Chapter 2

1000 Words
Chapter 2 PAALALA: SENSITIBONG PAKSA (PROSTITUSYON) NGALAY na ngalay na ang leeg ng binatang si Emilio. Naghahanap siya ng matutuluyan at maaaplayan ng trabaho. Ngunit tatlong araw na siyang palibot-libot sa Maynila pero hindi parin siya nakakahanap ng bakante at akmang trabaho sa kanya. Gutom, uhaw at pagod sa paglakad ang naranasan ng binata. Sa gabi naman ay natutulog nalang siya sa tabi ng kalsalada. Nangako pa naman siya sa kanyang mga magulang na tatawag kapag nakahanap na siya ng trabaho. Siguradong nag-aalala na ang mga iyon. Ang akala ba naman kasi niya ay magiging madali lang ang paghahanap niya ng trabaho. Minsang nakakita siya ng karatolang may nakaukit na nangangailangan ng security guard. Napahiya lang siya nang wala siyang maibigay na requirements at pinagtawanan pa ang pinanggalingan niya. Palibhasa ay wala siyang magandang background maliban sa graduate lang siya sa elementary at ilang buwan lang sa sekondarya. Naglalatag na naman ang dilim. Habang may nakikita pa siya ay kailangan niyang makahanap ng trabaho. Hanggang sa madaanan niya ang isang eskinita at makita ang nakapaskil na karatola sa entrada niyon. ‘TRABAHO?’, iyon lang ang nakasulat at sa baba niyon ay may arrow na nakatutok sa looban ng eskinita. Nang makalapit siya ay saka pa lamang niya nakita ang nakasandig na babaeng maeksi ng suot na kulay pula. Hindi niya ito napansin kanina dahil sa dilim na kinatatayuan nito. Naninigarilyo ito at nakatingin lang sa kanya. Wala siyang naisip kundi ang magtanong dito. “Mawalang galang na ho. Pwede ko bang malaman kung alam niyo kung anong trabaho ang ibinibigay ng karatolang ito?” tanong niyang itinuro pa ang nakapaskil. Hindi man lang nito sinulyapan ang itinuro niya bagkus ay pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. “Taga saan ka ba?” balik tanong lang nito. “Taga probinsya po ng Quezon.” Mabilis niyang sagot. “Anong tinapos mo?” sunod na tanong nito pagkatapos ay bumuga ng usok na napunta sa mukha niya. Napaubo siya nang malanghap iyon. “A-ah, elementary lang ho.” Sagot niyang napaiwas ng tingin dahil sa titig nitong walang patid. “Halika, sumunod ka sakin.” Maya maya ay sabi nito na agad na naglakad papasok sa eskinita. Nagtataka na lang siyang sumunod dito. Naroon parin ang pagka-egnorante niya sa mga nakikita. Lalaki siya pero naroon parin ang kaba sa dibdib niya habang tinatahak ang makipot na daan. Mayroon siyang ilang taong nakakasalubong. Ang ilan ay nasisinagan ng mga mata kahit madilim, na walang pakialam na naghahalikan. Ang iba naman ay naka-istambay lang. Nakita niya ang liwanag sa hangganan ng eskinita. Unti unti itong lumalaki sa paningin niya habang papalapit sila doon. Nang tuluyang makalapit ay nakita niya ang pintong bukas. Tinawag siya ng babae at pinapasok doon. Naabutan niya ang may edad na babaeng nakaupo sa isang sofa. May hawak itong kopitang naglalaman ng alak. Napalingon ito pagdating nila. “Madam, may na-recruit ako.” Sabi ng babae. Katulad ng babae kanina, tinitigan din siya ng may edad na babae mula ulo hanggang paa. “Sige, iwanan mo na kami, Adora.” Utos nito na mabilis na sinunod ng babae. “Sige madam, ikaw na magpaliwanag ng lahat diyan.” Tumango lang ang matandang babae. “Maupo ka, hijo.” Isinenyas nito sa kanya ang mahabang sofa. Agad siyang tumalima at umupo doon. Hindi naman niya napigilan ang sariling mabano sa ayos ng opisina nito. Puno ng mamahaling figurine at display iyon. “Anong pangalan mo, hijo?” “Emilio Esguera, po.” Sunod na tinanong nito ang kanyang pinagmulan at natapos na edukasyon. “By the way, alam kong mabibigla ka sa sasabihin ko at io-offer ko sayong trabaho ayon sa background mo.” Halos hindi niya maintindihan ang ilan sa mga sinasabi nito dahil sa tugtog na naririnig niya sa kabilang bahagi ng opisinang iyon. “Nakikinig ka pa ba, hijo?” tanong ng matanda na nagpabalik ng kanyang atensyon. “P-pasensya na ho, maingay po kasi.” “Ang sabi ko ay kung tatanggapin mo ba ang alok kong trabaho?” “Ano po bang trabaho?” Napabuntong hininga ito. “Ang magiging trabaho mo ay ang maging ‘Prosto’.” Nangunot naman ang noo niya dahil ngayon lang niya narinig salitang ‘Prosto’. “Anong trabaho po ba iyon?” “Iyon ang makabagong tawag sa mga hostes at hosto.” Saglit siyang natigil para mag-isip. Maya maya ay napagtanto niya ang ibig sabihin ng hosto. Magiging isang lalaking bayaran ako? Dahil doon ay hindi niya naitago ang gulat. “Ano ho?” bulalas niya. Napangisi lang ang matanda. Tuloy ay nawalan siya ng gana. Hindi niya kayang sikmurain ang trabahong iyon. At ipinagmamalaki niyang isa siyang birhen, at wala siyang balak na ibigay iyon sa babaeng hindi naman niya mahal. “Bago mo tanggihan ang trabahong ito, hayaan mo muna akong latagan kita ng mga dapat mong gawin at kung ano anong makukuha mo bilang prosto.” Paliwanag nito nang akma na siyang tatayo. “Ang pinakamahalagang trabaho mo ay ang paligayahin ang mga babaeng mangangailangan ng iyong serbisyo. Mapa-bata man o matanda, ibibigay mo ang gusto nila sa kama.” Napalunok siya pagkarinig niyon. Ba’t ba ako napunta dito? “Tuwing gabi lang ang trabaho. P5,000 ang tatlong oras, pero kung magdamag ang nais ng customer, P10,000 ang kailangan nilang ibayad sayo. Swerte mo kung bukod doon ay bibigyan ka nila ng tip. Minsan, hindi lang s*x ang gusto ng mga customer, minsan gusto lang ng mga ito na samahan mo silang uminom. Minsan, kapag nagustuhan ka nila, yayayain ka nilang lumabas at mag-date, doble ang bayad niyon.” Kahit na nasisilaw siya sa perang kikitain niya ay hindi parin maalis niyon ang pagkadisgusto niya sa trabaho. “Pero ang isa sa pinakagusto ng mga prostong nagtatrabaho dito ay ang offer na tinatawag na ‘Mine’ contract.” “Mine contract?” tanong niya. Tumango ito at ngumiti. “Kapag nagustuhan ka ng husto ng iyong customer, maaari ka nilang bilhin sa halagang P2,500,000.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD