Agad na inihanda ng binatang si Van Grego ang kaniyang sarili kung saan ay mabilis siyang umayos ng kaniyang battle stance. Nakita naman ni Van Grego na biglang lumutang si Ginoong Triper sa Human Form nito at mabilis na lumapag sa lupang malapit sa kinaroroonan ng binatang si Van Grego. Hindi kasi alam kung ano ang pumapasok sa isipan ng lalaking One-Horned White Tiger Python at mali naman kung aasa siyang mananalo siya rito. Naramdaman ni Van Grego na biglang bumaba ng sobra ang lebel ng Cultivation ng Halimaw na lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper kung saan ay isa na lamang itong 1-Star Ancestor Realm Expert dahil sa pag-supressed nito ng kaniyang sariling Cultivation. "Tutuparin ko ang aking sinabi alang-alang sa asawa ko. Pasalamat ka at hindi kita pinaslang

