"Labis na perwisyo na ang binigay mo sa pamilya mo Jinron lalo na sa ibang pamilya sa Central Region tapos hanggang dito ba naman ay dadalhin mo ang ugaling unggoy mo. Muntikan mo nang patayin lahat ng tao sa Rehiyon na ito!" makahulugang sambit ni Kai habang makikita ang galit na nakapaslak sa mukha nito. "An-anong si-sinasabi m-mo h-ha?! Wa-wala ak-akong ginagagawang masama at paano ko naman kayong papatayin ha?!" Sambit ng nakarobang itim na si Jinron. "Hindi mo ba alam ang ginagawa mo Jinron ha?! Muntik mo nang ma-trigger ang isang bagay na pagsisisihan mo! Hindi mo na alam na nagkakaroon ng Moon Qi Deviation ang binatang iyan at hindi lamang iyon dahil nagti-trigger na ang nalalapit nitong pagbreakthrough!" Sambit ni Kai habang masamang nakatingin kay Jinron. "Ano?????!!!!" Sambit

