Nakikinig lamang ng tahimik ang dalagang si Nova Celestine sa mga usap-usapan ng mga nagtutumupukang mga bantay ng lugar na ito. Malinaw niyang naririnig ang pinagsasabi ng mga ito. Kaya hindi niya napigilang magsalita ng malakas ukol rito. "Talagang napakamangmang niyo naman. Isang Tribe Army Chief lamang ang dumating ay parang kiti-kiti o garapata kayong pinag-uusapan ito. Nakakasuka naman ang panlasa niyo hmmp!" Mapanghamak at walang prenong sambit ng dalagang si Nova Celestine habang hindi nito mapigilang mapasinghal ng malakas sa dulo ng pagsasalita nito. Agad namang napatigil sa pagbubulung-bulungan at pag-uusap ang mga bantay sa isang pwesto habang mabilis silang lumingon sa gawi ng dalagang si Nova Celestine na makikita sa mukha ng mga to ang mga negatibong ekspresyon ng mga ito

