Ilang minuto lamang ay napatay na ni Van Grego ang lahat ng mga lumilipad na mga bandido sakay ng kanilang flying sword ngunit ang lider lamang nito ang natira. Halos karumal-dumal ang naging pagpatay sa mga ito yung tipong kahindik-hindik tingnan. Sampong kilometro na ang layo ng tumatayong lider ng nasabing grupo ng bandido sa kinaroroonan nila kanina. "Heh! Anong akala ng binatang iyon na maaabutan niya ako?! Huwag niyang mamaliitin ang aking kakayahan sapagkat ako ang pinakamabilis na magpalipad ng aking Flying Sword hehe..." Sambit nito nang mabilis niyang pinaharurot ang kaniyang Flying Sword. Poooohhhhh!!! Ngunit nagulat at namilog ang mata ng tumatayong lider ng bandido ng makita niya ang pamilyar na pigura ng isang binata sa hindi kalayuan habang may hawak itong maliit na pata

