Bigla na lamang lumitaw si Van Grego sa harap ng tatlong nilalang na kasa-kasama ng labindalawang bandido na walang-awang pinaslang ni Van Grego. Nakita nila kung paano kabrutal na pinatay ng binata ang mga tumakas. Ngunit ngayon ay halos natigalgal sila sapagkat buhay pa rin ang binata at halos wala man lang itong kahit anong gasgas man lang ang robang suot nito o ang balat man lang ni Van Grego. "Bakit narito pa rin kayo? Hindi niyo ba alam na delikado na sa lugar na ito?!" Sambit ni Van Grego sa tatlong nakatayo lamang habang tinitingnan siya na parang namimilog ang mata. "Ah e-ehh Gi-ginoo, hindi ko aakalaing napaslang mo ang iba sa kanila. Hindi ko aakalaing mayroong magliligtas sa amin mula sa mga masasamang bandido na iyon?!" Sambit ng medyo may katandaang lalaking may Cultivatio

