Chapter Two

996 Words
INIHINTO ni Akira ang kotse sa labas ng gate ng kanilang mansiyon. Mabilis siyang bumaba ng kotse at lumapit sa gate. Napangiti siya nang makitang gising pa ang guwardiya nilang si Mang Rodolfo. Nagkakape ito habang nakaupo sa maliit na guard house na nasa may gate ng bahay nila. “Mang Rodolfo!” tawag niya rito. Napaangat ng tingin ang matanda, at nang makita siya sa may gate ay agad itong tumayo. Sinenyasan niya ito na lumapit sa kanya. Mabilis itong nalalapit sa kanya dala ang isang kumpol ng mga susi. “Ma’am, bakit ho ngayon lang kayo?” ani Mang Rodolfo habang binubuksan nito ang gate. "Ang sabi ho ninyo, bago mag-alas dose uuwi na kayo." “Hindi ko ho napansin ang oras, eh. Tulog na ho kaya sila Daddy?” "Siguro," tugon nito na niluwagan ang pagkakabuka ng gate para makapasok siya. "Kanina pa naka-off ang ilaw sa silid nila." Nakahinga siya nang maluwag sa isinagot ng matanda. "Kaya na ho ang bahala sa kotse ko. Salamat po." Tinanguan lang siya nito. Sina Mang Rodolfo at ang kasambahay nilang si Jennifer ang kakutsaba niya kapag ganitong dis oras na ng gabi o kaya ay madaling araw na siya nakakauwi. Si Mang Rodolfo ang magbubukas ng gate para sa kaya, at nagtutulak papasok ng kotse niya; habang si Jennifer naman ang mag-iiwang bukas ang pinto sa kusina upang doon siya makaraan. “Thank you po,” ngiting-ngiti niyang sabi bago iniwan ang matanda. Mabibilis ang hakbang na nagtungo siya sa likod ng mansiyon. Maingat niyang binuksan ang pinto sa kusina, saka hinubad ang suot niyang high heels na sandals. Sarado ang ilaw ng buong kabahayan kaya natitiyak niyang natutulog pa ang mga tao roon. Maingat siyang naglakad upang hindi makagawa ng ingay. Malapit na siya sa hagdanan nang biglang bumukas ang malaking chandelier at bumaha ang liwanag sa ibaba ng mansiyon. Awtomatiko siyang napatingin sa kinaroroonan ng mga switch ng ilaw. “Ano’ng oras na, Akira?” naka-krus ang mga braso sa tapat ng dibdib na sabi ng kanyang inang si Cassandra Morales. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. “Alas tres na ho,” aniya sa mahinang tinig. “Uwi pa ba ito ng matinong babae?” nakataas ang kilay na sabi ng ginang. Napabuga siya ng hangin. “Ma, alam naman ho ninyo kung ano ang trabaho ko, 'di ba? I’m an event organizer, alangan namang iwan ko ang event na ako mismo ang nag-organize?” “Tigilan mo ako ng katuwiran mong 'yan, Akira!” malakas na sabi ng ginang, mahihimigan ang tinig nito ng pagkaubos ng pasensiya. “Tinawagan ko ang isa sa mga ka-trabaho mo, at ang sabi nag-half day ka lang kanina at wala ka rin naman daw event na naka-schedule this week. So saan ka talaga nanggaling?” “Ma, naman eh! Do you really have to do that pa ba? Tinawagan mo ang ka-trabaho ko just to know my whereabouts? Hindi n'yo ba naisip kung ano ang sasabihin nila? Ano ba’ng akala ninyo sa akin? Hindi na ako bata!” nakasimangot na protesta niya. “Exactly! You’re already twenty-six but you’re not acting like one?!" singhal sa kanya ni Cassandra. "When are you going to grow up, Akira?! Hanggang ngayon para ka pa ring college student, napaka-irresponsable mo pa rin!” Hindi siya kumibo. Alam niyang kung sasagot siya ay lalo lamang hahaba ang diskusyon at sawang-sawa na siya sa ganitong usapan nila ng mga magulang. “Starting tomorrow hindi ka na papasok sa trabaho mong iyan. Doon ka sa opisina natin magre-report." Napaawang ang bibig niya. "What?" "Nag-usap na kami ng Daddy mo and our decision is final,” dagdag pa nito. “You know I can’t do that. May contract—” “I’ll take care of that,” putol sa kanya ng ina. “Ako naman ang nagpasok sa 'yo sa trabahong iyan, 'di ba? So ako na rin ang kakausap sa Tita Chloe mo at magsasabi sa kanyang magre-resign ka na.” Para siyang itinulos sa kinatatayuan, hindi siya nakakibo. Nakadama siya ng takot. Alam niyang kaya talaga iyong gawin ng ina. “Ma, huwag naman—” “Four years na kitang pinagbigyan sa gusto mo, dahil nangako ka sa akin na titino ka. Pero 'yan ba ang pagtitinong sinasabi mo? Ang family business na ang aasikasuhin mo mula bukas. Kung ipipilit mo ang gusto mo, then fine! Hahayaan ka namin, but you will have to move out of this house!” Napatulala siya sa narinig. “A-ano hong ibig ninyong sabihin?” “We will disown you kapag hindi ka sumunod sa gusto namin,” walang kaabog-abog na sagot sa kanya ng ina. Natigagal siya sa deklarasyon ng ina. Itatakwil siya ng mga ito? Kaya ba talagang gawin iyon sa kanya ng mga magulang niya? Libong beses na siguro silang nagtalo ng mga niya tungkol dito, pero ngayon lang nagsalita ng ganoon ang kanyang ina. At mukhang hindi ito nagbibiro, seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kanya. "Ma, hindi magandang joke 'yan ha," aniya na pilit pang iniisip na nagbibiro lang ang ina. Umiling ang ginang. “Pagod na kami ng Papa mo sa 'yo. Lahat na ginawa namin para mapatino ka. Pinayagan ka namin diyan sa gusto mo na magtrabaho as event organizer, dahil sabi mo 'yon talaga ang gusto mo. Pinilit naming intindihin 'yon. Pero ginawa mo lang excuse ang trabahong iyan para magawa ang mga kalokohan mo.” Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Paano ba niya ipagtatanggol ang sarili? “Ano bang sinasabi ninyong ginagawa kong kalokohan? Wala—” “Enough with your lies, Akira!” galit na talagang sabi ng ginang. “Akala mo ba hindi ko alam ang tungkol sa pakikipag-relasyon mo sa kung sino-sino’ng mga lalaki na nakikilala mo sa bar at party na pinupuntahan mo?!” Hindi siya nakakibo. "Bigyan mo naman kami ng Papa mo ng kahihiyan," sabi pa ng ginang bago siya nito tinalikuran. Naiwan siya sa salas na natitigilan. l

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD