Madilim pa ay lumabas na ng bahay si Amber. Kailangan niyang tumakas dahil tiyak na hindi siya papayagan ni Tope na umalis sa puder nito. He was confident he could protect her, but she couldn't risk putting him in danger for her sake.
Sising-sisi siya kung bakit hindi siya nakinig noon kay Tope. Pinagsabihan na siya nito na tumigil na sa gawaing ikapapahamak nila, pero hindi siya nakinig at iningganyo pa niya si Latos na sumama sa kaniya. Now she's facing the consequences. Her stubborness led her to cross paths with a syndicate.
Natatakot siyang mawalan ulit ng pamilya. Ayaw niyang mangyari sa mga ito ang nangyari noon sa mga magulang niya. Kaya haharapin niya ito nang mag-isa.
Hindi pa man siya nakalayo sa bahay ay napahinto na siya sa madilim na bahagi ng sulok. Sumandal siya sa haligi ng saradong karenderya.
Tumingala siya at mariing pumikit. Kailangan niyang mag-isip ng paraan kung paano kausapin si Hunter. Lahat ay gagawin niya. Kahit ano, kahit maging alipin pa siya nito basta't maprotektahan lang siya at mailayo sa kapahamakan ang trios.
Napadilat siya nang makarinig ng marahan na yabag. Nilingon niya ang pinanggalingan ng tunog at sumalubong sa kaniya ang malaking braso ng lalaking nakasobrero.
"Huwag! Bitiwa—" Mabilis siya nitong niyakap at tinakpan ang kaniyang ilong ng panyong may kakaibang amoy.
Nang makalanghap ng chemical mula roon ay unti-unti siyang nakaramdam ng pagkahilo hanggang sa tuluyan na siyang nanghina at nawalan ng malay.
***
'NANANAGINIP BA AKO?'
Nagising kasi siyang nasa loob na ng napakalawak at napakagandang silid.
Para siyang ibinalik sa Mansion nila noon. Pero imposible. Wala na ang bahay nila dahil sa pagkakaalam niya ay ibinenta na ito ng sakim niyang tiyuhin.
Tumayo siya at inilibot ang paningin sa buong paligid.
Mala-prinsesa ang dating ng silid. Ang hinigaan niya ay isang luxury canopy bed na napalibutan ng magarbo't classy na pink curtains.
May sariling sofa bed, 65 inches flat screen TV, laptop, walk in closet na puno ng naggagandahang dresses at ang pinakana-miss niya, ang malamig na Aircon.
"Panaginip ba ito? Kung panaginip nga, pwede bang dito na lang ako habang buhay? Sana nandito rin sina mommy at daddy."
Bigla siyang nanlumo nang maalala niya ang mga panahong kasama pa niya ang kanyang mga magulang sa magarbong mansion nila.
Na-miss niya ang buhay niya noon.
Na-miss niya ang pagiging Amber Leigh de Vera, ang nag-iisang prinsesa sa kanilang pamilya. Na-miss niya na may mag-aalaga sa kanya at may sariling yaya. Namiss niyang nakukuha ang lahat ng gusto niya at higit sa lahat, nami-miss niya ang pagkakaroon ng mga magulang sa tabi.
Sana maibalik niya ang nakaraan para baguhin ito. Para maibalik niya ang buhay ng kaniyang mga magulang.
Napabalikwas siya sa kama nang maalala ang lalaking tumakip sa kaniya ng panyo. Nasaan na kaya ito? At anong lugar ba itong pinagdalhan sa kaniya?
Natuon ang atensyon niya sa pagbukas ng pinto. Mga babaeng nakauniporme ang sunud-sunod na pumasok.
"Magandang hapon, young madam."
Hapon? Hapon na pala? Buong araw pala siyang tulog.
"T-teka, saan niyo ako dadalhin?" pagtataka niya nang bigla siyang pagtulungan na hilahin ng mga ito palabas ng silid.
"Nandiyan na ho si Madam sa baba. Hinihintay kayo," sagot ng isang mas matanda habang inaayusan siya.
Madam? Sino naman kayang madam?
Gulung-gulo na ang isip niya. Parte pa rin ba ito ng panaginip niya?
Pagbaba niya ay isang pamilyar na ginang ang bumungad sa kaniya. Napahinto siya sa huling baitang at pinagmasdan ito.
Nakaupo ito na parang Reyna sa isang marangyang sofa. Napaka-elegante. Ngunit ang pinakaumagaw ng kaniyang atensyon ay ang kumikinang na dyamante sa leeg nito. Isang choker necklace!
Olalah! Bigla siyang naglaway! Sigurado siyang malaking halaga iyon kapag ibinenta! Paano niya kaya mahahablot iyon? Maikli pa naman ang leeg nito, mukhang mahihirapan siya.
"Amber!" Mabilis itong tumayo nang makita siya.
Unti-unti namang luminaw sa alaala niya ang mukha nitong wala pa ring kupas ang ganda.
"T-tita Salem!?" Sumikbo ang puso niya dahil sa pagkasabik dito. Ang matalik na kaibigan ng kaniyang ina na sobrang mahal siya noon!
"Yes, dear!" Akma itong lalapit pero mabilis na humarang ang matangkad na lalaki na bigla na lang lumitaw mula sa kung saan.
Nabaling ang atensyon niya rito.
"Ikaw!?" bulalas niya sa lalaki.
"Magkakilala kayo?" takang tanong ng ginang na kaagad nangislap ang mga mata sa naiisip. "Oh my..! Destiny my son!"
Bagsak ang panga ni Amber.
Son? Anak nito ang lalaking nasa harap niya?
'Sana hindi! Sana driver lang siya o kaya ay bodyguard ni Tita!' lihim niyang naihiling sa isip. 'Ang gwapo namang driver. Baka boyfriend, pwede. Teka, boyfriend ni Tita? Ang taas ng agwat ng edad!'
Ang dami nang naglalaro sa isip niya habang hinihintay ang sagot ng lalaking matalim ang tingin ngayon sa kaniya.
"M-m-mommy mo s-si Tita Salem?"
"Yes, Miss snatcher. I am Hunter Giordano, the only son of Mr. Nicholas and Mrs. Salem Giordano. Ang lalaking sinabuyan mo noon ng pesticide sa ari!" Nagtagis ang bagang nito sa huling sinabi.
Napalunok naman siya at napakapit sa handrails ng hagdanan. She never thought she would see him again after so many years of struggling to survive!
Worse is... Naging biktima pa niya ito sa pagnanakaw! At paano nga ba siya napunta rito sa bahay ng mga Giordano? Baka nga panaginip lang ito! Pasimple niyang sinampal ang sarili para magising ngunit gising na gising na talaga siya. She's not dreaming. This is real. This is really happening!
Nakapamulsa na naglakad si Hunter palapit sa kaniya.
He paused as his hazelnut, deep eyes fixed into hers. Para siyang tinutunaw nito sa tingin lang. His domineering figure shakes her knees a bit na pilit niyang ikinukubli sa pekeng ngiti.
"U-uy! M-Mangangaso... Kumusta?"
Kaya pala very familiar sa kaniya ang ugali nito. Walang pinagbago. Antipatiko pa rin at feeling gwapo.
Well, actually... He is handsome.
Naalala niya noong mga bata pa sila, noong una silang nagkita. Sinundan niya si Hunter na naglibot sa likod ng kanilang bahay. Inabot ito ng call of nature at umihi sa harden ng kaniyang Mommy. Sakto namang nakita niya ang pesticide na ginamit na pang-spray ng kanilang hardenero, mabilis niya iyong dinampot at ibinuhos sa tite nito.
Napangiwi siya nang maalala kung paano namaga ang malaki at mahaba nitong pag-aari. Kung paano ito nagsisigaw sa pinaghalong kati at hapdi, kung paano ito umiyak nang takutin niyang puputulin na ng doctor ang ari nito.
She was childish and a spoiled brat back then. Gusto lang naman niyang makipagkaibigan kay Hunter noon. Unang kita niya pa lang kasi rito ay nagustuhan na agad niya dahil maliban sa gwapo ay mukha rin itong matalino gumalaw. Pero masyadong seryoso at suplado ang lalaki. Ini-snob pa siya at hindi niya iyon kayang tanggapin,—ns may isang tao na ayaw sa kaniya.
Gusto niya noon, lahat ng tao sa paligid niya ay pinapansin siya at nakangiti sa kaniya. Of course, she's Amber Leigh de Vera, she's the pretty princess of the de Veras. Sanay siya sa atensyon.
Hunter however, is the type of guy that you can't force to like someone he doesn't like. And he didn't like her. Kaya hindi siya nito pinapansin. At dahil doon ay nainis siya. She hated him dahil sa kayabangan at kasupladuhan nito.
Tumingala siya sa seryoso at gwapong mukha ni Hunter.
"I-Ikaw pala ang... ang ipinagkasundo sa akin noon?"
Umigting ang panga nito. Dahan-dahan itong yumuko sa kaniya at pinagpantay ang mukha nila.
"Ako nga... Ang future husband mo." Hinawakan siya nito sa braso at pinisil kaya napangiwi siya. "And it's payback time, Amber."