Zach and Melody we're best of friends. They knew each other since they were six years old kaya naman kilalang-kilala na nila ang isa't-isa. Alam ni Zach kung gaano siya katanga sa pag-ibig, at siya alam niya ang reason why Zach is too careful in terms of relationship.
Palaging naroon si Zach sa tabi niya, lalo na nang dumating ang pinakamalaking pagsubok sa buhay niya, when she had Achi. Iniwan siya ng walang balls na ama ng anak niya pero nagkaroon naman ng ama si Achi sa katauhan ni Zach.
Pero ang lahat ay unti-unting nagbago nang dumating si Ysabelle, ang dating girlfriend ni Zach. Alam niyang wala siyang karapatang magselos, pero iyon ang nararamdaman niya sa tuwing nakikitang magkasama ang dalawa. And because of that, she finally realized na mahal niya si Zach...noon pa.