Story By Sapphire Morales
author-avatar

Sapphire Morales

ABOUTquote
Hi guys! I\'ve just started writing here in dreame but I\'ve been writing novels/short stories since 1998. I had 30+ novels published by different publishing company here in the Philippines. I\'m hoping, (actually begging you ????????????) to support my journey as an online writer. Thanks in advance!!!!!!
bc
Posh Girls Series Book 4: Moira
Updated at Jun 5, 2022, 16:59
Second year resident doctor si Moira sa AFP Medical Center. Mahigit isang taon na siyang nasa ospital na iyon, pero bilang na bilang lang ang mga taong napalapit sa kanya. Karamihan ng mga kapwa niya residente at mga nurses ay nangingilag sa kanya. Sabi nga ng iba, para siyang babae na hindi nawawalan ng pre-menstrual sydrome. Ilang batang consultant at mga residente na rin ang nagtangka na ligawan siya, pero hindi pa man lang nakakaporma ang mga ito ay ipinapamukha na niya na hindi siya interesado rito. Walang nakakatinag sa mailap na dalaga hanggang sa dumating si Slater. Kahit na gaano katatag ang pader na binuo niya ay tila hindi iyon hadlang para lapitan siya ng lalaki. Anumang iwas ang gawin niya ay lalo lang itong lumalapit sa kanya, kaya tuloy madalas silang tinutukso ng mga kasama nila. Kung puwede nga lang niyang pagbabatukan ang mga bwisit na ito. Kung alam lang ng mga ito kung bakit ganoon siya sa lalaki, at kung ano ang naging parte nito sa nakaraan niya. Tama na ang minsang nasaktan siya dahil dito. ***** Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
like
bc
Posh Girls Series Book 2: AKIRA
Updated at Mar 5, 2022, 11:36
"Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakukuha ang bagay na gusto ko. Pero this time, hindi lang basta gusto ko ang gusto kong makuha... gusto kong makuha ang makakapagpaligaya sa akin." Dahil panganay na anak si Akira Morales, expected ng lahat na siya ang makakatulong ng kanyang mga magulang sa pagpapatakbo ng kanilang real estate business. Pero sa napakahabang panahon ay tinanggihan niya ang responsibilidad na iyon. She just couldn't imagine herself working in an office and attending different meetings and biddings. Ang gusto niya ay party... party... at party. Hanggang sa nakilala niya si Raizen Wayne, ang representative ng construction firm na interisadong makatrabaho ang MDC. Nakilala niya ito nang sapilitan siyang pinapunta ng ama sa meeting kasama ang binata. Instant attraction ang nadama ni Akira para kay Raizen. Dahil likas na pilya at may taglay na kakaibang karisma, ipinangako ni Akira sa sarili na tulad ng ibang lalaki ay mahuhumaling din sa kanya si Raizen. Pero iba ang nangyari, mukhang siya ang unti-unting nahuhumaling kay Raizen. Ang mahirap nito, mukhang ginagamit lang siya ng lalaki para makuha ang gusto sa kanilang kompanya. Gustuhin man niyang umiwas upang hindi masaktan ay tila huli na; lalo pa at hindi lang puso niya ang hawak ng binata, kundi pati ang kanyang journal. She and her reputation were at Raizen's mercy.
like
bc
What If Tayo Na Lang?
Updated at Mar 3, 2022, 03:55
Zach and Melody we're best of friends. They knew each other since they were six years old kaya naman kilalang-kilala na nila ang isa't-isa. Alam ni Zach kung gaano siya katanga sa pag-ibig, at siya alam niya ang reason why Zach is too careful in terms of relationship. Palaging naroon si Zach sa tabi niya, lalo na nang dumating ang pinakamalaking pagsubok sa buhay niya, when she had Achi. Iniwan siya ng walang balls na ama ng anak niya pero nagkaroon naman ng ama si Achi sa katauhan ni Zach. Pero ang lahat ay unti-unting nagbago nang dumating si Ysabelle, ang dating girlfriend ni Zach. Alam niyang wala siyang karapatang magselos, pero iyon ang nararamdaman niya sa tuwing nakikitang magkasama ang dalawa. And because of that, she finally realized na mahal niya si Zach...noon pa.
