"Amber!" Akmang hahawakan ni Hunter ang wala nang malay na si Amber ngunit mabilis siyang tinulak ni Tope palayo rito. "Don't you dare touch her!" singhal nito na kaagad inagaw ang babae mula sa mga bisig ni Felix. "Angela! Tawagan mo si Doc. Evans!" "O-oo!" Ngali-ngaling tumakbo palabas si Angela para tawagin ang sinasabing doctor na kapitbahay lang din nila. "Umalis na kayo!" harap ni Tope kina Hunter matapos mailapag nang maayos sa mahabang sofa si Amber. Puno pa rin ng galit ang mga mata nito ngunit nahahaluan na ngayon ng pag-aalala. "Kapag hindi kayo umalis ngayon din, mapipilitan akong barilin kayo!" "Christof!" nahuhumindig na sambit ni Anthena. "Umalis na kayo at dalhin mo yang dalawang iyan habang nakakapagtimpi pa ako!" "Tara, boss," si Felix na pilit hinihila si Hun

