Alimpungat na bumangon si Amber nang maulinigan ang paulit-ulit na pagtunog ng kaniyang phone. Pagmulat niya ay agad niya itong hinanap at natagpuan sa kamay ni Hunter. He's still topless, magulo ang buhok na halatang kakabangon lang. Nang mapansin nito ang kaniyang pagbangon ay nilingon siya nito, suot ang seryosong mukha. "It's Christof." Bumagsak ang paningin niya sa hawak nitong phone. Tumigil ang pag-ring ngunit ilang saglit ay tumunog na naman. "He's been calling you, a hundred times, Amber." Napalunok siya. Ganoon ito katiyaga na tawagan siya? Marahil ay nag-aalala ito nang sobra dahil sa pagtakas niya. Oo, galit siya kay Tope, at kahit nagawa siya nitong traydurin, lokohin at ikulong, a part of her still softened whenever she thought of him. Sampung taon... Sampung taon

