "Cool!" "Yan muna ang gagamitin mo then kapag magaling kana, you'll gonna use bigger than that, okay?" Nakangiti siyang tumango. "Let's go Mom, Dad. I'm so excited to play..." Aniyang nagmamadaling lumabas. Marahas akong napabuntong hininga saka nilingon ang aking asawa. Nagkibit balikat lang ito saka sinundan ang anak. Ngayon palang ay naiisip ko nang mahihirapan kaming turuan si Lham. Wag lang sana itong magmana sa kanyang ama. Baka hindi pa siya nangangalahati sa paghahanda ay sumuko na agad. Sakay ng kabayo, nagtungo kami sa tuktok ng isang bundok at malaya kaming makakapag-ensayo. Nang makarating kami ay may mga nakahanda nang mga tudlaan. Maganda ang panahon at maaliwalas ang hangin kaya naman, nakakaganang mag-ensayo. Agad kaming nagsimula. Tinuruan ko ang aking anak kung paanong hawakan ang pana at palaso. "Gamitin mo ang lahat ng iyong lakas sa paghila ng palaso at itutok mo sa iyong target, do you understand?" tanong ko habang nakaalalay sa kanyang mga kamay na nakahawak sa pana at palaso. Itinutok ko ang palaso sa mga tudlaan na naroon. Mas malapit ito kaysa sa aktwal na layo na dapat pwestuhan. Mas mabuting paunti unti niyang makayanan iyon mula madali hanggang mahirap na antas. Nang sakto na ang hila ko sa palaso ay binitawan ko na iyon. Napapalakpak si Lham sa tuwa nang makitang natamaan namin ang gitna ng tudlaan. "Now, it's your turn." Sabi ko at agad naman niya akong sinunod. Ang kanyang ama naman ay naroon lang at pinapanood kami. May sarili rin itong pana at palaso ngunit hindi pa niya iyon tinitira sapagkat gusto niyang panoorin ang anak. Napapangiti nalang kaming pareho ni Mike nang simulang hilahin ni Lham ang palaso. Halos di maipinta ang mukha niya na halatang hirap na hirap sa paghigit nito. Mahaba ang nguso niyang pinipilit hilahin ang palaso habang itinututok iyon sa tudlaan. "Go, anak." Nakangiting saad ng ama. "You can do it." Pangungumbinse pa nito. Mas hinila pa ni Lham ang tali at palaso. Kinagat pa niya ang kanyang ibabang labi habang tila tinitiis ang hirap. Maya maya ay binitiwan niya iyon at agad iyong tumalsik. Ngunit hindi iyon umabot sa tudlaan. Napanguso siya at napakamot sa kanyang ulo. "It's okay anak, you can try it again..." Nakangiting sabi ng ama. Napabuntong hininga ang bata saka muling kumuha ng isang palaso mula sa kanyang likuran. Muli niyang isinalang ang palaso sa pana at hinila ang ng pilit hanggang sa napangiwi siya at nabitawan ang palaso. Ni hindi iyon nakaabot sa gitna. "It's hurt..." Nakasimangot niyang saad habang minamasdan ang namumulang palad. "Masasanay karin anak. You'll no longer feel the pain kapag nasanay ka sa paghawak niyan..." "Tama, anak, kaya wag kang susuko. Magiging magaling karin katulad ni Daddy. Watch me..." Saad ng kanyang ama at pinakitaan ang anak ng tamang pagpana...kuno. Pinanuod naman siya ng kanyang anak. Itinitinutok ni Mike ang kanyang tira sa kanyang tudlaan. Pwersahan niyang hinila ang palaso at tali ng pana at nang todo na ang pagkakahigit nito ay saka niya binitawan. Napabungisngis nalang si Lham nang dumaplis ang palaso ni Mike sa tudlaan. "Tsh!" Natatawang singhal ko. "Dad, you're not a sharp shooter." Tudyo ng anak. Natawa ang kanyang ama. "Wala ka ngayon sa mundong to kung hindi ako sharp shooter.." "Huh? What do you mean dad?" Sinamaan ko agad ng tingin si Mike. Sa edad naming ito ay hindi parin talaga nawawala ang kalokohan niya. Nakangising kamot kamot ni Mike ang kanyang ulo. "Dumulas sa kamay ko..." Katwiran niya. "This time, it'll be in the center of the target." Muli siyang naghanda sa pagtira. Nang mahila niya iyon ng todo ay saka palang niya binitawan. Natamaan ang target, yun ngalang, nasa pinakagilid ng tudlaan. Natawa muli si Lham. "Dad, it's not the center." Napanguso si Mike. "Actually, si Mommy mo ang magaling dito. Ikaw na nga hon.." Napabuntong hininga ako saka kinuha ang sariling pana at palaso. Ipinorma ko ang aking palaso sa aking pana at mabilis na binitawan ang palaso kahit na hindi pa man ako nakatingin sa tudlaan. Sapul... "Wahhhh!!" Manghang usal ni Lham. "You're so cool Mom, I wanna be like you..." Napangiti ako, nagkaroon ako ng pag-asa para sa kanya. "Someday, you'll be a great warrior, so you need to practice every day from now on, okay?" Tumango siya pero kunot ang noo. "But why do I need to be a warrior?" "At the right time, you'll know..." Tatango tango nalang siya saka muling tinuon ang atensiyon sa panang may palaso. Muli siyang tumira. Muli niyang tiniis ang sakit sa paginat ng taling may palaso. Ngunit napahiyaw siya nang bitawan niya iyon at dumaplis ang palaso sa kanyang daliri dahilan upang siya ay masugatan. Katulad kanina, hindi man lang umabot sa gitna ang kanyang palaso. Saglit niyang binitawan ang kanyang pana upang tingnan ang dumugong daliri. "M-Mommy!!" Umiiyak na sambit niya. Agad na lumapit ang kanyang ama sa kanya. "Is it hurt?" Nag-aalalang tanong nito habang kinuha ang kamay ng anak. Tumango naman ang anak habang humihikbi. Napatingin sakin si Mike. "Mas mabuti sigurong ipagpaliban muna natin ng ilang araw ang pagi-ensayo niya." Napabuntong hininga nalang ako. Nagpunit ako ng tela mula sa laylayan ng aking damit at itinali pansamatala sa sugat ni Lham. "For now, pagbibigyan kitang magpahinga ng ilang araw habang pinapagaling ang iyong sugat." Sabi ko sa aking anak. "Ngunit, kapag magaling na iyan ay kailangan mo nang pag-aralan ang paggamit ng pana, maliwanag?" Suminghot siya. "But why? Bakit kailangan kong mag-ensayo Mommy?" "Malalaman mo rin pagdating ng panahon." Napabuntong hininga nalang siya. Umuwi na kami sa templo. Ginamot ni Mike ang sugat ni Lham at pinagpahinga muna siya. ILANG ARAW ding nagpagaling ng kanyang sugat si Lham. Upang hindi masayang ang mga araw na lumilipas ay tinuturuan na namin siyang magsalita ng lengwahe ng Bhutan. Pagkalipas naman ng mga araw na iyon ay bumalik na kami sa pageensayo ng pana. Halata sa mukha ni Lham ang pag-aalinlangan nang makarating kami sa tuktok ng bundok. Napabuntong hininga ako. Iniluhod ko ang isa kong tuhod para magpantay kami. "Sorry kung kailangan mong gawin ito. Pero para rin ito sa kapakanan mo, nating lahat dito." "Ano po ba talagang meron? Bakit ko kailangang pag-aralan ang paggamit ng pana. Pati Bhutanese language kailangan kong matutunan. Magtatagal po ba tayo dito? Dito na ba tayo titira?" "Lham, nasabi ko na sayo hindi ba? Ipapaliwanag ko sayo sa tamang panahon. Sa ngayon, dapat mong sundin ang mga nais kong ipagawa sayo. Hindi lang pana ang kailangan mong matutunan, pagaaralan mo rin ang paggamit ng espada at iba pang pakikipaglaban..." Napakunot noo na naman siya. "Mom, bakit ko po ba kailangan pag-aralan lahat yan? I'm too young for that?" "Lham..." "Magiging katulad po ba ako nung mga tao doon sa bahay natin?" Natigilan ako. Tinutukoy niya ang mga Pazap. "They always carry things like this." Turo niya sa pana. "The others are bringing their sword every day. Mom, magiging ganon rin po ba ako?" Matagal akong natigilan. Lumapit na sa amin si Mike at pumantay rin sa taas ni Lham. Hinawakan niya ang balikat nito. "Lham, anak. I want you to understand us. We need to do this not just because we wanted this for you but we need to, you need to do this Lham. I want you to be strong no matter how hard these things for you. We're here to help you. Hindi ka namin pababayaan. Someday, you will know why do you have to do this..." Napabuntong hininga si Lham. Saka pilit na ngumiti. Huminga muna siya ng malalim bago inihanda ang kanyang armas. Nagsimula siyang hilahin ang taling may palaso. Katulad nung una, nahihirapan parin siya roon. Napapangiwi siya habang pilit tinitiis ang sakit sa pagkakahigit niyon. Nanginginig ang kamay habang itinututok sa tudlaan ang palaso. Maya maya ay binitiwan niya iyon. Hindi parin umabot sa gawi ng tudlaan. Pero sa pagkakataong iyon ay mas malayo na ang narating ng kanyang palaso kesa nung una. "Konti pa, anak. Malapit na..." Pangungumbinse ko. Marahas siyang huminga saka pinitik pitik ang mga kamay para i-kondisyon. Muli siyang nagsalang ng tira. Kagat labi niyang hinila ng malakas ang tali't palaso. Mas malaki na ngayon ang pagkakainat niya sa tali. "Point at your target." Utos ko. "Now calm, and endure the pain. Don't stop no matter how hurt you feel. Close your eyes..." Pumikit naman siya. "Now, enhale......exhale.... open your eyes." Utos ko at nagmulat siya ng mata habang nanginginig parin. "Calm down and point your arrow at your target." Pilit niyang pinakakalma ang sarili sa kabila ng paghihirap. Itinutok niya ang kanyang palaso sa malayong tudlaan. "Now!" Binitiwan niya ang kanyang palaso at...tumama sa gilid ng tudlaan. Napatili siya sa tuwa nang makuha na niya iyon. Hindi man gitna, ngunit para sa kanyang hindi pa ganoon katagal sa training ay kahanga hanga para sakin. Masaya namang lumapit sa kanya ang kanyang ama at niyakap siya. "Ang galing mo anak. Natalo mo pa si Daddy." Napabungisngis lang si Lham pagkuway napangiwi. Nang tingnan niya ang kanyang kamay ay puro na naman sugat iyon. Akala ko ay titigil na siya. Pero nagpresinta siyang ipagpatuloy ang ensayo. Tinalian ko nalang ng tela ang mga kamay niya upang hindi niya maramdaman masyado ang sakit. Muli siyang sumubok ng pagtira. Pilit niyang tinitiis ang mas lumalalang sakit sa kanyang kamay na may sugat sapagkat hinihila niya iyon ng mas malawak pa kaysa kanina. Halos maluha siya sa pagtitimpi niyon. Hindi niya iyon binibitawan hanggat hindi niya natututok ng maayos sa tudlaan. Napansin ko naman ang pagtiim-bagang ni Mike habang nakatitig sa kanyang anak. Habag na habag siyang pinagmamasdan ang bata na hindi naitatago sa mukha ang hirap. Naliligo sa pawis si Lham at bumibigat narin ang pag-hinga tanda ng kanyang pagod. Wala naman akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga. Batid kong nais pang lampasan ni Lham ang nagawa niya kanina. Maya maya lang ay binitawan niya iyon. Tumama muli iyon sa tudlaan, malayo man kaysa kanina ngunit malayo parin sa gitna. Sumubok muli siya. Ganoon parin ang kinalabasan ng kanyang pagtiyatyaga, hindi iyon nakakarating sa gitna o kahit sa pinakamalapit. "You can take a rest for a bit, anak..." Sabi ni Mike. Umiling lang si