
"s**t!!" Napamura si maverick nang marinig at maramdaman ang pag bangga sa likuran ng kanyang kotse.
Sino kayang kutong lupa ang malas na bumangga ng kotse ko? The heck! Humanda ka!
Agad niyang binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan at pinuntahan ang may ari ng kotse nakabangga.
Ang tanga naman nito na di man lang tiningnan ang traffic light.
Ngunit sa laki ng pagtataka niya ay kung bakit di man lang ito lumalabas o kumikibo. He knew it's a lady. Narinig niya ang pagtili nito.
Agad niyang kinompronta ang babae. "Hoy! Ikaw! Lumabas ka nga riyan at tingnan mo ang ginawa mo sa kotse ko! Sigaw niya rito sabay turo sa likuran ng kanyang sasakyan.
Napakunot noo siya nang hindi man lang tumitingin sa kanya ang babae. Nakatingin lang ito ng deretso sa harapan habang siya ay parang tangang dumadakdak doon. Bakas sa mukha nito ang parang may pinagdadaanan itong masakit.
"Hey! Ano bang---" Naputol ang pagsasalita niya nang tumaas ang kamay nito pero diretso pa rin ang tingin.
Napangiwi ito. "Hemmn!! Help me..." Pangingiyak nito na sobrang pinagtakhan niya.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. " At ikaw pa itong may ganang---."
Gumalaw muli ang kamay nito. Itinuro ang sariling leeg.
"What do you mean?" Kunot noo niyang sabi dahil di niya ito ma-intindihan.
weird...
"Wag ka na nga lang magdinaldal diyan! Tulungan mo na lang kaya ako. Dalhin mo ko sa ospital!" Asik pa nito.
At ikaw pa ang galit? WTF!
"At bakit naman kita dadalhin sa ospital?"
"Grr! Are you deaf? Bulag ka ba?" Singhal nito na nakapagpaatras sa kinatatayuan niya. "Nakita mo na ngang di ko maigalaw ang leeg ko, daldal ka ng daldal dyan!" Sigaw pa nito. "Ouch!!Hemmn!!" Maya maya ay hiyaw nito sabay himas sa sariling leeg.
Ano daw? Deaf, bulag? Hahaha, bobo!
Saglit pa siyang natigilan sa ka-werduhan ng babae.
Nakalimutan pala niyang tulungan ito. Kaya naman pala di man lang pinansin ang kanyang kagwapuhan, masakit pala ang leeg at di pa mailingon.
No choice!
Bumuntong hininga siya bago mapagpasyahang buksan ang pinto ng sasakyan nito.
"A-Ano bang gagawin ko sayo?" Nalilito niyang tanong habang kamot ang batok.
Badtrip!
May klase pa siya. Patay, late na ako!
"Ano pa, edi kargahin mo ko papuntang ospital!" Mataray na sabi nito na ikinainis niya.
"What?"
Napatili na naman ito na kanyang ikinabigla. Nataranta tuloy siya.
"Okay, okay.Relax. I'll help you.." Napabuntong hininga siya saka nagmadaling kargahin ito palabas at akmang dadalhin sa kanyang kotse nang magpababa ito. "Akala ko ba kakargahin kita?" Inis niyang sabi. At mas lalo pa siyang nainis nang marinig ang mga busina ng mga sasakyang hindi makaasod gawa nila.
"A-Ako nalang.." Biglang sabi nito na parang nailang bigla. Saka pano ang kotse ko?" Tinuro niya pa ang kanyang sasakyan na sa tingin niya ay dapat nang nagpapahinga sa junk shop.
"Okay wait, itatabi ko nalang muna. Balikan mo nalang mamaya.." Nagpipigil inis niyang sabi. " Malapit lang naman ang hospital dito." Aniya pa saka tinulak nalang basta ang maliit nitong kotse patabi sa kalsada.
Malabong manakaw ang kotse niya. Walang mag-iinteres sa isang patapong sasakyan.
Nahiya nalang siya nang makitang nakatingin na ang mga tao sa kanila.
Haysss!! Malas talaga!
"Let's go. Sakay na." Utos niya rito. Iginiya niya ito papasok sa kanyang kotse saka nagmamadaling sumakay narin at pinaandar ang sasakyan.
Tahimik lang ito sa biyahe. Nang lingunin niya ito ay himas himas parin nito ang leeg. Muntikan na siyang matawa nang mapansin ang nagkalat nitong lipstick sa labi hanggang sa pisngi.
She's pretty, pero hanggang doon lang. Walang ka-class class ang dating. Not sophisticated na siyang hinahanap niya sa isang babae. Gusto rin niya ang disente. At ang babaeng to ay wala sa tipo niya. Sexy ito dahil sa lalim ba naman ng suot nitong spagetti blouse at sa ma-eksi nitong short. Pero mukha siyang nagtatrabho sa bar.
Walang espesyal sa mukha nitong hugis puso. Normal na itim na mga matang mahahaba ang pilik. May katangusan din naman ang ilong, ang labi ay pwede na rin, di niya lang siguro matantya kung maganda ba ang korte gawa ng nagkalat na lipstick.
Mas lalo naman siyang nagdudang baka nga sa bar ito nagtatrabaho dahil sa asul na highlight ng maitim nitong buhok.

