1st Chapter

1904 Words
"Amber! Walang hiyang bata ka! Bakit mo binasag ang mamahaling ashtray na binili ko pa sa France?! Lagot ka talaga sa akin!!!" Mula sa baba ay rinig ni Amber ang matinis na sigaw ng kaniyang bruhang tiyahin. Nang maabutan siya nito ay kaagad siyang ginawaran ng matunog na sampal sa mukha. Hindi pa ito nakontento at tinulak siya saka pinagsisipa. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak at hayaan itong saktan siya habang hinaharangan ng maliliit niyang mga braso ang paghagupit nito. Sa edad na sampu, naging ulilang lubos si Amber. Bigating negosyante ang kaniyang mga magulang. Kilalang tao ang kaniyang ama at matalik na kaibigan ng mayor ng kanilang lungsod. Hanggang isang araw, nalaman na lang niya na kasama ang mga ito sa nangyaring pananambang ng mga umano'y private armies mula sa kalabang partido ng alkalde. Ang alkalde at limang iba pa ay nasawi, kabilang ang kanyang mga magulang. Pero dahil walang sapat na ebidensya, kaya hanggang ngayon, hindi pa rin nila nakakamit ang hustisya. Naiwan siyang mag-isa sa buhay. Nag-iisang anak lang siya at dahil bata pa ay hindi niya alam kung paano haharapin ang mga negosyong naiwan ng kaniyang mga magulang. Hindi siya pinalad dahil nagkaroon siya ng sakim na tiyuhin. Ang asawa naman nito ay mapang-abuso at lagi siyang sinasaktan. Kaya tumakas siya sa puder ng mga ito. Ang dating buhay prinsesa ay biglang naging palaboy. Nakarating siya sa Maynila hanggang sa makilala niya ang tinatawag na Trio ng kalsada. Mga kilalang magnanakaw na naging kasangga niya at sa tingin niya ay makakasama na niya sa lansangan hanggang sa pagtanda. Nanggagansyo sila at nagnanakaw para lang makakain at mabuhay. Pabalik-balik na sila sa kulungan, pero dahil mga bata at menor de edad pa sila ay pinalaya kaagad. Nang mag-sixteen si Amber, isang pulis ang biglang nag-alok sa kaniya na makipagtalik kapalit ng kaniyang kalayaan. "Sige na, ganda. Kahit isang beses lang." Bunubulong ito sa kaniya na parang demonyo habang hinihimas ang kaniyang hita. Nanginginig siya sa ginagawa nito, nandidiri at kinikilabutan. Pero wala siyang magawa dahil nakakulong siya at hawak nito ang susi ng kaniyang kalayaan. "Promise, ako ang bahala sa 'yo. Hindi ka na ulit makukulong dito." "Eww! Bundat!" Nagalit ito sa kaniya at pinagbantaan siya. Mabuti nakangiti at dumating agad ang kaniyang kaibigan at tinubos siya. Sa takot ay naglaho siya saglit sa lansangan at nagtago. Hindi na rin siya isinasama sa raket ng Trios. Ayaw na niyang bumalik sa kulungan. Ayaw na niyang harapin muli ang manyakis na pulis na iyon. "O! Caloocan! Caloocan dito na! Lalarga na!" Nagtrabaho siya bilang despatsadura sa loob ng isang taon. Ngunit kalaunan ay nagsawa siya sa maliit na kita at humanap naman ng ibang pagkakakitaan. Kung saan-saang parte na ng Manila siya nakarating at kung anu-anong trabaho na ang pinapasukan niya, magkapera lang. Sinubukan niyang maglako ng balot ngunit nababastos lamang siya ng mga tambay sa kalsadang madadaanan niya. Laging napapansin ang kaniyang kaputian at ang hinog niyang katawan. Maganda si Amber. Namana niya sa kaniyang ina ang hugis pusong mukha, buong mga labi at mapupungay na mga mata. Nakuha naman niya mula sa kaniyang ama ang pagiging maputi nito at ang tangos ng ilong. Kaya hindi kataka-taka kung napag-iinteresan siya ng mga kalalakihan habang siya ay lumalaki. Sumapit ang kanyang kaarawan, labing-walong taong gulang na siya. Imbes na eighteen roses ang bitbit niya, ay mga kandila ang hawak niya at inaalok sa lahat ng dadaan sa simbahan sa Quiapo. "Ang ganda namang dilag neto!" Isang cute at balingkinitan na babae ang biglang lumapit sa kaniya. Makapal ang makeup nito, maikli ang suot na palda, naka- spaghetti at naka-heels. Hindi nsgkakalayo ang edad nilang dalawa pero kompara sa kaniya, maagang nabuksan ang mga mata nito. "Kandila o, miss. Ipagsindi mo muna ang nobyo mong nang-ghost sa iyo." Humagikhik ang babae sabay dukot ng pera sa bag. "Ang taray, ahehe. Pabili akong lima. Isasama ko na rin yung matandang sugar Daddy ko na namatay sa sarap." Napangiwi siya at inabutan ito ng limang puting kandila. "Ako nga pala si Nenet. Ngayon lang kita nakita rito, ah. Tagasaan ka ba?" "Amber. Taga Sta. Cruz ako. Isang buwan na'ko rito, di mo lang siguro ako napapansin. Palipat-lipat kasi ako ng pwesto." Tumango si Nenet at nginitian siya. Simula no'n ay lagi na itong dumadaan doon at naging madalas ang pagbili nito ng kandila sa kaniya kaya kalaunan ay naging kaibigan niya ito. Nagtatrabaho pala ito sa isang bar. Isang araw ay nagtataka siya nang dalhin siya nito sa boarding house nito. Binihisan siya ng magandang black dress na kumikinang sa gabi na parang bituin sa kalawakan. Hapit na hapit ito sa kaniyang katawan, maikli kaya lantad ang mabibilog niyang mga hita. "Sigurado ka bang magkakapera ako roon?" "Oo! Matagal na akong nagtatrabaho doon. Gabi-gabi akong umuuwi na parehong may laman ang tiyan at pitaka." Kaagad siyang nasabik sa sinabi nito. Inayusan siya ni Nenet at nilagyan ng makapal na make-up. Halos hindi na niya nakilala ang sarili sa harap ng salamin. Lalo siyang gumanda at bukod doon, nagmukhang mamahalin. "Ready, Amber?" Tinanguan niya ito na halos naghubad na dahil sa klase ng suot nitong see through na pila. "Good! Let's go!" Hindi niya inaasahang dadalhin pala siya nito sa pinagtatrabahuan nitong bar. "Makikipag-table ka lang naman. Kakausapin mo lang ang mga customer. Chichikahin mo para humaba pa ang stay nila at u-order pa nang mas madaming alak at pulutan." Walang-hiya! Pinagkakikitaan pa siya. "Malaki ang kikitain mo dito, girl! At kapag sinuwerte ka baka makatagpo ka pa ng mayamang prince charming dito!" 'Baka mayamang matandang ulikba kamo!' naisaisip niya. Sinubukan naman niyang sundin ang sinabi nito kaya lang nang magsimula siyang bastusin ng isang customer at hipuan sa masilang parte, hindi niya napigilan ang sarili at napukpok ito ng bote ng beer. Basag ang bote at duguan ang ulo ng lalaki. Kaagad siyang kumarepas ng takbo palabas ng bar at nagtago. Kinaumagahan ay bumalik siya sa ilalim ng tulay kung saan naninirahan ang Trios at ibinahagi niya sa mga ito ang kaniyang naging karanasan. "Anak ng tinapa pag nakita ko ang babaeng 'yon, uumbagin ko talaga sa poke 'yon!" matapang na sambit ni Latos, mas bata lang ng dalawang taon sa kaniya pero malaking tao. Mahilig ito sa pagkain pero dahil track and field ang raket nila kaya hindi ito nanaba nang husto. Sakto lang ang bilbil, mga dalawa. "Hmm, yabang. Baka pag nakita mo ay maglalaway ka at liligawan mo pa!" Si Angela, ang bunso sa kanila na may osya na pangangatawan dahil sakitin. "Tama na nga yan. Basta Amber, huwag ka na ulit sumama sa babaeng iyon ha?" At si Tope, kaedad lang din niya. Ito ang isa sa halimbawa ng lalaking tall, dark and handsome. Mabait ngunit siga sa daan. Nginitian niya ang mga ito. Sa loob ng maraming taon ay napatunayan niya ang samahan na meron silang apat. Ang Trios ay hindi lang niya pamilya, tagapatanggol din. *** Sa ngayon ay byente anyos na siya. Nagtatrabaho siya bilang tagasilbi sa isang karenderya, kargador naman si Tope. Tagalako ng sigarilyo at basahan sina Angela at Latos. Ngunit kapag walang trabaho ay rumaraket sila. Ang kanilang bagong mudos ay mang-isnatch ng mga mamahaling bagay mula sa magagarang sasakyan na naiipit ng traffic. Silang dalawa lang naman ni Latos ang gumagawa niyon. Tumino na si Tope at lalo na si Angela nang makapasok ito bilang kasambahay sa edad na sixteen. Ilang beses na silang pinagsabihan ni Tope na itigil na ang masamang gawain at maghanap na lamang ng matinong trabaho ngunit kung sa patigasan ng ulo, nagkakasundo talaga sina Latos at Amber. Ni hindi sumagi sa isip nila na ang kanilang huling