like
bc
After All
Updated at Nov 1, 2021, 15:10
When Allyson meets Kier, her young heart learned what love is... That's why when Kier confessed his feelings to her, she felt like she was caught up in rapture. But then, tulad nga ng sinasabi ng mga kaibigan niya, hindi sa lahat ng oras ay masaya ang isang relasyon. May mga pagkakataon na nasasaktan ni Kier ang feelings niya. Sinikap niyang unawain ang pagkukulang ng binata, ang mahalaga sa kanya mahal siya nito. And of course, she don't want to lose him. Handa siyang alagaan at ipaglaban si Kier, pero iniwan siya nito. Immature daw kasi siya at pagod na ito sa kanya, that's why he left her. Wala siyang nagawa kundi umasa na babalik din ito sa kanya. At nang makipagbalikan nga ang lalaki, she accepted him without any hesitations. Pero isang araw nagsimula na siyang i-question ang pagmamahal ng lalaki sa kanya. Dahil kung talagang mahal siya nito, bakit siya nasasaktan ng ganoon? Pero sa halip na tulungan siya ni Kier na ayusin ang relasyon nila ay tuluyan na siya nitong tinalikuran. Sa panahon pa na kailangang-kailangan niya ito. Ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na niya hahayaang makabalik ang binata sa buhay niya. Pero hanggang kailan niya kayang panindigan iyon? Matuturuan ba niya ang puso niyang kalimutan ang nag-iisang lalaki na minahal niya nang higit sa sarili niya?
like
bc
Party Of Destiny Book 11: Searching for the One (Complete)
Updated at Jul 15, 2021, 05:59
“You're my destiny. You’re the only man I want to spend the rest of my life with. The man I want to be with until my last breath.” Hinulaan si Jade na ang lalaking nakatakda para sa kanya ay makikilala niya sa isang hindi inaasahang sitwasyon at may initials na “RVT.” Pinanghawakan niya ang hula, umasang magkakatotoo iyon. Kaya naman nang makatanggap siya ng invitation sa Party of Destiny ay dumalo siya. At sa game na Kiss of Destiny, aksidente niyang nahalikan ang isang lalaki na ang pangalan ay Robert Villamor Torres. Masyadong mailap si Robert. At sa paniniwalang ang lalaki ang tinutukoy sa hula, ginawa ni Jade ang lahat upang mapalapit ang loob ng binata sa kanya. Kung kailan nagbubunga na ang kanyang paghihirap—mukhang nahuhulog na rin ang loob ni Robert sa kanya—ay saka naman niya nakilala ang pinsan ni Robert sa isa ring hindi inaasahang sitwasyon. And this man's name is Raven Villamor Tan, isa ring RVT. Naguguluhan siya. Sino nga ba sa dalawang RVT ang totoong nakatadhana para sa kanya?
like
bc
Somewhere I Belong (Complete)
Updated at Jun 19, 2021, 21:55
Pagkalipas ng labintatlong taon ay nagkalakas-loob si Lianne na harapin uli ang ama na umabandona sa kanya―hindi para makipagbati rito kundi para kunin ang kanyang mana. Kailangan niya iyon para maisalba ang bahay at restaurant na iniwan sa kanya ng namayapang ina. Her father offered her a deal. Ibibigay nito sa kanya ang mana niya kapalit ng isang buwang pananatili niya sa piling nito. At kasama na rin doon ang pagsunod niya sa lahat ng nais nito. Tinanggap iyon ni Lianne kahit labag sa kalooban niya. Napilitan rin siyang magtrabaho sa kompanya ng pamilya nila sa ilalim ng pamamahala ni Xander, ang lalaking kinupkop at pinalaki ng kanyang ama na parang isang anak. Malaki ang galit niya rito. Pakiramdam kasi niya ay inagaw nito ang atensiyon at pagmamahal ng ama na dapat sana ay sa kanya. Ngunit dahil palagi niyang nakakasama si Xander, unti-unting lumambot ang puso niya para rito. Hanggang sa aminin niya sa kanyang sarili na mahal na niya ito. Pero isang lihim sa kanyang pagkatao ang nadiskubre niya na magiging dahilan para kusa siyang lumayo sa piling ng binata…
like
bc
Posh Girls Series Book 1: PAIGE (Complete)
Updated at Jun 18, 2021, 06:20
Dahil anak siya ng kilala at iginagalang na senador, de-numero ang bawat kilos ni Paige. At dahil din sa posisyon ng ama kaya nalagay sa panganib buhay niya. Kaya naman kahit labag sa kagustuhan niya ay ikinuha siya ng ama ng driver-bodyguard. Unang kita pa lang ni Paige kay Thaddeus ay dama na niyang mas malaking peligro ang hatid ng lalaki, hindi sa buhay niya kundi sa puso niya. Bakit kamo? Ito lang naman ang kauna-unahang lalaki na nagpabilis ng tahip ng kanyang dibdib. Tingin pa lang nito ay tila gusto na niyang magtatakbo palayo. Pero para kay Thaddeus ay isang 'bata' si Paige na kelangan lang i-babysit kaya petiks-petiks lang ito sa pagbabantay sa dalaga. Hanggang sa manganib na nga talaga ang buhay nito. Biglang dinoble ni Thaddeus ang pagbabantay sa babae. At nawindang pa si Paige nang sabihin ng lalaki na ginagawa nito iyon para sa kanyang kaligtasan at para sa sarili nito. Dahil konting-konti na lang daw ay hindi na nito mapipigilan ang damdamin para sa dalaga
like
bc
Ang Tunay na Pag-ibig ni Graciella
Updated at May 3, 2021, 01:11
Romance writer si Graciella pero kabaliktaran ng magagandang kuwentong isinusulat niya ang kanyang love life. Isa siya sa mga taong allergic sa salitang “commitment” at “relationship.” Paano ba naman, sinalo na yata niya ang lahat ng kamalasan sa pag-ibig. Hindi niya maintindihan kung ano ang mali sa kanya at lagi na lang siyang niloloko at iniiwan ng mga lalaking minahal niya. Hanggang sa nakilala niya ang certified hot bachelor na si Tristan. Dahil sa isang pustahan, they ended up sleeping together. Ang akala niya ay hanggang doon lang iyon. After all, wala silang relasyon, walang emosyong involved. Pero nang pagtagpuin uli sila ng tadhana, they realized that they felt a “magical spark.” Naulit ang mainit na tagpo sa pagitan nila. Subalit hanggang kailan siya makokontento sa ganoong set-up nila?
like
bc
Kahit Isang Saglit (Completed)
Updated at Apr 6, 2021, 18:06
Walang panahon si Adrian sa pakikipagrelasyon, sa halip na i-enjoy ang pagkabinata ay nakatuon ang isip niya sa negosyo. Until he meets Jamelia, hindi ito katulad ng ibang mga babae na nakilala niya, at may kung anong espesyal na katangian ito na muling nakapagpatibok ng kanyang puso. Madaling napalapit ang loob niya rito. Pero kung kailan plano na niyang sabihin dito ang tungkol sa nararamdaman niya ay saka naman bumalik ang taong naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang puso noon. Ang babaeng sumira ng tiwala niya noon. At bitbit pa nito ang isang bata na pilit ipinapaako sa kanya. Paano pa niya maipaparamdam kay Jamelia ang pagmamahal niya rito ngayong naging komplikado na ang lahat.
like
bc
Finally Found You (Completed)
Updated at Mar 21, 2021, 18:34
"Love is something that won’t ever fade. Once you really love someone, that person will stay in your heart forever.” Arabella’s almost perfect world shattered when her fiancé went missing on the day of their wedding. Ang masakit ay wala man lang itong ibinigay na matino at katanggap-tanggap na rason kung bakit siya nito iniwan. Pinayuhan siya ng kaibigan at boss niya na magbakasyon muna para makapagpahinga at makapag-isip-isip. Naisip niyang tama ito kaya pumayag siya sa suhestiyon ni Charity na sa rest house ng pamilya nito sa Quezon magpunta. Ang akala niya ay makakapagbakasyon siya ng maayos doon, pero unang gabi pa lang niya sa isla ay dumating na ang isang napaka-aroganteng lalaki na sumira ng pamamahinga niya—si Jared. Pinsan ito ng boss niya at naroon din para magbakasyon. Pagkatapos ng matinding diskusyon ay nagkasundo sila ni Jared na parehong manatili roon. Magkasama sila sa rest house ngunit wala silang pakialam sa isa’t isa. Pero sadyang mahirap iwasan ang attraction nararamdaman niya para rito. This beast was just so damn hard to ignore! ***This novel was published by Precious Pages Corporation
like