bc

Party Of Destiny Book 11: Searching for the One (Complete)

book_age16+
1.7K
FOLLOW
4.8K
READ
love-triangle
fated
goodgirl
independent
sweet
lighthearted
city
like
intro-logo
Blurb

“You're my destiny. You’re the only man I want to spend the rest of my life with. The man I want to be with until my last breath.”

Hinulaan si Jade na ang lalaking nakatakda para sa kanya ay makikilala niya sa isang hindi inaasahang sitwasyon at may initials na “RVT.” Pinanghawakan niya ang hula, umasang magkakatotoo iyon. Kaya naman nang makatanggap siya ng invitation sa Party of Destiny ay dumalo siya. At sa game na Kiss of Destiny, aksidente niyang nahalikan ang isang lalaki na ang pangalan ay Robert Villamor Torres.

Masyadong mailap si Robert. At sa paniniwalang ang lalaki ang tinutukoy sa hula, ginawa ni Jade ang lahat upang mapalapit ang loob ng binata sa kanya. Kung kailan nagbubunga na ang kanyang paghihirap—mukhang nahuhulog na rin ang loob ni Robert sa kanya—ay saka naman niya nakilala ang pinsan ni Robert sa isa ring hindi inaasahang sitwasyon. And this man's name is Raven Villamor Tan, isa ring RVT.

Naguguluhan siya. Sino nga ba sa dalawang RVT ang totoong nakatadhana para sa kanya?

