Tatlong araw bago ang itinakdang gala, ang gabi ay tila mas lalong dumilim at bumigat. Nakatingin ako sa labas ng bintana ng aking apartment, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod na tila mga matang nagmamasid, nang biglang bumasag sa katahimikan ang tunog ng aking telepono. Si Lloyd. Seryoso ang kaniyang boses sa kabilang linya. Walang bakas ng lambing, walang pag-aalinlangan. "My father wants to see us. Both of us. Tonight." Nanlamig ang buong katawan ko. Ramdam ko ang pag-akyat ng kaba mula sa aking talampakan hanggang sa aking dibdib. "Why?" "He didn't say. But it sounds official. Wear something formal," maikli at malamig niyang tugon bago tuluyang pinutol ang tawag. Naiwan akong nakatitig sa screen ng cellphone. Nanlambot ang aking mga tuhod kaya dahan-dahan akong napaupo sa sa