Lham. "Hindi po ako magpapahinga hanggat hindi ko natatamaan ang gitna." Napabuntong hininga si Mike saka lumapit dala ang tumbler na may tubig. "Fine, but atleast drink this water para hindi ka ma-dehydrate." Tumigil saglit si Lham at inabot ang tubig mula sa kanyang ama. Halata ang matinding uhaw niya dahil halos mangalahati ang tubig sa may kalakihang lalagyan. Pagkatapos niyon ay muli siyang bumalik sa pag-eensayo ng pana. Naroon parin ang kanyang reaksyon sa sakit na nakukuha niya sa pag-hila ng palaso ngunit nakikitaan ko na siya ng diterminasyon at pagpupursige sa kanyang ginagawa. Nagkamali akong isiping hindi niya nakuha ang tatag ng loob ko. Inaamin ko rin naman na ganito rin ako noong una. Ilang beses muna akong mabigo ngunit dahil sa tatag ko ay nakayanan ko at nakipagbuno pa ako sa hirap ng ensayo. Ang kailangan niya ay ibayong pagpa-practice at tapang sa lahat ng bagay. Kailangan ko siyang hubugin ng husto bilang isang magaling na mandirigma bago pa dumating ang tunay na ensayo. Maaari niyang ikamatay ang pagiging mahina niya. Natatandaan ko pa noong makulong kami sa gubat na pinamamahayan ng iba't ibang matatapang, makamandag at nakakatakot na nilalang. Sa lupa man, sa tubig, o kahit na sa himpapawid, lahat nang iyon ay pinaliligiran ng hindi mabilang na mga halang na nilalang. Halos ikamatay ko ang pagsuong sa mala-impyernong iyon kaya naman hindi malabong maranasan ni Lham ang mga naranasan ko. Baka higit pa roon ang matamo niya kapag hindi siya nakapaghanda. DUMIDILIM na ngunit hindi parin natatamaan ni Lham ang gitna ng tudlaan. Ilang beses niyang maling nabitawan ang palaso kaya hindi iyon nakaka-abot sa tudlaan, at kung makatama naman ay parating na sa gilid niyon. "Papadilim na Lham, kailangan na nating umuwi.." Sabi ko. "Pero hindi ko pa po natatamaan ang gitna ng target..." "Bukas mo nalang ipagpatuloy iyan, anak. Umuwi na muna tayo.." Sabi naman ni Mike. Napabuntong hininga si Lham. "S-Sige po..." Nang makauwi kami ay muling ginamot ni Mike ang panibagong sugat at pasa ni Lham sa pag hawak at hila ng palaso. Dumaan ang gabi, inihatid namin si Lham sa kanyang bagong kwarto. Nasanay siyang katabi namin parati matulog kaya ngayon ay kailangan ko siyang sanaying matulog mag-isa sa kanyang kwarto sapagkat sa kaniyang pupuntahang ensayo ay mag-isa niyang yayakapin ang madilim at malamig na gabi. "Mom, Dad, pwede po bang doon nalang ako sa inyo matulog? Ayuko pong mag-isa dito sa kwarto..." "Lham, hindi kana baby, kailangan mong sanayin ang sarili mong matulog sa sariling mong kwarto..." Sabi ko. "But I'm scared Mom..." Napabuntong hininga si Mike. Tumingin siya sa akin at naghihintay lang ng pasya ko. "Hindi maaari..." Pagmamatigas ko at natigilan si Lham pati narin si Mike. "Malaki kana, Lham. Dapat kang matutong matulog mag-isa, para maihanda mo ang sarili mo sa darating na ensayo.." Napakunot noo naman siya. "Ensayo? Di ba po nag-eensayo na tayo?" Umiling ako. "Bukod doon, may haharapin ka pang matinding ensayo, kaya dapat mo iyong paghandaan." "Ano pong klaseng insayo iyon?" Naguguluhang tanong niya at napabuntong hininga nalang ako. "Saka ko na sasabihin lahat ng iyon sayo." Inakay na namin siya pahiga sa kanyang kama. "Sige na matulog kana. Bukas ay babalik ka sa pag-eensayo ng pana..." Bumahid naman ang lungkot sa mukha ni Lham ngunit wala siyang nagawa. Pinatay na namin ang ilaw at iniwan naman naming