Nandito ngayon sina Kai at Jinron sa isang malaking barkong personal na pagmamay-ari ng tribong pinagmulan ni Kai, Ang White Raven Tribe na siyang kabaliktaran ng Black Raven Tribe. Mula pa lamang sa pangalan ng nasabing Tribo ay masasabing magkabaliktad talaga sila lalo na sa elementong gamit ng mga ito. Ang Black Raven Tribe ay isang klase ng tribong nag-aaral at kilala bang bihasa sa paggamit ng konsepto ng Kadiliman o Darkness. Mas malakas sila kapag magtatakip-silim na lalo pa't ang kadiliman ng gabi ang kanilang natural na kakampi. Mula sa mga pag-aaral nila ng konseptong ito ay talagang napakalakas ng ganitong klaseng elemento. Hindi sa ipinagmamamyabang ngunit kilala ang tribong ito sa Central Region. Ang kanilang abilidad na pumatay at gumamit ng dark skills at f*******n techniqu

