Mabilis na naglakbay si Van Grego papunta sa Teritoryo ng Martial Beast Cultivators. Makikitang halos isolated at mala-disyerto ang lugar na ito kung saan ay walang kahit na anong makikita rito kundi mga naglalakihang Rock Formations, landscapes at iba. Mayroon ding lugar na mga masusukal na parte doon na animo'y kagubatan ngunit doon ay alam ni Van Grego na mas delikado at malaki ang tiyansang maligaw pa siya doon. Wala ring nakalagay na mapa patungkol dito at masasabi niyang hindi rin angkop kung sasabak pa siya o susuong sa delikadong sitwasyon kung saan hindi niya alam kung mayroon bang kabuluhan iyon. Mas pipiliin niya lamang ang magpunta sa pinakasentro ng Teritoryong ito na nakalagay sa mapa, ang Vintage Dragon Palace. Ewan niya kung ano ito pero base sa photographic memory niya pat

