7th chapter

1510 Words
"Boss!" It was a peaceful morning. Felix and Hunter are having their breakfast when one of Hunter's men bursts in. Nahinto sa pagsubo ang dalawang gwapong lalaki at sabay na napatingin dito. "Si madam, nawalan daw ng malay!" Nagkatinginan sila. "Baka stress na naman, boss," ani Felix. Napamura siya nang malutong. "Get the car ready, Felix. Pupunta tayo sa Mansion ni Mommy!" * Pagdating nila sa mansion ng kaniyang mga magulang ay nadatnan nila ang kaniyang ina sa silid nito na nagpapahinga. Sinalubong naman kaagad sila ng kanilang family doctor na siyang tumingin sa ginang. "Doc. Samson. How is she?" "She's... fine now, Hunter. Nothing serious," tugon nito sabay buntong-hininga. "Na- over fatigue ang mommy mo. Kulang siya sa tulog at sabi ni Aling Josefina, kukunti lang daw ang kinakain niya. Hindi na siya nakapag-focus sa kalusugan niya dahil sa paghahanap doon kay... Amber ba iyon?" Nagtagis ang bagang niya sa narinig at mahinang napamura. "Kailangan niya lang ng sapat na pahinga para maka-recover. Kumain sa wastong oras at regular na pag-inom ng vitamins. Si aling Josefina nga pala, umalis para bilhin ang gamot na niresita ko." "Thank you," tanging nasabi ni Hunter. Tinapik ng doctor ang balikat niya. Nagbilin pa muna ito ng kunting payo para sa ina niya saka ito nagpaalam na umalis. Tiningnan niya ang kaniyang ina, si Mrs. Salem Giordano. Wala itong imik pero ang mga labi ay ngumunguso. Alam kasi nitong pangangaralan na naman niya ito tungkol sa pagpapabaya nito sa sariling kalusugan. Simula no'ng ipahanap nito ang anak ng dating kaibigan ay lagi na itong nalilipasan ng gutom at napupuyat. Hindi niya talaga maintindihan kung ano'ng meron sa Amber na iyon kung ba't gano'n na lamang ang pagiging determinado ng kaniyang ina na mahanap ito. "Anak," naglalambing na tawag nito. Dahan-dahan siyang lumapit sa gilid ng kama. "Mom, ano ba'ng pinaggagawa niyo?" Bigla itong kumapit sa braso niya. "Anak, I can't rest! I felt so guilty! Nalaman ko ang nakakaawang sitwasyon ni Amber. My goodness! Hindi ako makapaniwalang ang prinsesa ng kaibigan ko ay naging palaboy sa syudad! Pinasundo ko siya kanina kay Paolo sa lugar na tinitirhan niya pero wala na siya roon! Sobrang worry na ako, anak! I can't sleep! We need to find her!" Marahas siyang bumuntong-hininga. Gusto niyang magmura ngayon pero pinipigilan niya ang sarili. Hindi pwede dahil nasa harap siya ng kaniyang ina. But da*mn! Doesn't his mother have any other problems than finding that witch?! "Ipapahamak niyo ba talaga ang sarili niyo dahil lang sa babaeng hindi naman natin kadugo?!" "She's my best friend's daughter!" sigaw nito bigla sabay bitiw sa kaniya. "Parang anak ko na rin noon si Amber, Hunter." Muli siyang nagpakawala ng malalim na hininga. "Fine. Leave it to me. Ako na ang maghahanap sa kaniya." "R-really, son?" Tila bigla itong nabuhayan ng loob. "Yes. Basta aalagaan mo ang sarili mo, ma. Ayokong mangyari ulit ito." "Thank you, son!" Nakangiti nitong inunat ang mga kamay sa kaniya. "Halika nga. Payakap." Lumapit naman agad siya at tumungo para yakapin ang ina. "Promise mo sa akin iyan, anak ha? Hahanapin mo si Amber, dadalhin mo siya rito at pakakasalan." Muntik na siyang masamid ng sariling laway. Kumuwala siya rito at tumikhim para linisin ang baradong lalamunan. "Ma, I can take care of her but to marry her, I don't think I can do that." Kumunot ang noo nito. "Nangako ka sa akin noon! Pati na sa dad mo... Kay Leonisa at Tito Conrad mo! Sinabi mong pakakasalan mo ang anak nila pagdating ng panahon! Gusto mo bang bumangon ang tatlong iyon mula sa hukay?!" Bumunot na naman siya ng malalim na hininga at hinimas ang sariling noo. Biglang namigat ang ulo niya sa kunsumisyon. "Ma, that was thirteen years ago. Matagal na. Nagbago na ang lahat. Meron na ho akong nagugustuhang ibang babae." Kahit na ang totoo ay wala naman talaga. He isn't even sure to himself if there is a woman who can captivate him. "Si Amber lang ang pwede mong pakasalan, anak. Siya lang ang gusto ko! Nagmula siya sa maayos na pamilya. Kilala ko ang mga magulang niya from head to foot! Kaya kampante akong mabuting tao ang babaeng pakakasalan mo dahil gano'n ang mga magulang niya. Bukod doon, magaganda rin ang lahi nila! Sigurado akong magkakaroon ako ng magandang apo..." "Ma!" Humalukipkip ito at umiwas ng tingin. Ipinapakita talaga nito sa kaniya na hindi na magbabago pa ang isip nito. Damn! What's he gonna do? "Ah! Basta! Hanapin mo siya! Pakasalan mo siya!" Gigil siyang humarap sa pintuan. Hindi na talaga niya