Natulala si Amber sa gwapo't makinis na mukha ng lalaki. At nang tingnan niya ito sa mga mata ay biglang bumayo nang malakas ang dibdib niya. She momentarily forgot her entire being when his deep set brown eyes hit her. Mabangis ang bawat titig nito.
Para itong anghel sa kagwapuhan na nilagyan ng mga mata ng halimaw. Ang natural na mapupula't maninipis nitong mga labi naman ay tila may sumpang mina-magnet siya. Na kahit huwag itong magsalita ay mapapadila ka na lang bigla.
Muntik na niyang kaltukan ang sarili nang mapagtanto niyang nakaawang na pala ang bibig niya habang dinidilaan ang kaniyang sariling labi sa harapan mismo ng lalaki!
Ano bang ginagawa niya? Nakakahiya siya!
"Are you done molesting me?" biglang tanong nito.
Napapitlag siya. "Ano? Ano'ng molesting?!"
Gago pala 'to, eh! Muntik na niyang sapakin.
Alright, Amber. Time to wake up and go back to reality. Stick to the mission—ang pang-iisnatch!
Tumikhim siya at kinunutan ito ng noo. "Bayad ko nga pala!" nakapameywang niyang sabi. Balik na ulit sa pagiging maangas.
Tinitigan lang siya ng lalaki.
"Akin na!" sambit niya sabay lahad ng kaniyang isang palad.
Umigting ang panga nito. Pero wala rin namang nagawa at dinukot ang wallet. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung gaano iyon kakapal. Parang pisngi ng nagbabasa. Cheereet.
Bago pa man nito nabuksan ang wallet ay mabilis na niya itong hinablot sabay karepas ng takbo.
"f*****g thief!"
"Sorry, pogi!" sambit niya at binilisan ang takbo patawid ng kalsada. Kailangan niyang tumakas bago pa may makahuli sa kaniyang mga pagala-gala na kapulisan.
"Takbo, ate Amber!" sigaw naman ni Latos na nakasunod na pala sa kaniya.
Nilingon niya ito at gano'n na lang ang panlaki ng mga mata niya nang makitang may humahabol sa kanilang tatlong kalalakihang may malalaking katawan.
Hindi niya napigilan na mapamura nang makitang humahabol din sa kanila si Felix.
Lagot na!
"Latos! Dating gawi!"
Mabilis na lumiko si Latos sa malapit na eskinita matapos marinig ang kaniyang sinabi. Sumunod naman siya.
Nagtago sila sa likod ng malaking dustbin habang habol ang sariling hininga.
"Ate! Ang dami nila!" Halos hikain na ito.
"Nakakatakot ang itsura ng mga 'yon, ah! Ano ba'ng kinuha mo?" tanong niyang sinipat ang pinanggalingan.
"Cellphone."
"Cellphone lang? Akin na 'yan. Magtago ka. Ililigaw ko sila. At kapag nakalayo na kami, saka ka bumalik sa hideout natin. Maliwanag?"
"O-oo ate!"
Inabot nito kay Amber ang bagong modelo na smartphone. Hinubad naman niya ang suot na sombrero at isinuot sa ulo ni Latos.
"Ate, mag-iingat ka!"
Tiningnan niya lang ito saka bumunot ng malalim na hininga.
Nang marinig ang papalapit na mga yabag ay nagmadaling tumakbo si Amber patawid sa kabilang eskinita.
"Ayun siya!"
Napalingon siya sa tatlong lalaki na humahabol kay Latos kanina. Hindi na kasama ng mga ito si Felix. Nasaan kaya ito?
Agad siyang kumarepas ng takbo.
"Bilisan niyo! Malalagot tayo kay boss kapag kumalat ang video!"
"Paputukan ninyo!"
Nanlaki ang mga mata niya. May baril ang mga ito?!
Napalundag siya sa gulat matapos siyang simulang barilin ng mga ito. Humahalo sa umalingawngaw na putok ang malakas niyang sigaw. Halos mailuwa na niya sa bunganga ang kaniyang naghi-hysterical na puso dahil sa nerbyos.
"Jusko! Magbabagong buhay na po ako!!!"
Lumiko siya sa isa pang eskinita at kamuntik nang tamaan ng panghuling bala.
Paglabas niya patungo sa highway ay isang lalaki ang biglang humatak sa kaniya. Nagsisigaw siya sa takot.
Mabilis naman siya nitong niyakap at tinakpan ang kaniyang bibig. Pag-angat niya ng tingin ay halos himatayin na siya sa gulat. Si Felix!
"Ssh!" saway nito sa kaniya at sinilip ang pinanggalingan niya.
Wala pang isang minuto ay dumating ang sasakyang minaneho nito kanina.
"What the hell are you thinking, Felix?! Iniwan mo ako sa kotse sa gitna ng kalsada?! You're my driver you b*stard!"
Natulala saglit si Amber nang dumungaw sa bintana ang gwapong mukha ng lalaking tinangayan niya ng wallet. Naging mas malinaw sa kaniya kung gaano kaguwapo ang mukha nito, kung gaano kalapad ang mukhang matigas na dibdib nito at kung gaano pala kalaki ang biceps nito na bumabakat sa suot na puting polo shirts.
Nakakatuyo ng laway!
"Hey! Gusto ko lang bawiin ang wallet mo!" sigaw naman ni Felix.
"The hell I care for that thing? Madami pa akong ganiyan sa bahay ko!"
"Buh! Ang yabang talaga ng kaibigan kong ito!" pabulong na sambit ni Felix.
"Ano? Diyan ka na lang ba kasama ang magnanakaw na iyan?!"
"Aish!" Inis na hinablot ni Felix mula sa kamay niya ang cellphone na hawak. Hindi kaagad siya nakapalag sa pagkabigla.
Bago pa ito makasakay ay bigla na lamang silang paputukan ng mga kalalakihang humahabol sa kaniya.
BANG! BANG! Phew! Phew!
"Ayy!!!" Napatalon siya sa gulat at nauna pang pumasok sa sasakyan sabay hablot niya sa cellphone na hawak ni Felix.
"What the—" Gulat na napatingin sa kaniya ang lalaki sa driver's seat. "Get out!" anitong sabay na namilog ang mga mata't butas ng ilong.
Pinandilatan naman niya ito.
"Mag-drive ka na lang kung ayaw mong mamatay!"