Natapos din ang isang buwan na bakasyon nila sa mansion ni Salem. Pagkatapos ng buong araw ni Hunter sa opisina ay dumating ito kinagabihan para sunduin siya. "Bukas na lang kaya kayo umuwi? Gabi na, eh," biglang sabi ni Salem habang pinapanood siyang tinutulungan ni Hunter sa pagliligpit ng gamit. "Ma, magiging busy na ako ulit bukas. Ang gusto ko ho'y bago ako sumubsob sa trabaho ay nasa bahay ko na ulit si Amber." Ngumuso ang Ginang. "Mami-miss ko si Amber, anak." Napangiti siya. Pagkasara ng zipper ng duffle bag ay nilapitan niya ang Ginang upang yakapin. "Dadalaw pa rin ho kami kapag hindi na busy si Hunter." Dala ang kaunting bagahe, nauna nang bumaba si Hunter at hinayaan siya at ang Ginang na sulitin ang sandali. Pagkatapos ng madamdaming pag-uusap ay sabay na rin silang bu

