"Hunter!" Kaagad nagtawag ng mga tauhan si Felix at pinagtulungan ng mga itong ikarga si Hunter sa sasakyan. Tuluyan na ring nawalan ng malay si Hunter kaya lalong nahirapan ang mga ito, sa bigat, laki at tangkad nito. "Felix!" Naluluhang hinabol ni Amber ang lalaki na ngayon ay pasakay na sa sasakyan. "Si Hunter... Si Hunter, Felix! Iligtas niyo siya!" "We will. Dadalhin namin siya sa hospital ng kaibigan namin. You stay here, okay? Get some rest. Don't think too much, alalahanin mong buntis ka." Tumango siya at naiiyak na pinanood ang paglayo ng sasakyan hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng gate. "Magiging ok siya, Amber. Magiging ok si Hunter." Paulit-ulit niyang kinakalma ang sarili. Nanginginig siyang bumalik sa loob, dumiretso sa kusina upang uminom ng tubig. "Ma'am,"

