Ang pagsabog ay nanggaling sa ibaba, isang nakabibinging dagundong na tila nagmula sa kailaliman ng lupa. Yumanig ang buong building ng Grand Marquis Hotel, isang marangyang estruktura na sa isang saglit ay naging tila isang marupok na laruan. Malakas ang impact, sapat upang nayanig ang aking buong pagkatao. Dahilan para mawalan ako ng balanse at tumama ang aking balikat sa matigas na dingding ng smoking lounge bago ako tuluyang bumagsak sa sahig. Hindi lang ako ang nawalan ng kontrol. Bumagsak din si Don Rafael, ang kaniyang kopita ng alak ay tumalsik at nabasag, ang mamahaling likido ay humalo sa alikabok na nagsimulang malaglag mula sa kisame. Maya-maya pa, ang mga sprinkler ay nag-activate, nagpaulan ng malamig na tubig na agad na humalo sa abo at usok. "What the—" simula ko, pilit