mapigilan ang inis. "f**k!" mura niya at muling humarap sa kaniyang ina. "Sige, pakakasalan ko siya pero hindi ko maipapangakong magiging good and faithful husband ako sa kaniya." "Hunter!" Pinanlakihan siya ng mga mata nito. Hindi naman niya iyon pinansin at lumabas na ng silid. Naabutan niya si Felix na nakasandal sa dingding malapit sa pintuan at pasipol-sipol pa. "So?" Inirapan niya ito. Kahit kailan, tsismoso talaga itong si Felix. "Let's go find that Amber!" aniya rito. "How?" "May litrato si Paolo sa babaeng iyon. May ilan din siyang impormasyong hawak tungkol dito. Humingi ka ng kopya." "Paolo? Your mom's personal assistant?" "Yes!" * SA kotse na naghintay si Hunter kay Felix na kasalukuyang hinihingi ang copy ng litrato at ilang detalye tungkol kay Amber. Sa labas ng salamin ng sasakyan ay nakita niya itong paparating at ngingisi-ngisi. "Nasaan ang litrato?" tanong niya rito pagkasakay nito. Tumawa ito. "You won't believe it! Haha!" Inilapag nito sa kandungan niya ang litrato. Stolen shot iyon ng isang babae sa gitna ng kalye. "Litrato ni Amber ang hinihingi ko at hindi ng Empakta na iyon!" "Si Amber nga iyan!" Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. "Hindi ako nakikipaglokohan, Felix." "Why don't you ask Paolo personally. Hm?" Napapikit siya nang mariin. Ibig sabihin, ang Empakta na iyon ang matagal nang hinahanap ng kaniyang ina?! "I can't believe it!" Pinaglalaruan ba siya ng tadhana? 'Yong pagiging spoiled brat nito noon ay matitiis niya pa. Pero ang pagiging magnanakaw nito at mukha pang hindi naliligo ng isang buwan... What the heck! He cannot! "Dang! Kaya pala magkamukha. Sabi ko na!" Naningkit ang mga mata ni Felix habang nakatingin sa malayo at hinihimas ang baba na bagong ahit. "Akalain mo 'yon... Ang babaeng nang-isnatch ng wallet mo ay ang babaeng ka-arrange marriage mo pala? Destiny, Hunter... Destiny! Haha!" "Hindi nakakatawa, Felix!" Hinilot niya ang kaniyang nose bridge at makailang ulit na huminga para pakalmahin ang loob na tila binabayo na ngayon. "Let's go find that Amber then. Let's see if mommy goes ahead with her plan when she finds out that the girl she wants her son to marry... is a thief! A criminal!" *** ILANG araw nang nagtatago si Amber. Lalo na nang malaman niyang may naghahanap sa kaniyang mga lalaki at nagtanong-tanong pa sa mga tindera sa kanto. Mabuti na lamang at hindi siya ikinanta ng mga ito. Natatakot na talaga siya para sa buhay niya. May pagkakataong hindi na siya nagpapakita sa Trio at hindi na rin umuuwi sa tinutuluyang bahay sa takot na baka pati ang mga kaibigan niya ay madamay. Nakatira sila sa ilalim ng tulay sa Santa Cruz. Si Tope ay may maliit na bahay roon na naiwan daw ng yumaong mga magulang nito. Sira na pero pinagtatiyagaan pa rin nila. Mas maigi na raw iyon kaysa matulog sila sa bangketa. Pero sa ngayon, hindi na muna siya umuuwi roon. Hindi ligtas para sa trios na makasama siya. Namukhaan na siya ng mga lalaking humahabol sa kanya at malamang na ang mga ito ang naghahanap sa kanya noong nakaraang araw. Nakausap na niya si Tope tungkol dito. Binalaan niya rin si Latos na huwag munang magpagala-gala. Lumabas si Amber sa kaniyang lungga dahil inabot siya ng gutom, sa ilalim ng tulay din pero may ilang metro ang layo mula kina Tope. Sa eskinita pa lang ay napansin na niya ang dalawang lalaking hindi mapakali. Panay ang sipat ng mga mata nito na tila ba may hinahanap na tao. Dumako ang tingin ng isa sa kaniya, sandaling napatitig at mayamaya lang ay tinapik na nito ang kasama saka siya itinuro. Nakita niya ang paglaki ng mga mata ng kasama nito. Kaagad siyang kinutuban. Ibig sabihin niyon, siya ang hinahanap ng mga lalaki! Mabibilis ang mga hakbang niya palayo. Bibili sana siyang barbeque pero dahil sa dalawang lalaking nakabuntot na ngayon sa kaniya ay nilunok na lamang niya ang kaniyang gutom. Papaliko siya sa kabilang kalye pero bigla siyang sinalubong ng isa pang lalaking naka-leather jacket at sinadyang banggain. Napaatras siya at hindi na nakabawi pa nang bigla siya nitong tutukan ng baril na nakatago sa suot nitong itim na jacket. "Huwag kang gagalaw! Huwag kang mag-iingay. Isang pagkakamali mo lang, madadagdagan ang butas sa katawan mo!" Nahigit niya ang hininga. "O-ok lang. Barado naman lahat ng butas ko--aray!" Idiniin nito ang dulo ng baril sa kaniyang tadyang. "Magsalita ka pa, papuputukan kita!" Napangiwi na lamang siya. Inilibot niya ang paningin sa paligid at lihim na napahiling sa isip, "Sana may dumating na saklolo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD