So, why did he kiss Amber last night? Mariing napahaplos ng buhok si Hunter. Maaga pa ay nakatambay na siya sa balkonahe—not his thing, but he's doing it now. Unlike his usual routine na pagkagising ay kung hindi magja-jogging ay naghahanda naman papuntang opisina. Ngayon ay wala siyang kabuhay-buhay roon habang hinihintay ang kaniyang pinapatimplang kape sa katulong. He feels like doing nothing today. Nakatunganga lang siya sa nakabukas niyang laptop. "Nangangalumata ka yata." Nilingon niya si Felix na bagong paligo. Bihis na bihis. Ang presko ng itsura nito, hindi kagaya niyang haggard. Bumuntong-hininga siya at nagbaling ng tingin sa kalangitan. "May iniisip lang ako kagabi kaya hindi ako nakatulog nang maayos." "Tungkol ba sa nangyari sa inyo ni Amber?" "Ha? Ano'ng nangyari?"