bukas ang lampshade na nasa side table malapit sa kanya. Hinalikan muna namin siya sa noo at pisngi bago siya tuluyang iniwan. "Ayos lang kaya siya doon?" Nahihimigan ko ang pag-aalala ni Mike sa aming anak. "Alam mo naman na takot iyon mag-isa sa dilim..." Nakahiga na kami sa kama. Napabuntong hininga ako. "Kailangan niyang maalis ang takot mag-isa sa dilim, hon. Kung iyon lang ay hindi niya kayang lampasan, paano pa kaya ang mga nilalang na kanyang masasagupa sa kadiliman." Marahas siyang napabuntong hininga. Hindi nalang siya nagsalita ngunit alam ko na ang kanyang saloobin sa sandaling iyon. Malamang ay matindi ang kanyang takot sa kahihinatnan ng aming anak. Lumalim ang gabi. Siguradong tulog na ang lahat sapagkat mag-aalas dose na ng gabi. Ngunit nagising ako nang marinig ko ang kaluskos mula sa aming pintuan. Mahimbing ang pagkakatulog ni Mike kaya naman hindi ko na siya inabalang gisingin. Bumangon ako at naglakad palapit sa pintuan. Dahan dahan ko iyong binuksan. Hindi ko pa man iyon nabubuksan ng tuluyan ay may tila nagtulak doon mula sa labas. Nagulat nalang ako nang tuluyang mabuksan ang pinto at makita si Lham na nakahiga na ngayon sa sahig. Marahil ay kanina pa siyang nakasandig sa pintuan. "Lham, anak, anong ginagawa mo diyan?" Mahinahong tanong ko na binangon siya. Pilit niyang iminulat ang kanyang mata kahit na mukhang antok na antok na. "N-natatakot po ako doon sa kwarto ko..." "Hon?" Nilingon ko si Mike. Nagising siya at naglakad palapit sa amin. "What happened?" Napabuntong hininga ako. "Natulog siya sa tapat ng pinto..." Agad niyang nilapitan ang anak. "Bakit anak? Hindi ka ba makatulog sa kwarto mo?" Tumango naman si Lham. Agad niyang niyakap ang anak. "Kawawa naman ng baby ko, why didn't you knock the door?" "Baka po kasi magalit kayo..." "Why would I? Come on, tabi tayong matulog..." Inakay na niya ito papunta sa kama. Napabuntong hininga nalang akong isinara ang pinto at sumunod sa kanila. Pinagigitnaan namin siya ni Mike gaya ng dati. Hinalikan pa niya ito sa noo bago nahiga at natulog. KINAUMAGAHAN, pinatawag ako ng mga babaeng 'drangpon' (isang mababang antas ng mga hukom) kaya naman pumunta ako ng Parliyamento sakay ang aking kabayo. Nang makapasok ako sa palasyo ng Parliyamento ay agad akong nagbigay galang. Naroon na rin ang hari at reyna at iba pang namumuno ng bansa. "Ipinatawag niyo raw ako..." Sabi ko nang nakayuko parin. Nagsalita ang hari. "Mula nang mamatay ang Kataas taasang hukom, matagal na panahon nang nakabinbin ang kanyang katungkulan. Kailangan ang Punong Mahistrado upang maging payapa ang bansa." Napakunot noo lang ako sa mga naririnig ko. "Matagal mo naring naipasa ang pagiging Pinuno ng Pazap. Malaki ang naging ambag mo sa bansang ito lalo na sa larangan ng pakikipaglaban. Hindi karin naging maramot dahil tinutustusan mo at ng inyong pamilya ang mamamayan ng bansang ito kaya naman nararapat kang maging bahagi ng katungkulang ito." "Ipagpaumanhin niyo mahal na hari, ngunit hindi ko kayo maintindihan." Naguguluhan kong sambit. "Dema Tenzin, ikaw ang naatasang pumalit sa yumao mong lola. Nais ka naming ihalal bilang Punong Mahistrado..." Natigilan ako. Labag man ang matingnan sila ay hindi ko iyon napigilan sa pagkabigla. Hindi ko kailan man inaasahang magiging katulad ako ng aking yumaong lola, ang maging PUNONG MAHISTRADO...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD