Hindi niya alam kung paano nakapasok ang mga lalaking iyon sa village. Mahigpit ang seguridad doon, kaya hindi basta-bastang nakakapasok ang isang tao nang walang maipapakitang valid ID at pahintulot mula sa residente na pupuntahan. Pati na rin ang pagpasa sa mga security checkpoint at pagkakaroon ng cleared access sa pamamagitan ng village administration. Nasisiguro niyang may kasabwat ang mga iyon sa loob. Masama ang kutob niya at batid niyang ang mga lalaking iyon ay may kinalaman sa sendikatong patuloy na humahabol sa kaniya. Bakit nga ba hindi pa rin siya tinantanan ng mga ito? Hindi na tuloy siya mapakali. Pagkatapos niyang mag-shower at mag-ayos, tumambay siya sa balkonahe ng kaniyang silid, nakaharap siya sa gate at nakatitig sa kalsada para bantayan ang mga dadaang sasakyan.