chap-preview
Free preview
Prologue
HINDI maitago ang excitement ni Jade habang tinatawid nila ng kaibigang si Lara ang makipot na pilapil patungo sa bahay ni Aling Salve. Mahigit limang oras silang bumiyahe mula Maynila hanggang dito sa Brgy. Mancruz sa Tayabas, Quezon, at pagkatapos ay naglakad na sila sa malawak na danawang ito. Pagod na siya at pakiramdam niya ay bibigay na ang kanyang mga tuhod sa layo ng nilakad nila, pero hindi naman siya makapag-reklamo dahil siya ang talagang namilit kay Lara na magtungo rito. Habol niya ang hininga nang sa wakas ay narating din nila ang kanilang pakay. “Tao po! Tao po! Aling Salve!” tawag ni Lara nang makalapit sila sa tarangkahan ng bakod na gawa sa kawayan. Ilang sandali pa ay isang matandang babae, na palagay niya ay nasa late sixties, ang lumabas ng bahay. “Magandang araw ho,” magkasabay na bati nila ni Lara rito. “Lara,” napangiting sabi ng matanda nang makilala ang kasama niya. Binuksan nito ang tarangkahan ng bakod. Nagmano si Lara kay Aling Salve. “Kumusta ang Mama mo?” tanong ng matandang babae rito. “Okay naman po. Sa susunod na buwan daw ho siya dadalaw rito,” nakangiting sagot ng kaibigan niya. Tahimik lang si Jade sa likuran ni Lara habang hinihintay na ipakilala siya nito sa matanda. Napatango-tango si Aling Salve at saka siya binalingan. “Mabuti naman at sinamahan mo na ang kaibigan mo rito. Mukhang matagal mo na rin akong gustong makilala,” nakangiting sabi sa kanya ng matanda. Napaawang ang labi ni Jade habang nakatanga sa matandang babae. Tama ito, ilang buwan na nga niyang kinukulit si Lara na samahan siya rito, pero hindi sila agad nagkaroon ng pagkakataon dahil abala sila sa eskuwela lalo pa at graduating na sila ng high school. Matagal nang naikukuwento ni Lara sa kanya si Aling Salve. Dito raw humihingi ng payo ang ina ni Lara tungkol sa papasukin nitong negosyo at iba pang bagay. Isang manghuhula ang matandang babae at ayon kay Lara ay wala pa itong sinabi sa ina nito na sumablay, lahat daw ng sinabi ng matanda ay nagkakatotoo. Malaki ang paniniwala ni Jade sa salitang kapalaran. She’s a hopeless romantic person, who believes that there’s someone out there destined just for her. Iyon bang tipo na bago pa ipanganak ang isang tao ay naitakda na kung sino ang taong karapat-dapat nitong makasama habang-buhay. At iyon ang dahilan kaya siya naparito. Gusto na niyang malaman kung sino ang taong iyon at kung nakilala na ba niya ito. “Halina kayo, pasok,” ani Aling Salve na niluwagan ang pagkakabukas ng tarangkahan, pagkatapos ay nagpatiuna na ito papasok sa bahay. Pinaupo muna sila ni Aling Salve sa salas bago ito nagtungo sa kusina. Tahimik niyang iginala ang tingin sa kabuuan ng bahay. Maliit lang iyon pero malinis at maayos, malayo iyon sa nai-imagine niyang bahay ng isang manghuhula. Wala doon kung anu-ano’ng weird na dekorasyon tulad ng nasa bahay ng mga manghuhula na nakikita niya sa mga pelikula at telebisyon. “Hoy!” untag sa kanya ni Lara. "Bakit bigla kang nawalan ng imik d'yan?” “Medyo kinakabahan kasi ako, eh,” aniya na tinapik-tapik pa ang kanyang dibdib. Natatawa na hinampas siya ni Lara sa braso. “Ano ba? Kumalma ka nga. Baka naman himatayin ka pa mamaya sa mga sasabihin ni Aling Salve.” Ilang sandali pa ay binalikan na sila ni Aling Salve dala ang tray na may laman na tatlong baso ng juice at mga biscuit. Isinilbi nito ang mga iyon sa kanila. “Pasensiya na kayo diyan, hindi pa kasi ako nakakapamalengke. Ngayon lang kasi bumuti ang panahon, ilang araw rin na panay ang ulan rito,” sabi ni Aling Salve na naupo sa tapat ng kinauupuan niya. Bahagya itong yumuko at may inabot na bagay mula sa ilalim ng center table. “Bueno, simulan na natin, Ineng.” Marahan na tango lang ang isinagot niya rito habang pinapanood ang pagbalasa ng matanda sa tangan nitong baraha. Hindi tulad ng ibang manghuhula, ordinaryong baraha at hindi tarot cards ang gamit ni Aling Salve. “Hatiin mo sa tatlong bahagi ang mga baraha," wika ng matanda at ibinitang nito sa gitna ng lamesa ang mga baraha. Sinunod nga niya ito at pagkatapos ay pinakuha naman siya ng matanda ng labing-limang baraha. Isa-isa iyong binuklat ng matanda habang nagsasalita. Positibo ang karamihan ng sinasabi nito. Ayon sa matanda ay magtutuloy-tuloy naman daw ang paglago ng kabuhayan ng pamilya niya, pero maaga raw na magsisipag-asawa ang kanyang mga kapatid. Magiging maayos naman daw ang takbo ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo, bagamat sa kalagitnaan raw ay isang pagsubok ang haharapin niya, at iyon daw ang magiging dahilan para magbago ang kanyang isip sa nais niyang tahaking karera. Marami pang sinabi si Aling Salve tungkol sa mangyayari sa kanyang pamilya at future career. “Akin na ang kanang kamay mo, Ineng,” ani Aling Salve. Tumalima siya. Tiningnan iyong mabuti ng matanda. “Mabilis mapalagay ang loob mo sa mga tao. Pero Hija, dapat mag-iingat ka sa mga lalaki. Huwag kang basta-basta magtitiwala,” ani Aling Salve pagkaraan ng ilang sandali. “Maganda ka kaya marami ang maghahangad sa 'yo, lalo na ang may edad at may sabit na mga lalaki. Mag-iingat ka, may posibilidad na mahulog ang loob mo sa isang maling lalaki,” patuloy pa ng matanda at binitiwan nito ang kanyang kamay. Inipon nito ang baraha at iniabot ang mga iyon sa kanya. “Kumuha ka ng tatlong baraha.” Sinunod niya ito. “Isang lalaking may mabuting puso at responsible ang itinakda para sa 'yo,” ani ng matanda pagkatapos nitong tingnan ang mga baraha. “Kilala ko na ho ba siya o makikilala ko pa lang?” mabilis niyang tanong. “Kung iniisip mo na ang lalaking nanunuyo sa 'yo ngayon ang tinutukoy ko ay nagkakamali ka,” tugon ni Aling Salve. Hindi siya nakaimik. Paano niya nalaman ang tungkol kay Ivan!? naisaloob niya. Napatitig siya sa matanda, ganito ba talaga ito kagaling, at kaya rin nitong basahin ang laman ng kanyang isip? Mahigit isang taon nang nanliligaw sa kanya si Ivan, nahuhulog na nga rin ang loob niya rito, kaya't nais niyang malaman kung posible ba na ang lalaki ang nakatakda para sa kanya. “Maaaring matagal nang nanunuyo sa 'yo ang lalaking iyon pero hindi mo pa siya lubos na kilala,” dagdag ni Aling Salve. “Makabubuting layuan mo ang taong iyon. Sakit at sama ng loob lang ang idudulot niya sa 'yo kalaunan.” “Kung ganoon ho, ang ibig ninyong sabihin, hindi ko pa nakikilala ang taong destined para sa 'kin?" tanong niya. “Hindi pa,” tipid na sagot ni Aling Salve. “Kailan ko ho siya makikilala?” muling tanong ni Jade. “Hindi ko masasabi kung kelan ang eksaktong petsa, Ineng,” pakibit-balikat na sabi ng matanda na nakatingin sa baraha. “Pero nakatakda mo siyang makikilala sa isang 'di mo inaasahang sitwasyon.” Nangunot ang noo niya. “Wala ho bang clue or sign kung sino siya?” “Makikilala mo siya sa sandaling magpapalit na ang araw,” ani Aling Salve. “Midnight?” patanong na singit ng kanina pa nananahimik na si Lara. Tumango ng matanda at kinuha nito ang kaliwang kamay ni Jade. “R-V-T. Iyon ang initials niya." “RVT?” ulit niya. “Ano po’ng itsura niya? Guwapo ho ba? Mabait? Mayaman?” Ngumiti si Aling Salve. “Hindi ko 'yan masasagot, Hija. Ang masasabi ko lang ay tanging sa piling lang niya ikaw magiging maligaya.” Mabagal siyang napatango-tango. Lalaking may initials na RVT na makikilala ko sa hindi iniaasahang sitwasyon during midnight, tahimik na ulit ni Jade ng mga sinabi ni Aling Salve sa kanyang isip. “Sa palagay ko, ang mga iyon lang ang nais mong malaman. Tama ba ako, Hija?” tanong sa kanya ng matanda. Tumango siya, iyon lang naman talaga ang gusto niyang itanong sa matanda. Hinayaan na niya sina Lara at Aling Salve na magkuwentuhan habang inuubos nila ang meryendang inihain ng matanda.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook