Chapter 1
PROSTO ACADEMY
CHAPTER ONE
NAPAUNGOL si Candice pagkaraang magising sa ingay ng teleponong nagri-ring mula sa tabi ng kanyang ulunan. Inis niyang kinuha iyon at sinagot matapos siyang mabingi sa paulit ulit na ring nito.
Nakatulog pala siya sa kanyang opisina.
Habang itinatapat niya ang telepono sa tenga ay sinulyapan niya ang oras sa wall clock. Alas tres y media na pala.
“O bakit?” Tanong niya habang humihikab.
“Ma’am, may naghahanap po sa inyo sa kabilang linya.” Sabi ng kanyang secretary na si Ericka.
“Sino daw?”
“Si sir Benny po. Hindi daw po kasi kayo makontak. Ita-transfer ko po ba sa inyo ma’am?”
Napabuntong hininga siya at napahawak sa noo at napapikit.
“Ok sige.” Aniya.
Agad nagpaalam ang sekretarya niya at sumunod naman ang pagpasok ng boses ng lalaki sa kabilang linya.
“Hello, Candice. Kumusta kana?” agad na bati nito.
Umikot lang ang mata niya pagkarinig niyon. Nakakasawa ang walang katapusang pangungulit nito sa kanya.
“Hay naku, Benny. Tigil tigilan mo ko. Pagod ako ngayon.” Singhal niya. “Sinabi ko na sayong wala na tayo at hindi na kita babalikan kahit kailan.”
“Candice, please. Give me a chance.”
“Chance ka diyan. Ayaw na kitang makita at mas ayaw na kitang makausap kaya tigilan mo na ako!”
“Sorry na kasi, Candice, kung nasaktan man kita. Pero di mo ko masisisi. Lalaki ako, natural lang naman na magka-interes ako sa ibang babae.” Katwira nito na ikinainis niya.
“Eh gago ka pala eh! Di magsama kayo ng mga babae mo. Damn you!”
Pabagsak niyang ibinaba ang telepono. Hindi na niya kayang pakinggan ang mga pangangatwiran nitong wala namang kwenta.
Napasandal siya sa kanyang swivel chair kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha.
May panghihinayang na binalikan niya ang nakaraan nila ni Benny.
NAKARAAN...
“Alam mo anak, tama ang payo sa’yo ng papa mo.” Sabi ng ina ni Candice nang lumabas ito mula sa kusina para kumuha ng juice para sa kanilang tatlo. “You need to be practical now. Wag mo nang hinatayin ang sinasabi mong ‘true love’ dahil magti-thirty-five ka na. Hindi mo naman siguro hihintaying uugod ugod kana bago mo pa mahanap ng totoong magmamahal sayo.”
Tama naman ang lahat ng sinabi nito. Napagiwanan na siya ng panahon.
Samantalang ang panganay niyang kapatid na si Levy, nag-asawa ito nung 25 yearsold. Ang pangalawa naman sa panganay na si Nadine ay nag-asawa nung ito ay 21. Ang sumunod naman sa kanya at ang bunso nilang kapatid na si Obet ay nakapag-asawa ng maaga sa edad na 19 dahil nakabuntis ito.
Siya nalang ang nag-iisang walang asawa kahit na sa edad niyang iyon.
“Nakakainis lang kasi, ma, eh.” ungot niya. “Kung marami lang sanang nanliligaw sakin, marami rin sana akong pagpipilian.”
“And how about Benny?” singit ng kanyang ama. “Ano bang kulang sa kanya? He’s very kind, lalo na samin ng mama mo. Magkasundo kami at alam kong mahal ka nun.”
“God. Pa, naman. Kung alam niyo lang ang mga kalokohang ginagawa nun. Hindi lang naman ako ang babae sa buhay nun.”
“Pero siguro naman ay magbabago iyo kapag nakasal na kayo.”
Napabuntong hininga nalang siya. Kinuha niya ang juice at ininom iyon. Pagkatapo ng pag-uusap na iyon ay nagpaalam na siya sa kanyang mga magulang.
Nagtungo siya sa kanyang condo unit upang doon matulog maghapon. Pero bago siya nakatulog, mahabang oras siyang nag-isip ng pagpapasya.
