PINAG-TOOTHBRUSH SI AMBER.
Allergy pala si Hunter sa bagoong at bukod doon, ayaw rin nito ang amoy no'n kaya napilitan itong utusan si Felix na pagsipilyuhin siya. Naiwan siya sa madilim na silid nang mag-isa pagkatapos.
Pumatak ang ilang oras ay pumasok ang isang tauhan para hatdan siya ng pagkain. Malayo pa lang ay naglaway na agad siya sa masarap na amoy ng bistek. Isang beses lang yata siya nakakakain nang gano'n simula no'ng naging ulila siya, tapos hindi pa espesyal nang kagaya ngayon. Sa hirap kumita ng pera ay kinailamgan niyang magtiis sa paulit-ulit na ulam na kaya lang ng bulsa niya. Samantalang ang kaniyang tiyuhin at tiyahin ay nagpapakasarap sa kayamang naiwan ng kaniyang mga magulang na dapat ay para sa kaniya.
"Mm! Sarap nito!"
"Pakabusog ka, Miss. Dahil mamaya ay kakatayin ka na." Nakakalokong ngisi ang gumuhit sa maitim na labi ng lalaki.
Muntik pa siyang mabulunan. "A-anong sabi mo?"
Hindi na ito nagsalita at iniwan siya.
Kinabahan siya. Pero mas gutom siya ngayon kaya ganado siya sa kabila ng pangangamba niya. Mabilis niyang naubos ang pagkain.
GABI na nang bumalik sina Hunter at Felix. May dalang laptop ang mga ito.
Mayamaya lang ay nakaharap na sa kaniya ang screen. Naka-play roon ang patagong pagre-record ng video ng may-ari ng phone. Ipinakikita nito kung paano ang proseso ng paggawa ng bawal na gamot na naglipana ngayon sa kanilang bansa. Maging ang lugar at ang taniman ng mari juana ay hindi nakaligtas sa camera.
'Ito pala iyon...' sa isip niya. Iyon pala ang tinutukoy nina Hunter na ebidensya.
Makalipas ang ilang segundo ay napapitlag ang taong kumukuha ng video nang bigla itong sigawan ng isang lalaki. Kaagad nitong pinutol ang pagri-record.
Binuksan ni Hunter ang isa pang video clip at bumungad naman ang isang binatang parang kambing na nakahiga. Nakatali ang mga kamay nito at nakapiring ang mga mata habang nagngangawa sa takot.
Napalilibutan ito ng mga armadong kalalakihan na animo'y dumalo sa isang pag-aalay at ang binatang bihag ang siyang alay.
Isang mataba't mabalbas na lalaki ang lumapit at marahas na tinanggal ang piring sa mga mata ng binata. Lalo itong nanginig sa takot nang tumambad sa paningin nito ang mga nakapalibot na mga armado.
"Mahilig kang magdokumento. Pwes, idodokumento rin natin kung paano ka mamamatay!"
"Boss! Huwag po, boss! Parang awa niyo na! Ako lang ho ang inaasahan ng pamilya ko, boss! Maawa po kayo!" Lumuhod ang binata at patuloy sa pagmamakaawa. Halos halikan na nito ang sapatos ng kaharap na lalaki.
"Espeya ka yata!"
"Hindi ho! Wala ho akong masamang intensyon. H-hindi ko ho sinasadya... W-wala ho akong intensyon na masama... Parang awa niyo na boss! Parang awa niyo na... P-pangako, h-hindi ko na uulitin. Sa-sabihin niyo po kay Sir Cheng, h-hindi na mauulit. Buburahin ko kaagad ang video! P-pangako_"
Nanlaki ang mga mata ng binata nang ikasa ng lalaki ang hawak na baril.
Nangangatog ang mga tuhod nitong tumayo at umatras palayo.
"Gusto mong tumakbo, boy? Sige, subukan mo. Baka sakaling matakasan mo pa ang mga bala!" pagkasabi no'n ay nagkatawanan ang mga armadong kalalakihan.
Muling nagmakaawa ang binata pero hindi ito pinakinggan at kaagad na tinapos ng lalaki ang buhay nito sa isang putok lang. Bumulagta ito sa lupa at kaagad na binawian ng buhay matapos tamaan ng bala sa sentro ng noo.
Mabilis na nagkalat ang sariwa't malapot na dugo mula sa tama nito habang ang mga mata nito ay naiwang nakadilat.
Pinakanakakatakot na eksena na napanood ni Amber sa buong buhay niya.
"Na-gets mo ba, Empakta?" biglang tanong sa kaniya ni Felix.
"A-anong title ng movie? Sinong bida?"
"The title is, Cheng's men killed the witness," sagot nito.
Humakbang si Hunter palapit sa kaniya habang nakatago ang isang kamay nito sa bulsa.
"It just happened the night before you snatched the phone. Sa mga oras na ito, nasa morge na ang bangkay ng lalaki sa video. Ikaw raw ang sunod na gaganap doon sa movie for the next episode."
Sunud-sunod siyang napalunok. Ibig bang sabihin nito, pinupuntirya na siya ngayon? Paano si Latos? Baka matunton ng mga lalaking iyon ang kaibigan niya. Ang masaklap pa ay baka madamay sina Tope at Angela!
"I know what you're thinking now..." Kumuwala ang mabigat na hininga ni Hunter at muling tumitig ang matatalim na mga mata sa kaniya.
"B-baka pu-puwede ninyo akong tulungan? Hawak niyo na ang phone at kayo pa ngayon ang nakinabang, 'di ba? Bilang pasasalamat na lang sana... Tulungan niyo naman ako, o?"
"You want help? You have two options para matulungan ka... whether you hide here and cooperate with us, or you go back to your place."
"Hindi ko pwedeng pabayaan ang mga kasamahan ko! Wala na bang option C?! Kupkupin niyo na lang kami!"
Nagkatinginan ang dalawa. "Pasensya na, Empakta," si Felix. "Hindi na namin kargo ang mga kasamahan mo."
Sinundan niya ng tingin ang pagtalikod ng dalawa habang siya ay naninigas sa kinauupuan.
Dumoble ang pintig ng kaniyang puso dahil sa kaba. Nanganganib ang buhay niya! Kailangan niyang manatili roon, pero paano naman si Latos? Hindi niya hahayaang mapahamak ito!
"Sandali!"
Huminto sa tapat ng pinto ang dalawang lalaki at sabay na lumingon sa kaniya.
"Kalagan ninyo ako! Pakawalan ninyo ako! Hindi ako magtatago rito! Ibalik niyo ako sa lansangan. Kailangan kong iligtas ang mga kaibigan ko!"
_____
______
SARKASTIKONG ngiti ang sumilay sa maninipis na mga labi ni Hunter. Naiinis siya but at the same time ay humahanga sa tapang ng babaeng nasa harap niya ngayon. Pero kapag hinayaan naman nila ito na umalis at sa oras na mahuli ito ng mga tauhan ni Mr. Cheng, siguradong madadawit sila! Masisira ang mga plano nila.
"Please, maawa kayo. Ayokong mapahamak ang mga kaibigan ko! Pakawalan niyo na ako!" Nagkiskis na ito ng mga palad. Pinipilit nitong pagdaupin ang nakatali nitong mga kamay.
Bumuntong-hininga siya at suminyas kay Felix.
Kaagad naman itong kumilos at kinalagan si Amber.
"Ipahatid mo siya sa tauhan natin," utos niya sa kaibigan.
Sa pag-alis ng babae ay naging balisa siya sa hindi malaman na dahilan. Wala na ang babae pero ginugulo pa rin nito ang isip niya. Simula kasi nong makita niya ito, may isang tao siyang biglang naalala.
He went straight to the bar area to open a bottle of wine. Para siyang uhaw na lumagok. Dire-diretso.
"Thirsty?" Si Felix na dinaluhan siya.
Ibinagsak niya ang baso sa counter. "That girl is stupid! Alam na niyang nanganganib ang buhay niya! Bakit hindi na lang siya magtago?!"
"Concerned?"
"What? No!"
Napahagalpak na ng tawa si Felix. "Geez, bro! Ayoko sanang isipin 'to dahil kilala kita pero..." Tinapik nito ang kaniyang balikat. "Baka nga na-love at first sight ka kay Empakta."
"Are you seriously thinking that?!"
Tawa lang ang isinagot ni Felix. Hunter was pissed. He's not that soft to fall in love easily at lalo nang hindi siya cheap para magkagusto sa isang babae na mandurugas at snatcher! Sa dinami-rami ng magaganda at class na babae sa mundong ginagalawan niya, sa isang taga-kalye lang ba siya babagsak? Huh! No way!
"Over my dead body, Felix!"
"Oh! You sounded like her, Hunter. Over my damn beautiful body!" Ginagaya pa nito ang tono ni Amber na lalong nagpaasar kay Hunter.
Tinapunan niya ito nang matalim na tingin.
"I just don't want to be tormented by my conscience when something bad happens to her. And besides, masisira ang mga plano natin kapag nahuli siya at kumanta sa mga sindikato."
"Conscience! Woah!" gulat na gulat na bulalas ni Felix. "Big word, bro! Conscience!" Umiling-iling pa ito sa kaniya sabay palatak na animo'y malaking pagkakamali ang sinabi niya. "Wala kang gano'n, Hunter. Sa tagal na nating magkakasama, kabisado na kita. Wala kang konsensya at wala kang pakialam sa buhay ng iba. Sige, magdahilan ka pa. Alam ko namang tinamaan ka sa karisma ng babaeng iyon."
"If you don't stop teasing me, I will fire you right now!"
"Maghahanap ako ng ibang trabaho then. Hiring ngayon si Ishmael."
"Ipapatapon kita pabalik sa Negros."
Mabilis na tumikom ang bibig nito at itinuon na lamang sa paglaklak ng alak. Oh how scared Felix was to go back under the power of his parents.
Nilagok niya ang natitirang alak sa kaniyang baso. He was still annoyed. Ano ba'ng pumasok sa utak ng kaibigan niya at nasabi nito ang mga bagay na iyon? He's being ridiculous! Tinamaan? Siya? Si Hunter Giordano? Tinamaan ng marungis at magnanakaw na babaeng iyon?
Sira na nga yata ang tuktok ni Felix para pag-isipan siya nang ganoon.
Madaming mga babae ang nagbibigay ng motibo sa kaniya. Mga elegante at nagmumuls sa mataas na estado at kilalang pamilya. Isa na roon ang anak ng kasalukuyang gobernador na kilalang mailap sa mga lalaki. Subalit wala ni isa sa mga ito ang nakabihag ng kaniyang puso.
He is as hard as rock and as cold as ice. Hindi basta-bastang tamaan ng karisma ang isang Hunter Giordano. Lalo na kung katulad lang ni Empakta.
Women are bitches, and they're better off being just a tool to him. Well, his mother is the only exception.
Lumipas ang ilang oras, lasing na siya. Hindi niya namalayang naparami na pala ang nainom niya. Ito rin kasing si Felix ay panay ang salin ng alak sa baso niya habang inaasar siya.
"A BIG NO TO THIEVES"
"Ouch! Too harsh, fafa Hunter! Haha!" Lasing na rin si Felix pero hindi talaga siya tinantanan. Panay ang tukso nito sa kaniya. Alaskader talaga ito noon pa. Muntik na nga niya itong masapak.
"Shut up, Felix! I would definitely not fall in love with that kind of woman. No, that won't happen."
He's sure of it and he freaking swears right on top of that counter, kung ganoong babae man ang bibihag ng puso niya, tatandang binata na lamang siya.
"Haha! Baka kainin mo lang lahat ng—"
"I would never touch her or even give her a sweet smile!" Suminok pa siya pagkawika no'n. Halos hindi na niya mabuhat ang sariling talukap.
"Sabi mo, eh." Nagkibit-balikat na lamang si Felix at ngingiti-ngiting sumimsim ng alak sa baso nito.
Kilala siya nito, if he says no to that person or thing, ibig sabihin lang no'n, ayaw niya talaga.
Well, he can swear as much as he wants but when fate decides, hindi na niya ito matatakasan pa.
"You know what, may kamukha siya."
Kunot ang noong napatingin siya kay Felix. "Ha?"
"'Yong babae sa picture na ipinahahanap ng mom mo, kamukha niya. Mas maganda nga lang iyon kaysa sa kaniya."
"Who?"
"Si Amber Leigh de Vera."