raket ay maglalagay sa kanila sa panganib. "Ate Amber!" biglang tapik sa kaniya ni Latos. Iritable niya itong nilingon dahil hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa siya nakakadelihensya. "Ano?" "Doon ka sa itim na kotse. Ako doon sa puting van." Ininguso nito ang dalawang magkasunod na sasakyang halos gumawa na ng sariling parking space dahil sa hindi umuusad na trapiko. Tumango lang siya rito at inihanda ang sarili sa pagtawid. Inangat niya ang manggas ng suot niyang maluwang na t-shirt. Ang orihinal na kulay nito ay puti, ngunit dahil nakatira sila sa kalye ay sinalo nito ang lahat ng klase ng dumi mapa-alikabok man, uling at usok, kaya nagiging kayumanggi ang kulay. Ngunit kahit marungis tingnan, hindi niya pa rin maiwasang makaagaw ng pansin sa ibang motorista. Siya ang tipo ng babaeng kahit maglakad lang sa gitna ng kalsada ay pwede nang mang-akit ng mga makasalanang mga mata na may masasamang balak. Kung hindi lamang siya mailap sa mga lalaki ay baka matagal na siyang naging kabit ng mga manyakis na matatandang mayaman. Maraming beses na rin siyang inalok ng malaking halaga ng pera kapalit ng isang gabi sa kama ngunit hindi niya tinanggap. Mas gugustuhin pa niyang magnakaw kaysa ibenta ang katawan sa mga nakakadiring kalalakihang hindi ko alam kung may nakakahawang sakit ba. Ibinaba niya nang bahagya sa mukha ang pardilya ng suot niyang sombrero para itago ang mukha. Pagkatapos ay huminga nang malalim. Naubo pa siya sa mausok at maalikabok na hanging sumalubong sa bibig niya. Ano pa ba ang aasahan niya? Nasa Maynila siya at iyon na ang kinalakihan niya. Sanay na rin siyang napupuno ng agiw ang butas ng ilong. Pasimple siyang naglakad nang nakapamulsa sa suot na kupas na long pants, patungo sa target na itim na kotse kung saan nakasara ang lahat ng bintana. Kaagad siyang naglabas ng pamunas saka sinimulang punasan ang windshield ng sasakyan papunta sa mga bintana na tented. Sandali lang iyon. Kinatok niya kaagad ito para manghingi ng suhol kahit pa hindi naman siya inutusan na linisin ang bintana nito. At kung sakaling hindi siya nito pagbubuksan, nakahanda ang kasinglaki ng kamao na bato sa isang kamay niya para basagin ang salamin nito. Pero tatakutin lang naman niya. Napilitan ang sakay ng kotse na buksan ang bintana sa driver's seat. Isang mestisong lalaki ang bumungad sa kaniya na sa tantiya niya ay nasa late twenty's ang edad. Tinanggal nito ang suot na shades at pinasadahan siya ng tingin. Pinipilit naman niya ang sariling tiisin ang pagkakaasiwa sa titig nito. "Miss, maganda ka. Pwede kang maghanap ng ibang trabaho. Hindi ka nababagay rito sa kalye para lang maging tagapunas." "Marangal naman 'tong trabaho ko, sir." "Naghahanap ako ng personal maid. Baka gusto mo-" "Felix. Bigyan mo na 'yan," isang malalim na boses mula sa backseat ang sumabad. "Boss, wala akong coins," nakangising sagot ni Felix. "Yung papel na lang." Naiiling na ngumisi ulit si Felix. "Wala. Hindi mo pa ako sinasahuran." Hindi na umimik ang lalaki sa backseat. "Doon ka manghingi. Mapera 'yon," mahinang sabi sa kaniya ni Felix. Nagpanting ang tainga niya sa narinig. Mapera! Kaagad siyang lumipat sa bintana sa backseat. Kinatok niya ito nang tatlong beses ngunit hindi ito bumukas. Inulit niya nang inulit. Tawang-tawa naman si Felix sa kaniyang ginawa. Mayamaya lang ay bumaba sa kalahati ang tinted na bintana. Sapat para lumantad ang mukha ng sakay niyon. Kasabay ng pagsalubong sa kaniyang pang-amoy ng panlalaki na pabango nito ay bumungad din sa kaniyang paningin ang gwapong mukha nito na animo'y nalahian ng diyos ng kayamanan. Sandaling tumigil sa pag-ikot ang kaniyang mundo at maging ang pagtakbo ng oras ay tila bumagal din. Napagtanto niya na ang may-ari ng baritonong boses na iyon ay kalahi pala ni Zeus. "Holi mader paker sheyt!" bulalas niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD