"Yes, Christof, she's seven weeks pregnant. Pasensya na ngayon ko lang naitawag sa iyo, I've been overwhelmed with emergencies at the hospital and I had to be there." "Ok lang, doc Evans. Salamat." Pagkababa ng phone ay halos madurog iyon sa mahigpit na pagkakakuyom ni Tope. Hindi niya matanggap ngayong kompirmado nang buntis nga si Amber. Hindi pwede dahil iyon na ang magiging dahilan na tuluyan nang mawala sa kaniya si Amber! He can't let that happen! Matagal niya itong inaalagaan, iniingatan, binabakuran... Nagtiis siya ng mahabang panahon, naghintay ng tamang oras ngunit sa isang iglap, aagawin lang ito ng iba mula sa kaniya? Tangina! Hindi siya makapapayag! Pagkatapos mag-shower at magsuot ng pajama ay kumuha siya ng malinis na panyo at may ini-spray roon. Pagkatapos ay tinupi niy

