"Tangina mo Hunter Giordano! I'm gonna kill you! I swear I'm gonna kill you!" "Tope." Naiwan sa ere ang kamao nitong akma na namang magpapakawala ng suntok. Hingal nitong ibinaba ang kamay at umayos ng tayo. Matagal bago ito lumingon sa kaniya, suot ang matalim na tingin. "Bakit ka nandito?" malamig nitong tanong at tumalikod para ayusin ang sarili. "Magpahinga ka. You need it." Hindi niya ito pinakinggan at sa halip ay humakbang siya para lapitan ito. Hinablot niya ang nadaanang towel saka iyon ipinunas nang dahan-dahan sa mukha ni Tope na may bahid pa ng pagiging agresibo nito kanina. Natigilan ito sa kaniyang ginawa kapagkuwan ay humingos kasabay ng pag-iwas ng mukha sa kaniya. "Ano nga pala ang nangyari kanina?" "Ano?" Nahihimigan niya ang pagkairita nito sa kaniyang tanong

