Warning: medyo SPG AFTER THE STORM, COMES A RAINBOW. Tulala si Amber sa kama habang hinihintay si Hunter na matapos sa pagligo. Iniisip niya ang mga nangyari nitong nakaraang mga buwan. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa piling na ulit siya ni Hunter... na okay na ulit sila ni Salem. Hindi niya akalain na sa pag-alis niya ay may babalikan pa siya. Hindi niya akalaing mas lalo siyang mamahalin ng mag-ina. O baka dahil lang iyon sa batang dinadala niya? Paano pala kung hindi siya nabuntis? Ganoon pa rin kaya ang trato ng mga ito sa kaniya? Bumuntong-hininga siya at nag-angat ng tingin para lang mapatalon sa gulat. Naka-dim na ang ilaw sa kwarto kaya akala niya ay may nakita siyang makisig na maligno. "Anak ka ng! Hunter naman, eh. Para ka namang kapre diyan sa kinatatayuan mo." Um