Mag-iisang taon ng nanliligaw si Benny sa kanya. Isa itong anak ng may-ari ng kompanya na kasapi rin ng kanilang korporasyon.
Mabait naman ito. Laging tumutulong kapag may problema ang kanilang kompanya maging sa pamilya niya. Pero sadyang hindi niya matanya ang ugali nito. Ang mga mata nitong hindi mapigilang tumingin sa magaganda’t seksing babae.
Tuloy ay hindi niya alam ang gagawin niya. Si Benny nalang yata ang nagtitiis sa kanya.
Maganda naman siya. Pero di maikakailang matandang dalaga na siya.
But there’s no time to wait! Kailangan ko nang kumilos. Benny is my only choice.
Pagkaraa’y ipinikit na niya ang mga mata niya nang abutan siya ng antok.
NAKAPAGPASYA na siya. Tatanggapin na niya ang alok ni Benny.
At ginawa niya iyon nang yayain siya nitong magdate.
Tuwang tuwa naman ang lalaki nang marinig nito ang kanyang ‘oo’, na hindi matamis.
Inihatid siya nito sa bahay ng kaniyang mga magulang. At tuwa itong ipinaalam ang magandang balita.
Wala naman siyang nagawa kundi ang pilit na ngumiti.
Atleast matagal na din ang pinagsamahan nila ni Benny. Komportable naman siya rito. Ang titiisin nalang niya ay ang pagiging babaero nito.
Pero nag-aalala siya. Baka sumabog ang pasensya niya at pagtitiis na makita itong may ginagawang kalokohan.
Lumipas ang isang buwan. Nagtakda na ang lalaki ng kanilang kasal. Kahit may pagkabigla dahil sa bilis ay wala siyang nagawa kundi ang tanggapin iyon.
Hanggang sa maramdaman nalang niya ang unti-unti nitong pagbabago. Dahil ang maya mayang pagdalaw, hatid at sundo nito ay naging minsan, naging bihira nalang. Doon siya naghinala na may di na magandang ginagawa ang loko.
At hindi nga siya nagkamali.
Isang araw, sinamahan niya ang kanyang bestfriend niyang buntis, si Charina. Nag-shopping sila para sa magiging baby nito.
Enjoy na enjoy siyang namili ng mga baby dress pati ang mga gloves at sapatos na sobrang liliit at cute pagmasdan.
Nang bigla nalang siyang nagulat sa pagkudlit sa kanya ni Charina.
“OMG!” bulong na bulalas nito na sa ibang direksiyon ang paningin. “What the hell?”
Sinundan nalang niya kung ano ang tinitingnan ng kaibigan.
Nanlaki nalang ang mga mata niya sa nakita.
Si Benny na nakikipaghalikan sa babae.
Agad na nagtagisan ang mga bagang niya sa galit. Napanood pa niyang matapos ang mga itong maglaplapan ay namili ito ng mga damit at alam niyang para sa babae iyon.
Hindi niya alam kung paano niyang nakayanang lapitan ang mga ito. Naging sunod-sunuran naman ang kanyang kaibigan na halos maiwanan niya sa bilis niyang maglakad.
Nang makalapit siya sa nakatalikod na si Benny...
“Benny!!!” malakas niyang sigaw.
Saktong pagkaharap nito ay agad niyang tinuhod ang parte ng p*********i nito.
“Ugh!” napahawak si Benny sa napinsala niyang p*********i.
Napangiwi naman si Charina at nagulat naman ang babaeng kasama ni Benny kay Candice.
“Let’s go, Char.” Agad niyang nilayasan ang mga ito at sinundan naman siya ng kanyang kaibigan. “Sa ibang mall nalang tayo.”
Sabay sakay ng elevator.
“Candice, wait!” sinubukan pa siyang habulin ni Benny pero mabilis niyang naisara ang elevetor.
Nang makarating sa ground floor ay agad nilang tinungo ang exit.
Hindi niya napansing nakaladkad na pala niya ang kaibigang buntis.
“Hoy, Candice, gusto mo bang lumabas ang baby ko nang wala sa oras?” bulalas nito na hinihingal na napahawak sa tiyan.
“Sorry...” aniyang binagalan ang paglalakad.