"SIR, NAWALAN NG MALAY SI MADAM. ISINUGOD NAMIN SIYA SA HOSPITAL." Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Hunter matapos marinig ang balita mula sa katulong ng kaniyang ina. Mabilis niyang ibinaba ang phone at nagmadaling kumilos, bitbit ang guilt at pag-aalala. If anything happens to his mother, he would never forgive himself. Lintik naman kasi, naduduwag na siya sa nararamdaman niya kaya niya nasabi iyon kahapon. He wants to blame Amber too. If it weren't for her, at kung hindi rin dahil sa litseng strange feeling na umuusbong sa puso niya ngayon, hindi niya sana hihilingin na tuldukan ang marriage nila ng babae. Nadatnan niya sina Felix at Amber na masayang nagkukulitan sa sala. Nagtatawanan at nagkikilitian. Panandalian niyang nakalimutan ang tungkol sa nangyari kay Salem dahil sa i

