bc

Posh Girls Series Book 2: AKIRA

book_age16+
115
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
scandal
badgirl
independent
comedy
sweet
lighthearted
ambitious
seductive
like
intro-logo
Blurb

"Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakukuha ang bagay na gusto ko. Pero this time, hindi lang basta gusto ko ang gusto kong makuha... gusto kong makuha ang makakapagpaligaya sa akin."

Dahil panganay na anak si Akira Morales, expected ng lahat na siya ang makakatulong ng kanyang mga magulang sa pagpapatakbo ng kanilang real estate business. Pero sa napakahabang panahon ay tinanggihan niya ang responsibilidad na iyon. She just couldn't imagine herself working in an office and attending different meetings and biddings. Ang gusto niya ay party... party... at party.

Hanggang sa nakilala niya si Raizen Wayne, ang representative ng construction firm na interisadong makatrabaho ang MDC. Nakilala niya ito nang sapilitan siyang pinapunta ng ama sa meeting kasama ang binata. Instant attraction ang nadama ni Akira para kay Raizen. Dahil likas na pilya at may taglay na kakaibang karisma, ipinangako ni Akira sa sarili na tulad ng ibang lalaki ay mahuhumaling din sa kanya si Raizen.

Pero iba ang nangyari, mukhang siya ang unti-unting nahuhumaling kay Raizen. Ang mahirap nito, mukhang ginagamit lang siya ng lalaki para makuha ang gusto sa kanilang kompanya. Gustuhin man niyang umiwas upang hindi masaktan ay tila huli na; lalo pa at hindi lang puso niya ang hawak ng binata, kundi pati ang kanyang journal. She and her reputation were at Raizen's mercy.

chap-preview
Free preview
Chapter One
NAPAHINGA nang malalim si Akira pakatapos ubusin ang laman na beer ng hawak niyang baso. Ibinitang niya iyon sa lamesang nasa harapan niya, at pagkatapos ay tiningnan ang suot niyang relo. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng bahay na kinaroroonan. Nasa bahay sila ng 'boyfriend' niyang si Michael. Kanina pagkatapos ng fashion event ay nagkayayaan sina Michael at ang mga kasamahan nitong modelo na mag-house party. Wala sana talaga siyang balak na sumama sa mga ito, pero dahil sa pakiusap ni Michael ay napilitan rin siyang pumunta rito. Mukhang nag-i-enjoy pa sa party angmga bisitang naroon, pero siya ay hindi na. Lihim siyang nagsisisi sa pagpunta rito. Naisip niyang sana ay sumama na lang siya kina Scarlet, na malamang ay nag-i-enjoy na ng mga oras na ito sa Boracay. "Nakita n'yo ba ang reaction nila when I started walking on the stage?" ani ng isang babae na modelo na may alon-alon na mahabang buhok. "Aminin n'yo na, mas bagay talaga sa akin 'yon keysa kay Vondra. Mas kaya ko namang dalhin ang outfit na 'yon keysa sa kanya. I mean, duh!" Pinatikwas pa nito ang isang kilay at pinaikot ang mga mata. "Oo nga, buti na lang talaga nagbago ang isip ni Miss Chloe, at sa 'yo iyon ipinasuot," segunda naman ng katabi nitong babae. "And thank goodness, hindi siya sumama rito." Mabuti na ang at napigilan niya ang sarili na mapailing. Sino ba naman ang mag-i-enjoy kung ang naririnig mo ay ang kanya-kanyang pagbubuhat ng bangko ng mga kaharap mo. She's used to these kind of people, 'yong puro yabang ang alam pero ang totoo wala naman talagang sense ang mga sinasabi. Dinampot niya ang bag na nasa tabi niya. Hindi na niya kayang tumagal pa rito, may gugustuhin niyang umuwi na at matulog keysa ang pakinggan niya ang pagbibida ng mga ito. Tumayo na siya pero bago pa siya makahakbang ay may isang kamay na mabilis na pumigil sa kanyang braso. Napatingin siya sa gumawa niyon. “Where are you going?” kunot ang noo na tanong ni Michael sa kanya. “I’m going home,” aniya na isinukbit na sa balikat niya ang kanyang bag. "What?!" gulat na sabi ni Michael na parang biglang nawala ang tama ng alak na nainom nito. Napatayo din ang lalaki. "I thought you’re staying?” Sinalubong niya ng mga mata nito. "Sinabi kong mag-i-stay ako pero hindi ko sinabi na dito ako magpapalipas ng gabi." "But you pro–" "Nag-stay na ako ng more than two hours, so I'm going home now," aniya na bahagyang napadiin pa ang pagkakasabi. Hindi nakaimik ang lalaki. Napatingin naman sa kanila ang mga kaibigan ni Michael na naroon. Binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki. “I'll go ahead guys," aniya pa sa mga naroon bago niya tinalikuran ang mga ito. Bago pa niya marating ang pinto ay muli siyang napigilan ni Michael sa braso. “Hon, wait!” anito at mabilis na nailingkis ang mga kamay sa katawan niya. Ipinihit siya ng lalaki paharap dito at iniyakap ang dalawang braso sa kanyang beywang. "Huwag ka na munang umalis, please." Magkahalo ang paglalambing at pakikiusap sa tinig nito. “It’s already two in the morning, hinahanap na ako sa bahay,” aniya na iniiwas ang mukha nang tangkain nitong halikan siya sa labi. “Tumawag ka na lang sa kanila. Tell them na magkasama tayo, at mamaya ka na lang uuwi,” malambing na sabi ni Michael. Muntik na siyang matawa sa sinabi ng lalaki. Hindi pa siya nahihibang para gawin ang sinabi nito. Ano siya, bale? Ipapahamak ba niya ang sarili para pagbigyan ang lalaki? No! Hindi pa siya nasisiraan para aminin sa mga magulang niya na isang lalaki ang kasama niya ngayon. Tiyak niyang napakahabang litanya ang aabutin niya kapag nalaman ng mga ito na nagtungo siya sa bahay ng isang lalaki, na boyfriend pa niya — well, hindi naman nila alam na boyfriend niya si Michael — pero 'yon nga mismo ang point. Ni hindi kilala ng mga ito ang lakaki. Conservative ng pag-iisip ng mga magulang niya. Ultimo nga pananamit niya ay may komento ang mga ito, 'yon pa kayang malaman ng mga ito ang ginagawa niya ngayon? “Alam mong ayoko sa lahat ay 'yong inuutusan ako ng dapat kong gawin, 'di ba?” mahina pero matigas niyang sabi. Nakatikwas ang isa niyang kilay habang titig na titig rito. Hindi nakakibo ang lalaki. Alam niyang malaki ang takot ni Michael na magalit siya dahil alam nitong kayang-kaya niya itong iwan — at iyon ang ayaw nitong mangyari. He needs all the connections that she had. Sa mahigit dalawang buwan na kasama siya nito ay malaki ang naitulong niya sa career ng lalaki. Isang baguhang modelo si Michael at dahil sa kanya ay unti-unting dumami ang offer dito. Marami siyang kakilalang mga designer at agent kaya nagagawan niya ng paraan para maisali ito sa mga shows. Inalis nito ang pagkakayakap sa kanya. “Kailan ulit tayo magkikita?” “Hintayin mo na lang ang tawag ko,” malamig niyang sabi at tinalikuran na ito. Napabuga siya ng hangin at mahinang napailing pagkasakay niya ng kotse. Mukhang dapat na niyang iwasan si Michael. Lately ay napapansin niyang nagsisimula na itong maging demanding, iyon pa naman ang pinakaayaw niya sa lalaki. Walang sinuman ang pupuwede na magdikta at mag-utos sa kanya ng dapat niyang gawin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook