Isang araw matapos ang bisita namin sa libingan, tumawag si Lloyd sa akin nang madaling araw. Nagising ako sa matinis na vibration ng phone ko sa bedside table. Hindi pa sumisikat ang araw. The room was dark, almost suffocating in its silence. Saglit akong nakatulala sa kisame bago ko inabot ang telepono. 3:17 AM. Walang magandang nangyayari sa ganitong oras. “We have a problem,” sabi niya agad. Walang good morning. Walang kumusta. Walang kahit anong paligoy-ligoy. “Get dressed. I’m picking you up in ten minutes.” Narinig ko ang kontrol sa boses niya. Hindi siya sumisigaw. Hindi rin siya nagmamadali magsalita. But beneath that calm tone was steel. A threat. An escalation. “Okay,” sagot ko. Isang salita lang. Pagbaba ng tawag, hindi agad ako tumayo. Nakaupo lang ako sa gilid ng kam

